Chapter 19: Brainstorming

25 3 2
                                    

Arc's POV

Tama nga naman itong si Mr. Dalistro, kung lalabanan namin ulit si Galaxtar, dapat ay mawasak muna namin ang kanyon niyang ito lalung-lalo na't sa mga pagkakataong ito ay nandoon siya. Wala naman siyang ibang matatakbuhan kundi ang napakalaking sasakyan niyang iyon.

Pinipigilan naming mangyari iyon ulit. Ayaw na naming maulit ang hindi malilimutang pagsabog na iyon.

Malayo na ang narating namin, sayang naman kung iyon ang tatapos sa amin.

"Sa tingin ko'y kaya ko iyang pasabugin..." sabi ni Demon. Hindi rin mabiro ang lakas ng lalaking ito. Aware ako na half-demon siya kaya naman napakalakas niya, pero ngayon, mas lumakas pa yata siya. Ayon nga sa mga reports nawala itong si Demon bigla at hindi nila alam kung saan pumunta, saan nga ba?

"Well, you gonna need a suit. A spacesuit..." sabi ni Mr. Dalistro habang patuloy na nagte-takedown-notes.

"Wala na tayong oras pa para gumawa ng isa. Nakalimutan niyo na yata ang mga suot ninyo ngayon?" sabi ko at tumayo. "This suit is composed of nanobots, kaya naman kaya nitong maging spacesuit but I'm not sure kung matatagalan nito ang vacuum ng space. Kaya naman Demon, kung ikaw ang gagawa, kailangan mong bilisan..." dugtong ko.

"Sa tingin ko'y hindi na kakailanganin pa ni Demon na magpalabas ng kapangyarihan, kahit ang bomba lang na ito. Sapat na iyon..." sabi ni Mr. Dalistro habang ipinapakita ang isang bomba na may kaparehong shell sa armor niya. Kulay pula na may itim na accents.

"Bakit pa tayo gagamit ng bomba kung pwede ko naman itong pasabugin gamit ang aking kapangyarihan?" sabi ni Demon. Tama siya, bakit nga ba? At saka baka may ibang mangyari 'pag 'yan ang ginamit.

"Dahil sigurado akong masisira nito ang kanyon. Hindi sa ina-underestimate ko ang kakayahan mo Demon. Para na rin ito sa kasiguraduhan..." pagpapaliwanag ni Mr. Dalistro at tumayo mula sa kanyang paboritong upuan at ako ang pumalit. Kaya naman pala gustong-gusto niyang umupo rito, ang lambot pala nito. May taga-masahe pa. Hayyyyy...

"Sang-ayon ako kay Dalistro. Kailangan nating siguraduhin ang ating mga galaw. Uulitin natin kung kinakailangan..." sabi ni Mr. Theodore. Nakikinig siya ng mabuti sa mga sinasabi namin. Isa siyang hari at marami nang digmaang napagtagumpayan, ngunit sa pagkakataong ito nakikinig lamang siya sa amin at sumasang-ayon. Hindi man lang siya nagbibigay ng opinion o taktika man lang para matalo namin si Galaxtar. Ano ba ang nasa isip mo ngayon?

"Bago lahat ng 'yun, kailangan muna nating pag-aralan ang kanyon na iyan. Ann maari ba?" sabi ni Mr. Dalistro at umiba ang imaheng nakalagay sa holographic display. "Ang ating unang misyon ay pasabugin ang kanyong iyan, pero ano nga ba ang kanyong iyan?" tanong ni Mr. Dalistro. Tumingin siya sa amin pero wala kaming naging imik. Natahimik din maging si Demon. Tumingin si Mr. Dalistro kay Zhanaia nagbabasakaling may alam ito. "Hmm?"

"Talaga?!" sagot ni Zhanaia. Oo nga naman, bakit siya ang tinanong ni Mr. Dalistro, eh wala naman siyang alam tungkol sa mga ganitong bagay. Ang alam niya lang ay lumangoy ng mabilis at magpalabas ng tubig sa kanyang mga kamay. Huh. Natatawa ako sa reakyon niyang ito.

"Theodore?" pagbabasakali rin ni Mr. Dalistro rito. Parang teacher siya ngayon kung umasta. Nakahalukipkip din siya na para bang 'yung striktong guro na naghihintay sa recitation ng kanyang hindi nakikinig na estudyante. Nakatatakot naman pala itong matalinong alien na 'to.

"Ahh..." syempre, ano pa nga ba ang maasahan namin sa kanya? Iba ka talaga Mr. Theodore. Hahahaha.

"Ako na lang ang sasagot..." hindi na siguro makapaghintay pa si Demon at siya na lang ang sumagot. Mabuti na lang at nakahinga na ng malalin si Mr. Theodore. "Sa nakikita ko, approximately ang tatlong tube na 'yan ay may haba na nasa 400 meters at kapal naman na nasa 50 meters. Hindi ito typical na cannon lang. Gaya nung nakita natin sa footage, plasma energy ang inilalabas nito na higit na mas delikado sa nuclear bomb ng one hundred times. Remote controlled din 'yan sa hula ko, na matatagpuan naman sa bridge...." pagpapaliwang niya.

CONVERGENCE NEMESIS (CSU SERIES #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon