Special Chapter

28 3 1
                                    

Warning: Contains mature content. Read at your own risk.

Arc's POV

Now playing: Dive by Ed Sheeran na nagmumula sa bluetooth speaker ko na nasa desk.

Nakayakap ako kay Wendy habang kami'y nakahiga sa malambot naming kama. Napakakomportable, ito 'yung buhay na gusto. Masaya lang, walang iniisip na kung anong gulo.

Nakayakap din naman siya sa akin habang tinatakpan niya ang kanyang dibdib ng kulay puti naming kumot dahil wala siyang damit katulad ko ngayon. Kayo na ang bahala kung ano ang ginawa namin kanina. Nakapatay ang ilaw pero maliwang pa rin dahil sa liwanag na nagmumula sa mga pailaw ng mga karatig gusali namin. Ganito talaga ang Central city, maliwanag pa rin kahit gabi.

Nakabukod na kami at mga isang buwan na rin kaming nakatira sa condo unit na ito na aming napundar.

"Babe?" --

"Oh ano, isa pa?" biro ko. Ngumiti ako sa kanya at pinisil ang kanyang mukha.

"Hindi 'yun!" sus nagmaangmaangan pa 'to. Gusto niya rin naman. Lakas nga ng ungol niya kanina eh. Sus.

"Oh ano ba, bakit?" napatawa ako sa kanyang napipikon na mukha.

"May naisip lang kasi ako, tumigil na kaya tayo sa pagtatrabaho sa association? Tutal mailang ulit na rin nating nailigtas ang mundo. Ilang beses na rin tayong muntikang mamatay. At ayaw kong maulit pa iyon. Ah... Gusto ko sanang, mamuhay na tayo bilang mga normal na tao. Gaya ni Lola Reves 'di ba?" tumingin ako sa kanya ng diretso. Tiningnan ko ng maigi ang kanyang mga mata at nakikita kong ito talaga ang nilalaman ng kanyang puso, ito talaga ang gusto niyang mangyari o ito ang kanyang pangarap.

"Gusto mong tumigil na tayo, iiwan natin sina Ivion at Elise? Sina Anaria, Tronium at Alzan?" tanong ko. Ito kasi ang mahirap sa akin, matagal akong bumitaw sa mga bagay-bagay, naa-attached ako parati at mahirap akong mag-move on.

"Hindi naman talaga tayo aalis eh, at isa pa mga kaibigan natin sila, maiintidihan nila tayo, mamumuhay lang tayo bilang mga normal na tao, 'yun lang. Subukan nating huwag gamitin ang mga kapangyarihan natin, maghanap tayo ng trabaho, tutal college graduate at degree holder naman tayo. Ipagpatuloy mo ang pangarap mong maging pulis..." sabi niya. Oo nga pala, ang pangarap ko.

Ito 'yung dahilan kung bakit ako nagpursiging mag-aral, para matapos sa aking kurso at makapagtrabaho. Naniniwala kasi ako nung mga panahong iyon, na malaki ang maitutulong nito sa kaso ng pagkamatay ng aking mga magulang. Bakit ko kaya iyon nalimutan? Nalibang ako ng husto sa pagiging bayani at nakalimutan ko na ang tunay na rason kung bakit nangyayari ang lahat ng 'to sa akin.

"Babe, nakikinig ka ba?!" bigla niyang kinunit ang nipple ko at parang nagising ako.

"Aray!" napasigaw ako.

"Makinig ka kasi! Hmmp!" --

"Ah, oo naman. Sige, kung iyan ang gusto mo. Susubukan natin. Pero bago 'yun isa pa ha?" ngumiti siya agad.

"Heeeee! Ikew telege..." ayan lumabas din, gustong-gusto niya rin naman pala.

Sa totoo lang, dini-distract ko siya. Gusto kong kalimutan niya muna ang mga sinabi niya ngayon. Gusto kong masaya lang kami at walang iniintinding iba. Sana, sana maganda ang kinalalbasan ng gusto niya, wala naman akong magawa kundi ang sumunod sa kanya.

Kung ako lang ang tatanungin, gusto kong ipagpatuloy ang pagiging Reborner. Maaga pa naman para huminto agad. Ang punto ko lang, gusto kong makatulong sa mga nangangailangan. Masaya kaya 'pag may misyon.

Siguro natatakot din akong lumagay sa tahimik, nasanay kasi akong maingay at magulo ang buhay ko, kaya naman mahaba-habang adjustment pa ang gagawin ko.

Bakit niya naman kaya naisip 'yun? May balak ba siya para sabihin 'yun sa akin? Teka, teka, parang nakukuha ko na ah. Balak niya sigurong mag-propose ako sa kanya.

Syempre darating din tayo do'n. Gusto ko munang i-enjoy ang buhay ko 'no. Marami pang mangyayari, marami pang paglalaban na magaganap at sigurado ako doon.

But for now, e-enjoy-in ko muna ang gabing ito. Makalilima yata ako ngayon ah? Isa rin to sa mga pinanghihinayangan ko nung akala kong wala na sila. Naku, hindi ako papayag na mawala siya ulit. Poprotektahan na kita ng mas mabuti ngayon Wendy, ipinapangako ko 'yun.

Itinaas ko agad ang volume ng kanta para, alam niyo na. Ahem, ahem.

"Nandito na ko!" panggigigil ko at tinakpan nga namin ng kumot ang isa't isa. "Rawr!" kiniliti ko siya sa leeg gamit ang paghalik dito at napatawa ko siya agad. Matapang siyang babae at ako lang ang may kapangyarihang ipalabas ang side niya na ito. 'Yun nga lang, pagkatapos ng isa o dalawang oras, bumabalik na naman ang pagkasuplada niya.

Sana'y ganito na lang palagi, sana'y panghabangbuhay na 'to.

"I love you Wendy..." sabi ko sa kanya habang malalim na humihinga. Nakatungtong ako sa kanya at tinititigan ko ang kanyang mga labi.

"I love you too Arc..." sabi niya at hindi na nga ako nakapagpigil at hinalikan siya nang hinalikan.

Kung ano man ang inilaan ng hinaharap para sa akin, alam kong handa ako. Tatangapin ko ang lahat para sa aking pamilya kahit buhay ko man ang kapalit. Pero sa ngayon, lalasapin ko muna ang sandaling ito.

Mas mabuti kung iisipin ko muna ang sa ngayon. At bukas ko na iintindihin ang para sa araw na 'yun.

Kailangan lang maging handa.

********************

CONVERGENCE NEMESIS (CSU SERIES #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon