Theodore's POV
Nandito pa rin ako sa Legendaria chamber habang nakaupo. Binaluktot ko ang aking apat na tuhod at ipinikit ang aking mga mata. Wala rin naman akong makikita rito sa loob maliban na lang sa napakaraming libro at mga lumang bagay.
Sa aking pagpikit ay kulay itim lang ang aking nakikita. Kulay itim na para bang bangungot. Ang aking paghinga lang din ang aking naririnig dito. Hindi ko alam na magiging ganito kapayapa rito. Maingay dapat ang lugar na ito dahil sa mga taong nagtatrabaho rito. Napansin kong halos wala nang natira. Nasaan kaya sila? Nawawala ba ang mga agents?
Sa pagkawala ng mga pinuno, sila ri'y nawala. Nandito pa naman ako, si Dalistro at Zhanaia. Itatayo naming muli ang asosasyon.
Iminulat ko ang aking mga mata dahil may biglang kumatok. Tumayo ako at ito'y pinagbuksan.
"Oh..." nagulat ako na may isa pang natitirang agent. Isa siyang babae na suot ang kanyang kulay itim na uniform na may tatak ng asosasyon sa balikat.
"Di-Dinalhan ko po kayo ng maiinom sir..." sabi niya dala ang isang inumin. Kahit may takip, amoy na amoy ko pa rin ang matapang na kape nitong laman. "Sana po ay tanggapin ninyo..." pag-abot niya sa akin at agad ko itong tinanggap. "Oh!" nabigla ako do'n.
Binasa ko ang name plate na nasa kanyang dibdib at sinabi ng malakas.
"Via, Agent Via..." sabi ko at ngumiti. "Salamat dito..." dugtong ko.
"Matanong ko lang po, totoo po ba ang balita na wala na po sila? Iyan po kasi ang naririnig ko mula sa ibang agents. Kaya ayon, umalis na 'yung iba. Iilan na lang kami ang narito dahil naniniwala po kami na hindi po iyon totoo..." sabi niya. Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo? O hahayaan ko na lang na paniwalaan niyang maayos lang ang lahat?
"Ah..." hindi ko man lang maigalaw ang aking bibig. Hindi ko alam kung saan ko kukunin ang lakas ng loob para itapat sa kanya ang lahat.
"Ayos lang po kung ayaw ninyong sagutin. Pasensya na po kayo kung nagtanong ako ng gano'n. Alam ko pong nanggaling pa kayo sa isang napakalaking misyon kaya pasensya na..." pagkahiya niya.
"Ayos lang iyon. Sabihin mo sa mga taong nagpapakalat ng balita na sana naging tagapagbalita na lang sa telebisyon ang kanilang naging trabaho at hindi secret service..." idinaan ko na lang sa biro ang lahat. Baka sa paraang ito mawala ang kanyang pangamba. Baka sa pamamaraang ito matabunan ko man lang ang tunay na nangyari. Hindi ko hahayaang malaman nila ang totoo sa ganitong paraan. Umakma akong papasok na pero nagpahabol pa siya ng salita.
"Salamat po sir. Aalis na ako. Kung kailangan niyo po ng kung ano, nasa third floor lang po ako. Tawagan niyo lang ako..." ngumiti siya pagkatapos niyang sabihin iyon.
"Sige salamat din dito..." sabi ko. Tumalikod siya at huminga ng malalim na para bang nagpapasalamat siya dahil nalabanan niya ang kanyang hiya. "Mabuting bata..." ngiti ko at isinara na nga ang pinto.
Napatingin ako sa mga litrato na nasa dingding. Litrato namin ito ng aking kaibigan na si Zack.
"Hayyy... Kaibigan. Sa maraming misyon at pagsubok na dumaan, lahat ng iyon tayo ang magkasama. Sabay tayong humaharap sa problemang ito at sabay din natin itong napagtatagumpayan..." sabi ko at ininom ang hawak kong kape. Huminga ako ng malalim bago nagsalita ulit. "Hindi ko inakala na sa pagkakataong ito, hindi tayo magkasama..."
Napatingin ako sa Libro ng Legendaria na nasa mesa. Ang libro na may portal papuntang Legendaria. "Naaalala ko pa noong una kong dinala ang grupo nina Arc sa Legendaria para magsanay. Ikaw ang sumalubong sa amin kaibigan, ikaw ang siyang naging gabay ng mga batang iyon hanggang ngayon. Talagang hindi nagkamali si Agos nang ibigay niya sa iyo ang tungkod na ito..." sabi ko at ipinalabas ko ang tungkod. Mabilis na lumitaw sa aking mga kamay ang tungkod sabay sa isang gintong ilaw.
BINABASA MO ANG
CONVERGENCE NEMESIS (CSU SERIES #11)
General FictionFRIENDS ARE YOUR SECOND FAMILY. Magsasama ulit ang mga bayani sa pangalawang pagkakataon. Dahil sa nangyaring digmaan noon (CONVERGENCE GENESIS) namatay si Lord Hellius na siyang kapatid ni Lord Galaxtar. Dahil nga namatay ito, gusto niya ngayong ma...