Third person's POV
Nilalabanan na nga nina Shaman, Arc, Theodore at Demon ang grupo ng mga aliens o ang mga Ethorthemian Army na sa makalipas na mga taon ay palagi na lang nilang nakakalaban.
Maraming alaala si Arc sa mga alien na ito dahil ang mga ito ang una nilang naging kalaban kasama ang kanyang mga kaibigan. Natatandaan niyang nasa pamumuno pa ni Zumus ang mga ito na lumabas sa isang portal at sa nakaraang labanan nila kay Hellius ay nakalaban din nila ang mga ito.
Kung alaala rin lang naman, hindi magpapahuli si Dalistro. Ang mga ito ang kasama nina Captain Brooz at Karisha noong sinakop nila ang Mars. Nakalaban niya na rin ang mga ito nung tinulungan niya sina Arc at nung huling paglalaban nila na pinamunuan naman ni Aurrous.
Hindi gaya ng dati, mas malakas na ang mga ito at para bang nag-training ng husto ang bagong batch na ito na kinakalaban nila ngayon.
Nagulat naman sila nung biglang dumating ang isa pang grupo ng mga alien soldier nung biglang may lumitaw na kulay cyan na ilaw.
"Dumadami na sila!" sigaw ni Arc habang pinapatamaan ang mga ito gamit ang kulay asul na kuryenteng lumalabas sa kanyang mga kamay. "Yah!" sigaw niya.
"Ginagamit nila ang Voidbox para magpadala pa ng mas maraming sundalo! Nyah!" sigaw ni Theodore habang patuloy na pinatatamaan ang mga ito gamit ang kanyang panang gumagawa ng sariling palaso. At tama nga siya dahil may dumating pang isang grupo ng mga alien soldier bitbit ang mga kakaiba nitong mga baril na agad nilang pinaputok na naglalabas ng kulay lila o violet na enerhiya.
"Sino ka at ano ang kailangan mo rito?!" sigaw ni Athenna.
"Ang singsing na suot mo, kailangan ko iyan!" sigaw ni Garra.
"Huh, nananaginip ka yata? Sige, subukan mo!" panghahamon ni Zhanaia.
"Yah!" sigaw ni Garra at bigla niyang inatake sina Athenna at Zhanaia gamit ang kulay lilang enerhiyang lumalabas sa kanyang mga kamay.
Mabilis namang nakailag sina Zhanaia rito at umatake na rin sila.
"Ha!" sigaw ni Zhanaia sabay palabas ng malakas na pwersa ng tubig sa kanyang mga palad.
Gumawa lang ng kalasag na gawa sa enerhiya si Garra rito para hindi siya matamaan.
Gamit ang singsing na kanyang suot ay biglang pinatamaan ni Athenna si Garra ng kulay berdeng malakas na enerhiya. "Hiyah!" sigaw niya.
"Grrr!" pagkagalit ni Garra at tinapatan ang pag-atake ni Athenna gamit ang kanyang mahika. Biglang may lumabas na kulay lilang malakas na enerhiya sa kanyang mga kamay na tumama sa enerhiyang nagmumula sa singsing na nasa kay Athenna.
Nagsalpukan ang dalawang malakas na enerhiya na lumilikha ng malakas ding tunog at pagyanig.
Tumulong na rin si Zhanaia at bigla siyang nagpalabas ng kulay asul na enerhiya sa kanyang mga kamay. "Ha!" sigaw niya.
Sa bawat hakbang paharap nina Zhanaia at Athenna ay ang siya ring pag-atras ni Garra.
"Hindi maaari!" sigaw ni Garra nung napapansin niyang napapaatras siya sa lakas ng pinagsamang kapangyarihan nina Zhanaia at Athenna.
"Sumuko ka na lang, matatalo ka na naman namin!" sigaw ni Zhanaia.
"Hindi niyo ako matatalo!" sagot ni Garra habang pilit na tinatapatan ang lakas nila.
"Nagpapatawa ka yata?" ani Athenna.
"Hindi ako marunong magpatawa!" sigaw ni Garra.
"Ngayon marunong na!" sigaw ni Zhanaia at nagtinginan sila ni Athenna na para bang sinesenyasan nila ang kanilang mga sarili para mas lakasan pa ang pagpapalabas ng enerhiya sa kanilang mga kamay.
BINABASA MO ANG
CONVERGENCE NEMESIS (CSU SERIES #11)
Fiksi UmumFRIENDS ARE YOUR SECOND FAMILY. Magsasama ulit ang mga bayani sa pangalawang pagkakataon. Dahil sa nangyaring digmaan noon (CONVERGENCE GENESIS) namatay si Lord Hellius na siyang kapatid ni Lord Galaxtar. Dahil nga namatay ito, gusto niya ngayong ma...