Chapter 2: Comeback

38 3 1
                                    

Dalistro's POV

Napamulat ako at nagising mula sa pagkakatulog. Humikab at huminga ng malalim at inamoy ang hanging kasing bango ng loob ng isang silid na pinalilibutan ng mga aircon.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kapag nakita ko na sila.

Mahaba-habang byahe na rin ang aking narating. Salamat na lang at inayos pala ni Sandro ang suit na ito at fully functional ang life support system at salamat na rin dahil may dalang food capsules ang suit na ito, this will support me for a week na lang kaya dapat ko nang bilisan ang paglipad dito sa gitna ng kalawakan.

Halos ilang buwan na rin akong lumilipad dito sa gitna ng walang hanggang makulay na kalawakan, mabuti na lang may nagma-massage sa buong katawan ko.

Sa totoo lang kinakabahan ako. Syempre nasasabik din.

Hayyyy...

Sobrang miss ko na talaga sila. Lalung-lalo ka na aking kapatid.

"A.N.N.I.E. status?"

"Two more solar systems then makararating na tayo sa Mars sir..." sabi niya.

"Malapit na lang pala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Malapit na lang pala..." sabi ko at napangiti. "Kung gayon mas itodo mo pa ang lakas ng thrusters Ann..." dugtong ko.

"Yes sir..." sagot niya at mas lumakas pa enerhiyang lumalabas sa aking boots.

"I am coming back..."

*******************

Third person's POV

Mabilis ngang nakarating sa isang malaking martian spaceship na nakalutang sa kalawakang malapit sa Earth sina Thumpyr at ang iba pa.

Nasa isang malaking espasyo silang lahat sa gitna ng spaceship na ito at hinihintay na lang nila ang pagdating ni Galaxtar.

"Makinig kayong lahat, lahat tayo dito ay inaasahan ng nasa baba na makapoprotekta sa kanila. Tayo na lang ang pag-asa ng sangkatauhan. We are the only defense weapon na mayroon ang earth. Salamat na lang at tumulong kayo dito Solomon at Theodore..." sabi ni Thumpyr.

"Wala iyon Thumpyr..." sabi ni Theodore.

"Your battle is our battle too..." sabi ni Solomon at bumukas ang helmet niya. "Martians position!" sigaw niya at nagsialis na ang mga martians at pumunta na sa kani-kanilang lugar.

Ang iba ay pumunta sa Visory o martian fighter spaceship area at pumasok dito bilang mga piloto nito at 'yung iba naman ay pumunta sa mga defense system console ng kinalalagyan nilang spaceship ngayon.

"Sige Solomon, mas mabuti pang simulan na natin ang ating kilos..." sabi ni Gabriel at nagkamayan sila at tumango sa isa't isa.

*******************

Nahati nga ang buong populasyon nila sa tatlo at maging ang sinasakyan nilang malaking spaceship ay nahati rin sa tatlo at bumuo sila ng pa-triangle na posisyon.

"Point A is ready..." sabi ni Gabriel na nasa isa sa mga spaceahip at sinabi niya ito mula sa isang communicator device na nakakabit sa kanyang tenga.

"Point B is ready as well..." sabi rin ni Thumpyr mula naman sa isa ring spaceship.

"Ang Point C ay handa na rin..." sabi rin ni Valker.

Silang tatlo ay nagsisilbing commander ng kani-kanilang grupo at spaceship at suot ang isang earpiece madali nilang natatawagan ang isa't isa. At sila ay nasa kani-kanilang bridge o control room kasama ang mga martian pilots na naka-assign sa kanila.

"Triangular defense position, locked..." sabi ng isang black martian na nakaharap sa isang monitor habang suot ang isang headset.

"Ano na po ang gagawin natin ama?" tanong ni Ivion na nasa tabi ng kanyang amang si Gabriel.

"Wala tayong ibang gagawin ngayon kundi ang maghintay at manalangin..." sagot ni Gabriel sabay sa seryoso niyang mukha.

"Tama ka diyan Mr. Gabriel, malaking tulong din ang prayers. Lagi ko iyong ginagawa, nawa'y gabayan tayo ni Poseidon..." sabi ni Zhanaia na biglang idinikit ang kanyang mga palad at napapikit. Nasa Quadship naman siya kasama si Arc na nagmamaneho at ni Theodore.

Nasa Quadship sila dahil sila ang napili para kung sakaling may masamang mangyari madali silang makareresponde.

"Gabayan rin sana tayo ni Agos..." sabi ni Theodore.

"At ni God..." hirit ni Arc at pinindot ang mga buton na nasa taas ng kanyang ulo.

"Lahat sana sila ay gabayan tayo para matapos na ito..." sabi ni Thumpyr na kagat-kagat ang isang tabako habang nakatingin ng diretso sa kalawakan.

**************

Demon's POV

Mabilis akong nakarating sa Genesix mansion gamit ang bago kong kakayahan na ang pag-teleport

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mabilis akong nakarating sa Genesix mansion gamit ang bago kong kakayahan na ang pag-teleport. Bago ko itong kapangyarihan na ipinagkaloob ni ama.

Parang ang tahi-tahimik naman yata ng lugar?

Ba't parang walang tao?

"Hello? Tao po?!" sigaw ko at bigla kong naalala ang unang pagkakataong nakapunta ako sa lugar na ito.

Ilang taon na rin pala ang lumipas mula nung una akong nakatapak sa lugar na ito.

Parang naging tahanan ko na rin 'to at nagsilbi rin itong tahanan ng iba.

Teka lang, nasaan nga ba sila?

Misyon? Bakasyon?

Napakamisteryoso.

Bago ako umakyat sa pangalawang palapag ay tiningnan ko muna ang mga kakaibang gamit o artifact na nakaselyo pa sa kwadradong salamin.

Talagang maingat itong si Greenwizard.

Pagkadating ko sa taas ay ni isang presensya ng kanilang kalukuwa ay hindi ko maramdaman.

Kinakabahan ako dito ah.

It feels like something's happening.

Napahawak ako sa kahoy nilang bilog na mesa at ipinahid ko dito ang aking dalawang daliri.

Hmmmm?

"Mga isang araw pa lang silang nawawala dahil bago pa lang ang nga alikabok na ito..." sabi ko at napatingin sa kisame.

Alam kong isang araw pa lang ito dahil alam kong araw-araw na naglilinis si Speedfire at masyado pa kasing manipis.

Umakyat nga ako sa rooftop at nagtingin-tingin sa paligid.

At 'yun nga, may nakita nga akong magpapatunay na umalis nga sila para sa isang misyon, ang balahibo ni Ivion na nasa sahig.

Pinulot ko ito at tiningnan ng maigi. Medyo may kabigatan dahil gawa ito sa metal na mahahalintulad sa talim ng kutsilyo.

"Nanggaling ka dito Ivion, pero para sa anong dahilan?"

Napatingin naman ako sa himpapawid at biglang may naalala.

Alam ko na.

*******************

CONVERGENCE NEMESIS (CSU SERIES #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon