Chapter 11: Hopeless

28 3 1
                                    

Third person's POV

Maririnig ang lalim ng kanilang mga paghinga, na para bang nangangahulugang nawawalan na sila ng pag-asa.

Isa na naman itong madilim na parte ng kanilang mga buhay. Heto na naman, para na naman silang binagsakan ng langit.

Nakatingin sila sa isa't isa, hindi dahil nagsisisihan sila, ito'y dahil naawa sila sa kanilang mga sarili.

Ginawa naman nila ang lahat, ngunit parang hindi sumasang-ayon sa kanila ang tadhana? Siguro hindi sa lahat ng oras kakampi natin ito.

Pinatayo naman ni Dalistro sina Athenna at Zhanaia.

"Tumayo kayo, hindi pa huli ang lahat..." ani Dalistro na pilit kumakapit sa isang pag-asa. Halatang pinapalakas niya ang kanyang sarili.

"Hindi pa nga ba?" tanong ni Zhanaia. Madaling mawalan ng pag-asa ang babaeng ito. Siguro dahil sa kanyang edad o ganyan na talaga siya.

"Demon, Theodore, Arc?" pagtawag ni Dalistro sa kanila. "Ano ba ang nangyayari sa inyo?" isang malaking tanong na bumabagabag sa kanya ngayon. Ano nga ba?

"Mukhang tama si Zhanaia Dalistro, wala na nga tayong magagawa..." malungkot na pagkakasabi ni Theodore. Sumasang-ayon siya kay Zhanaia. Pareho silang walang paninindigan.

"Gusto kong maniwalang may pag-asa pa tayo, pero alam kong wala na..." sabi ni Arc. Sa kumpas ng kanyang mga kamay, mas naipapakita at naipapahiwatig niya ang lakas ng kanyang ibig sabibin.

"Nakalilimutan niyo na ba ang nawala nating mga kaibigan? Pamilya?!" maluha-luhang pagkakasabi ni Dalistro habang inaalala ang kanyang kapatid. "Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa inyo, pero itutuloy ko ang nasimulan ko. Kitt, maari ba?" agad na pinalibutan ni Kitt si Dalistro para ito'y makalabas ng Spirit World.

Mabilis ngang nakarating sa lumang templo si Dalistro at agad niyang kinausap ang kanyang assistant.

"Salamat na lang at may nilagay akong tracking device sa bato, hanapin mo iyon Ann..." sabi ni Dalistro at mabilis na lumipad papunta sa kung saan.

Pagkabalik ni Kitt sa mundo ng mga espirito ay agad siyang sinalubong ng mga tanong.

"Umalis na siya?" ani Demon.

"Galit ba siya?" dugtong naman ni Arc.

"Nagpatuloy siya at mukhang hindi na niya kayo hihintayin pa..." sagot ni Kitt sabay napatingin kay Athenna.

"Mukhang iniwan na niya kayo..." sabi ni Athenna.

"Tama naman siya, sadyang hindi ko lang maipilit sa aking isip na may pag-asa pa kami. Halos nasa kanila na ang mga jewelsphere, wala na kaming laban..." sabi ni Theodore.

"Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa inyong mga isipan para maging bulag ito sa liwanag ng pag-asa. Hindi niyo ba nakikita? Pasalamat nga kayo dahil may mga kapangyarihan kayo, inyo mismong kapangyarihan, samantalang si Dalistro ay umaasa lang sa kanyang suot na baluti. Ngayon sino sa inyo ang tunay na malakas?" sabi ni Shaman. Napagtanto niyang tunay na bayani ang martian na si Dalistro. Oo't wala itong tunay na kapangyarihan, ngunit ang nagpapalakas sa kanya ngayon ay ang manatiling manalig at magtiwalang may pag-asa pa.

Huminga ng malalim si Arc na para bang inaamin niya sa sarili niyang naging mahina siya.

"Ano na ang inyong gagawin ngayon?" tanong ni Athenna. "Dahil kami, babalik kami sa aming mga trabaho, maghahatid pa kami ng mga kaluluwa mula sa iba't ibang parte ng kalawakan at hindi iyon dahil gusto namin o may bayad, gagawin namin iyon dahil iyon ang itinalaga ng kalawakan sa amin..." dugtong niya.

CONVERGENCE NEMESIS (CSU SERIES #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon