Third person's POV
Set during the events of THE MYTHMEN REBORN TWO.
Project W.I.L.D. Isang joint special agency ng Department of National Defense at Department of Science and Health.
Isang organisasyon na may isang sikreto. Isang madilim na sikreto na kailangang maitago sa publiko.
Makikita ang isang may katandaang lalaki na naglalakad sa isang magarang pasilyo. Suot niya ang isang puting-puting lab gown at may hawak siyang transparent tablet na laman ang kanyang mga records.
Binuksan niya ang isang pinto at pumasok dito. Hindi niya alam hinihintay na pala siya ng Presidente ng bansa, ang Military General at ang Secretary ng DOSH.
"Good morning Mr. President. Pasensya na kung pinaghintay ko kayo..." sabi niya at inabot niya ang kanyang kamay.
Sa maganda niyang hangarin, naging alerto pa rin ang mga kalalakihang nakasuot ng itim na amerikana at earpiece na nagsisilbing personal na tagabantay ng presidente.
Napangiti ang presidente rito at sinenyasan niya sa kamay ang kanyang mga bodyguard. Tumayo siya at sinabing...
"Ayos lang ito. Good morning din sa'yo Dr. Wilderveast..." sabi niya at sila nga ay nagkamayan.
Umupo na nga ang dalawa at sinimulang basahin ang laman ng kanilang mga folder na nasa harap nila.
"Umaasa akong may progreso ang iyong mga ginagawa Doctor..." sabi ng Military general. With his medals pinned on his well-tailored uniform and the four stars on his shoulders, no doubt he has the rights to raise his voice.
"Kumalma ka na muna Heneral, naniniwala akong may maganda namang sasabihin si Dr. Wilderveast..." pagpapakalma ng presidente.
Sa inip na nararamdaman ng Heneral, mapapansin na ito sa kanyang mukha. Umiigting na rin ang kanyang panga sa labis na pagpipigil.
"You may proceed Dr. Wilderveast..." sabi ng DOSH Secretary. Kahit na babae siya, hindi mapapansin sa kanya ang bahid ng kahinaan. Matalino rin siya, kaya naman sa edad na 29, marami na siyang napagtagumpayan sa buhay.
"Thank you Ms. Secretary... Well, General... Mr. President, here are my reports..." inilapag ng Doktor ang kanyang high-tech tablet sa mesa at bigla na lang itong nag-project ng imahe sa hangin. "We already found our subjects or volunteers. Sila ang mabibiyaan ng malaking pagbabago sa buhay..." dugtong niya.
Makikita sa hologram display ang apat na lalaking mapapansing may kapansanan. Ang dalawa ay lumpo, ang isa ay bulag at ang isa naman ay paralisado.
"Ang apat na iyan ay galing sa digmaan, lahat sila ay mga dating sundalo ng bansa. Sila ang mga una kong napili para turukan ng aking ginawang gamot. If mag-work, this could help many, many people lalung-lalo na ang mga napinsala nating kasundaluhan..." sabi ni Dr. Wilderveast.
"May pagdududa ako sa gamot na sinasabi mo Doctor, baka maulit na naman ang pangyayaring iyon maraming taon na ang nakalilipas..." sabi ng Presidente. Tama naman siya, malaki ang magiging epekto nito sa imahe niya kapag ito'y hindi nagtagumpay. At saka, inaalala niya lang ang kaligtasan ng kanyang mga mamamayan.
"Natatandaan ko pa ang mga pangyayaring iyon Mr. President, hindi ko naman po gagawing taong-ahas ang mga volunteers na ito, gayong pagagalingin ko sila... Hindi ako katulad ng iba riyan..." sagot ng Doktor habang nakangiti. Agad na nakuha ng Heneral kung sino ang kanyang tinutukoy at ito'y biglang nagalit.
"Huwag mo akong uumpisahan Doktor!" sigaw niya. Pikon na pikon na talaga siya rito.
"Tumigil ka na General!" sigaw ng Presidente na agad na nagpakalma sa kanya. Ngunit hindi pa rin nawala ang kanyang masasamang tingin sa doktor.
"Wala tayong ibang magagawa kundi ang sumugal Mr. President..." sabi ng Secretary. Alam niyang wala na silang pagpipilian.
Huminga ng malalim ang Presidente at pinirmahan ang huling pahina na nasa folder.
"Approved. Sige Doktor, sana'y magtagumpay ka sa iyong hangarin..." sabi niya.
"Kung gayon aalis na ako. Hindi na ako makapaghintay na i-test ang serum sa kanila..." sabi ng doktor.
**************
CLAN OF CLAWS...
SOON.
**************
BINABASA MO ANG
CONVERGENCE NEMESIS (CSU SERIES #11)
General FictionFRIENDS ARE YOUR SECOND FAMILY. Magsasama ulit ang mga bayani sa pangalawang pagkakataon. Dahil sa nangyaring digmaan noon (CONVERGENCE GENESIS) namatay si Lord Hellius na siyang kapatid ni Lord Galaxtar. Dahil nga namatay ito, gusto niya ngayong ma...