Dalistro's POV
Mabilis akong lumipad suot ang aking armor at humarurot papunta sa kalawakan at nang makauwi na sa Mars.
"Hyperjump activated..." sabi ni Ann at bumilis nga ang aking takbo. Ilang sandali pa'y nakarating na nga ako sa aking tunay na tahanan.
Sa aking paglapag sa labas ng palasyo ay nagulat ako sa pagsalubong sa akin ng aking mamamayan. Dala-dala nila'y mga bandera at pailaw na para bang pinaghandaan talaga nila ang aking pagbabalik. Makalipas ang isang buwan ay ngayon lang ako nakauwi rito. Makalipas ang halos dalawang taon ay nakabalik na rin ako rito matapos akong itapon ng kahon sa malayong parte ng kalawakan.
Ito ang aking nami-miss. Ang kanilang mga ngiti at pagtawa. Ito ang rason kung bakit ako nandito ngayon.
"Hay salamat at nandito ka na..." pagbati ng aking kapatid na suot ngayon ang kanyang lumang martian army uniform. Natatandaan ko pa ang damit niyang ito. Ito ang kanyang suot noong ako'y kanyang itinakas at pinapunta sa Earth. Hindi ako makapaniwalang nandito pa ito.
Bumukas ang aking helmet at tiningnan siya.
"Sandro..." sabi ko at napangiti. Inakala ko talagang patay na sila. Hindi ko alam kung nasaan na ako ngayon kung wala na talaga sila.
Lumapag na rin si Solomon na suot naman ang kanyang itim na armor na lumikha ng malakas na ingay. Agad rin namang bumukas ang kanyang helmet.
"Nahuli na ba ako sa kasiyahan?" sabi niya at kumaway sa ibaba o sa mga martian na tuwang-tuwa ngayon sa aking pagbabalik.
"Hay... Ano ka ba naman Black, hindi ikaw ang hinihiyawan nila ngayon kundi si Red..." wika ni Weldron nung siya'y dumating na suot lamang ay pang-ibaba o parang pantalon habang ipinaiikot niya sa kanyang daliri ang kanyang paboritong patalim.
"Weldron..." pagbati ko sa kanya. Agad niya akong inakbayan at kumaway na rin siya sa mga mamamayan.
"Kaway-kaway at ngiti-ngiti lang Red, ipakita mi sa kanilang masaya ka at maayos lang ang lahat..." bulong niya sabay tawa para ipakita sa mga ito na ayos lang talaga ang lahat.
"Hindi ko naman kailangan mangpanggap na masaya, dahil masaya naman talaga ako. At dahil iyon sa inyong tatlo. Mga kapatid..." maluha-luha kong pagkakasabi sabay kaway ng aking kamay sa mga martian sa baba na patuloy na nagtitiwala sa akin.
"Nakaka-touched naman, pero ayaw 'kong ipakita sa ating kasundaluhan na umiiyak ang kanilang heneral..." pinipilit pa talaga ni Sandro na pigilan ang kanyang mga luha.
"Hayy ang drama niyo..." pagkainis ni Solomon. Ewan ko ba kung bakit hindi pa niya sabihing natutuwa rin siyang marinig ang mga sinabi ko.
Napatingin ako kay Weldron at nagulat ako na umiiyak na pala siya. Grabe ang agos ng kanyang mga luha, parang gripo.
"Hi-Hindi ko m-makalilimutan ang s-sinabi mo Red, aking kapatid. Nyaaaahhh..." humagulhol talaga siya na parang bata.
"Hoy tigilan mo nga 'yan Weldron, para kang bata!" sigaw ni Sandro.
"Pinipigilan mo pa ang sarili mo iiyak ka rin naman!" pagganti naman ni Weldron. At hanggang sa nagkaasaran na nga ang dalawa. "Argggh!" pagkainis ng dalawa sa isa't isa.
Pambihira rin ang dalawang 'to. Nakatutuwang isipin. Makapagpapahinga na nga ako sa wakas. Makatutulog na rin ako sa paborito kong higaan.
Salamat at nasa mabuting lagay na ang lahat.
Napatingin ako agad sa mga bituin sa kalangitan na nagbibigay liwanag sa gabing ito. Isang gabi ng tagumpay. Gabing hinding-hindi ko makalilimutan.
*********************
BINABASA MO ANG
CONVERGENCE NEMESIS (CSU SERIES #11)
General FictionFRIENDS ARE YOUR SECOND FAMILY. Magsasama ulit ang mga bayani sa pangalawang pagkakataon. Dahil sa nangyaring digmaan noon (CONVERGENCE GENESIS) namatay si Lord Hellius na siyang kapatid ni Lord Galaxtar. Dahil nga namatay ito, gusto niya ngayong ma...