J
"Ate, anong meron at pinapunta mo ko bigla bigla dito? Sa weekend pa sana ako dadalaw sayo eh, isasama ko sana sila mama.." tanong ni Mafe.
Agad kong tinawagan si Mafe at pinapunta dito. Gusto ko ng sagot sa mga tanong ko. Hindi ko magagawa yun dahil nakakulong ako. Kailangan ko ng tulong ng kapatid ko.
"I called the number of Cui, dun sa calling card.." panimula ko.
"And what, ate? Nagkausap kayo? Ano?"
"She answered the call and dropped it..."
"Sus, kala ko naman nakausap mo..."
"But I heard something, someone I mean, on the background, pagkasagot ni Cui ng call ko bago niya ibaba.."
"And what did you hear, ate? Siguraduhin mong importante yan, nag cancel pa ko ng client meeting para dito."
"I heard Deanna's voice..."
Kumunot ang noo ni Mafe...
"Ha? Naka drugs ka ba, ate? Wala na si ate Deanna.. Imposible yan.."
"Yan ang akala natin. Pero may nakita ba tayong katawan niya non? Wala di ba?"
"Naguguluhan ako, ate Jema.. Panong narinig mo ang boses ni ate Deanna? Baka naman nagkamali ka lang."
"Kilala ko ang boses ni Deanna.."
"Ang sakit sa ulo, ate.."
"Help me, Mafe.. Narinig ko din ang boses ng isang batang lalaki non, I can feel it, Mafe. Boses ni Matt yun, boses ng anak ko yun.. Help me, please, Mafs.." hinawakan ko ang kamay ni Mafe.
"What do you want me to do, ate?"
"Hanapin mo si Cui, please.. Tulungan mo ko. Kung totoong buhay si Deanna, siya lang ang makakapagpalabas sakin dito.. Gustong gusto ko ng makasama ang anak ko, Mafe.." nagiging emosyonal na ako.
Halos anim na taon, buong pag aakala ko ay wala na si Deanna. Anim na taon ko ng di nakakasama ang anak ko. Anim na taon ko ng pinagbabayaran ang kasalanan na hindi ko naman ginawa.
Si Deanna lang ang magiging susi para makalabas ako dito sa kulungan..
Kung buhay pa pala siya, bakit di niya ko hinanap?
Kung kay Matt talaga ang boses ng bata na yun, bakit inilayo nila sa akin ang anak ko?
Ang dami kong tanong. Hindi ko alam kung ano bang nangyari sa labas ng mga rehas na to sa loob ng anim na taon.
Ano ba ang totoong nangyari?
----------
🙋
Ano sa tingin niyo ang totoong nangyari kaya?
BINABASA MO ANG
Yacht
FanfictionWhat really happened after that supposedly a blissful night turned nightmare?