D
"Mom, anong ginagawa mo dito? Di ka man lang nagsabi para nasundo sana kita."
Naabutan namin ni Bea si mommy na nasa living room, nanunuod kasama si Matthew..
"Hello po, tita.. Kamusta po?" bati ni Bea kay mommy.
Tumayo si mommy at lumapit samin.. Si Matthew nakatulog na pala sa sofa.
"Nag aalala lang ako sa inyo.. Ang tagal mo ng di tumatawag samin sa Cebu.."
"Mommy naman alam mo namang busy ako eh.."
"Busy saan, Deanna? Wala ka namang ginagawa.."
"Basta mommy.. Alam ba ni dad na nandito ka?"
"Yes, alam ng daddy mo.. Gusto ngang sumama kaso hindi pwede.. Mahirap ng walang maiwan sa mga business natin sa Cebu."
"Sige na, mommy.. Kakain na muna kami ni Bea."
"Sige po, tita.."
"Nasa kusina si Mafe, naghahanda ng pagkain niyo."
Pagpasok namin sa kusina, naabutan namin si Mafe sa kusina, naghahanda ng pagkain.."
"Ate Deanna, ate Bei.. Sakto dating niyo.. Tapos na tong niluto ko.."
Umupo na kami ni Bea sa upuan. Napagod ako sa byahe. Sobrang traffic sa daan.
"Kanina pa ba si mommy dito, Mafe?"
Inayos na ni Mafe sa mesa lahat ng niluto niya at saka umupo sa tabi namin ni Bea
"Kanina pa si tita dito, ate Deanna.."
"Kailan ka pa natuto magluto, Mafs hehe.." singit ni Bea.
"Syempre kailangan, wala ng magluluto, wala si ate Je--" sinubo bigla ni Bea kay Mafe yung garlic bread
"Mafs, kain ka na lang ohhhh..." sabi ni Bea kay Mafe habang patuloy na sinusubo yung garlic bread.
Wala akong gana kumain kahit gutom ako ewan ko ba. Mas gusto kong humiga na lang at matulog. Parang sumasakit na naman ang ulo ko.
Napahawak na lang ako sa sentido ko..
"Deans? Masakit ulo mo?" lumapit pa sakin si Bea lalo para tignan akong mabuti.
Tumayo na ko. Ayoko ng kumain..
"Ate Deanna? Di ka kakain?" halata sa boses ni Mafe ang pag aalala.
"Okay lang ako, Bei, Mafe.. Wala lang akong gana. Sige na magpapahinga na muna ako sa kwarto.."
Tumalikod na ko pero hinawakan ako ni Bea at tumayo na rin siya.
"May masakit sayo, Deans? Ano? Sabihin mo.." bakit ba ganito sila mag alala sakin..
Gusto ko lang talagang magpahinga..
"Okay lang ako, Bei.. Wag ka ng mag alala."
"Ate Deanna, magluluto na lang ako ng iba.. Baka kasi ayaw mo nitong niluto ko.."
"I'm okay, Mafs.. Sige na kumain na kayo.."
Lumabas na ako sa kusina.. Pag daan ko sa living room nakita ko si mommy na nililigpit ang mga laruan ni Matthew..
"Deanna, anak.."
"Yes, mommy? Nasaan si Mattew?"
"Inakyat ko na sa kwarto niya.. Sumasakit pa ba ang ulo mo?"
"Paminsan minsan po. Pero okay lang po ako."
"Aasikasuhin ko muna ang business natin dito.. Dito muna ako."
"Alam ba ni dad yan, mom?"
"Nag usap na kami tungkol dito.."
"Bakit ba kasi ayaw niyo pang hayaan na sakin ang pamamalakad non?"
"Hindi ka pa maayos, Deanna.."
"Okay na ko, mommy.. Please.. Lalong sumasakit ang ulo ko dito.."
"Tapusin mo ang therapy mo kay Dr. Eleazar, pag nirelease ka niya, dun lang ako mapapanatag na maayos ka na talaga.. Hahayaan ko na sayo ang trucking business dito."
Napabuntong hininga na lang ako..
Ayoko na ng ganito.. Gusto ko na ng normal na buhay. Bawat kilos ko lagi silang nakabantay.. Ni hindi ako makalabas o makaalis ng ako lang mag isa.
"Wag kang mag alala, Deanna.. Maaayos din ang lahat. Nandito ako para sayo at sa apo ko.."
"Thank you, mommy.."
Umakyat na ako sa kwarto at pabagsak na humiga sa kama..
Haaaayyyy...
Ayoko na ng ganito...
BINABASA MO ANG
Yacht
FanfictionWhat really happened after that supposedly a blissful night turned nightmare?