21

2K 115 9
                                    

D

"Ano ba! Bitawan niyo na nga ako!"

"Napipikon na ko sayo, Deanna ah! Babalian na kita talaga pag di ka umayos."

"Easy, Ponggay.."

"Nakakainis na, Bea eh! Nakakafrustrate na nga yung mga nangyayari, nag gagaganyan pa yang si Deanna!"

"Wala siyang alam, Ponggay.. Huminahon ka dyan."

"Ano ba kasing di ko alam! Sabihin niyo na!"

"Sasabihin namin pag kumalma ka na, Deanna.."

"Fuck! Oo na, Bea.. Bitawan niyo na ko. Masakit na yung braso ko."

Sobra naman makahawak sakin tong dalawang to eh. Isubsob ba naman ako dito sa mesa padapa..

"Bibitawan ka namin, pero pag nagwala ka pa, Deanna lulunurin na talaga kita dun sa pool, tandaan mo yan!"

"Fine, Ponggay.. Fine.." pinilit kong kumalma na dahil mukhang seryoso talaga tong si Ponggay sa sinasabi niya.

Itinayo na nila ako at inupo..

"Di ba tayo papasok sa loob?"

"Dyan ka lang. Mamaya manugod ka na naman sa loob baka maitali na kita, Deanna.."

"Relax, Pongs.. Kalmado na ko."

"Yeah, buddy.. Relax ka lang.. Masyado ka ng mainit, Pongs."

"Nakakabadtrip na kasi to eh!" tinuro ako ni Ponggay, inis na inis talaga ang mukha niya.

"Kala naman kasi napakadali nitong ginagawa natin! Bakit ba di na natin sabihin lahat? Ayan na oh! Nakita na niya si Jema.. There's no more reason para itago pa kay Deanna lahat." dagdag pa niya.

"Ano bang dapat kong malaman? Please... Just tell me."

"Dadating tayo dyan.."

"That's bullshit, Bea!" galit na naman si Ponggay.

"Ayoko na! Ayoko na sa plano niyo.. You wanna know the truth, Deanna?" baling niya sakin..

Tumango lang ako.. Di ako gumagalaw sa pagkakaupo ko. Nakatayo lang silang dalawa sa harap ko.

"Here are the facts... That night, sinundan namin kayo sa yate.. We were all drunk and had the idea of yeah let's disturb their honeymoon! But fuck! We just suddenly saw someone being thrown out of the yacht. And it turned out to be you. You've been stabbed. Naliligo ka sa dugo mo! You were dying.. Gabi gabi napapanaginipan ko pa din yun, Deanna! Shit!" Ponggay walked out.

I don't know what to say...

Tinignan ko lang si Bea...

"Its all true.." Bea.

"Who did this to me?"

"Not Jema... I'm sorry."

What?! All this time akala ko si Jema ang may gawa nito sakin!

"Why, Bea? Why?" hindi ko alam ang mararamdaman ko.

Para nila akong niloko lahat!

"Yun lang ang naisip naming paraan para mahanap at mahuli yung may gawa sayo, sa inyo nito.."

"Bakit niyo hinayaang makulong si Jema? Bakit?" gustong sumabog ng puso ko pero pinipilit kong maging kalmado. Gusto ko ng sagot sa mga tanong ko.

"Kapag nagsalita kami, malalaman nilang buhay ka. Masisira lahat ng plano."

"Tang ina, Bea! Anong plano!" di ko na napigilan ang sarili ko..

"Deans, hindi ako ang kaaway dito. Huminahon ka.."

"Sino?! Sino, Bea! Sabihin mo!"

"Please, Deanna.. Don't do this... Just calm down.."

"Ubos na ang pasensya ko!" tinulak ko siya at sinuntok ng sinuntok sa mukha hanggang sa mapahiga siya..

"Deanna! Deanna! Please.... Tama na!"

No! Hindi ako titigil hanggat hindi niya sakin sinasabi lahat!

Tinulak niya ko palayo sa kanya.. Sinugod ko ulit siya pero bigla niya kong sinuntok ng malakas sa mukha..

Fuck!

What just hit me!

Naramdaman ko na lang na may lumapit sakin at pilit na ibinabangon ako..

Hindi ko na maintindihan yung mga sinasabi nila.. Nagdidilim na ang paningin ko..

"Deanna? Deanna?!" kilala ko ang boses na to..

"Jemaaaaa.."

YachtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon