Third Person
"Wala na tayong magagawa, nasabi na ni Ponggay kay Deanna yung nangyari." Bea.
Nasa third floor silang lahat maliban kay Deanna na naiwan sa baba, hindi pa rin ito nagigising. Ginagamot pa din ni Jema ang sugat nito sa mukha.
"Yun naman talaga ang dapat matagal na nating ginawa." Ponggay.
"Ano ng plano natin?" Mafe.
"I suggest we ditch Jema's friend. Di natin siya kailangan. Makakagulo lang siya sa mga plano natin." Jia.
"Naisip ko din yan. Lalo na kapatid pa niya ang involve dito. Pero paano?" Ly.
"Ako ng bahala dun." Bea.
Tumingin lahat kay Bea.
"Aber, paano, Bea?" Ponggay.
"I'll kill her hahaha.." natatawang sagot ni Bea.
"Ang gago mo, Bea!" Jia.
"Biro lang kasi. Eh di pampatulog, hello!" Bea
"At saan mo siya dadalhin?" Ly.
"Ako ng bahala dun.. Wag na kayong mag alala." Bea.
"Fine! Ikaw ng bahala dun sa kasama ni Jema, ang mahalaga dapat bukas tayo tayo na lang ang nandito.." Ly
"So, pwede na ba tayong magpahinga lahat?" Ponggay.
"Pagod na din ako..." nahihikab na sabi ni Mafe.
"Sige, Bea si Deanna ang kasama mo sa kwarto, Ponggay at Mafe kayong dalawa ang magkasama. Dun kayo sa 2nd floor." Ly.
"Saan tayo, Ly?" Jia.
"Sa baba tayo, para mababantayan natin ang kilos ng lahat." Ly.
Nagsitayo na sila mula sa pagkakaupo, halatang pagod na pagod ang lahat.
----------
J
Hanggang ngayon di pa rin nagigising si Deanna. Madami nga siyang pilat, at ang lalim ng mga to. Gusto kong saktan din ang may gawa sa kanya nito!
"Is she okay?"
"Tulog pa din siya, ate Ly.."
"Napalakas ata ang tama ni Bea sa kanya. I'm sure Bea didn't mean it."
"Of course, ate. Nasaan sila?"
Kanina kasi nagsiakyatan sila sa taas.. Naiwan kami dito. Si Oli bumalik na lang sa kwarto niya pagkatapos kumain. Para daw di daw siya makaistorbo.
"Magpapahinga daw muna sila.." umupo na si ate Ly sa couch sa tapat ng hinihigaan ni Deanna.
"Kamusta ka, Jema? Pasensya na sa lahat ng nangyari hindi ka namin natulungan."
"Ayoko ng isipin yun, ate Ly.. Ang gusto ko na lang ngayon ay ang malaman kung sino ang may gawa lahat nito.. Gusto ko na lang matapos lahat to.."
"Don't worry, Jema.. Matatapos din lahat to. Nandito na kami."
"Thank you, ate.. Thank you.."
"Dito ka lang ba? Papasok muna ako sa kwarto ko."
"Sige, ate Ly.. Babantayan ko muna si Deanna.."
----------
Third Person
"Pongs....."
"Ano ba, Bea..."
"Gumising ka kasi dyan.. Samahan mo ko..."
Hinila hila na ni Bea pabangon si Ponggay..
"Nakakainis naman, Bea ehh.. Inaantok pa koooo. Madaling araw na oh.." naiinis na sabi ni Ponggay.
BINABASA MO ANG
Yacht
FanfictionWhat really happened after that supposedly a blissful night turned nightmare?