J
"Vergel.. May bisita ka.. Kapatid mo.."
Napabangon si Oli sa pagkakahiga pati ako napabangon. Eto na ata yung sinasabi ni Oli na kapatid niyang pwedeng tumulong sakin..
"Boss, isasama ko si Jema ah?"
"Sige.. Walang problema.."
Lumingon sakin si Oli..
"Tara, Jema.. Para makausap mo na ang kapatid ko.."
Dali dali akong tumayo at sumunod palabas kay Oli.. Di ko alam ang mararamdaman ko pero parang kinakabahan ako..
Pagdating namin sa pinto papunta sa visiting area hindi ko alam pero lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko..
Sinusundan ko lang kung saan papunta si Oli hanggang sa may lalaking tumayo sa isang mesa..
Teka....
Parang pamilyar sakin to ah..
Hindi ako pwede magkamali...
"Jema, siya yung sinasabi kong kapatid ko na tutulong---"
"Lt. Vergel?" mga salitang lumabas sa bibig ko..
Si Lt. Vergel halatang gulat na gulat din..
"Hi, Jema.. Senior Detective Romeo Vergel na, Jema.."
"Teka, magkakilala kayong dalawa?" takang tanong ni Oli.
"Oo, Oli.. Umupo muna tayo.. May mga dala pala akong pagkain.."
Pagkaupo namin, sunod sunod na ang mga tanong ni Oli..
"Ako ang humawak sa kaso ni Jema dati eh.. Kaya magkakilala kami, Oli. Kilala ko na din talaga ang parents ni Jema bago pa yung kaso.." paliwanag ng kapatid ni Oli.
"Okay okay, kuya.. Matutulungan mo ba si Jema?"
"Case closed na yung kay Jema.. Ano pang gusto niyong gawin ko?"
"So, naniniwala kang pumatay talaga ako DETECTIVE?" medyo nainis ako sa sinabi niya kaya pinagdiinan ko talaga yung detective sa kanya.
Di ba dapat siya ang unang nakakaalam kung talaga bang ginawa ko yun.. Siya ang humawak ng kaso pero nag lead yun sa maling bagay.. Nadiin ako at nakulong.
Parang bigla tuloy nagkatensyon sa pagitan naming dalawa.. Parang gusto ko ding magalit sa kanya.
Anong ginawa nila at pano nila nasabi na ako talaga ang pumatay kay Deanna? Kung patay nga ba si Deanna.
May nakita bang katawan? Wala naman ah..
"Kinukwestyon mo ba ko, Jema? Ginawa ko lang ang trabaho ko non.."
"Teka, teka.. Hindi ganito ang gusto kong mangyari sa pagkikita niyo.." sasagot pa sana ako pero inawat na kami ni Oli.
"Sorry, pero wala na akong maitutulong sa kaso niya. Saka ang tagal tagal na non para buksan pa."
"Kuya Romeo, makinig ka kasi muna... Please.."
Hindi na ako umiimik.. Alam ko naman na kriminal ang tingin niya sakin na para bang wala na kong karapatan at pag asa pa na linisin ang pangalan ko.
"Kahit ano pang sabihin mo, Oli.. Wala na akong magagawa."
"Kahit pa sabihin ko na baka buhay pa si Deanna, kuya? Ha?"
Parang nagulat siya sa narinig niya kay Oli..
"Anong buhay pinagsasabi mo, Oli? Nag aaksaya lang ako ng oras dito. Madami pa kong kasong dapat asikasuhin"
"Buhay si Deanna, kuya.. Alam mo bang hindi nag sara ang dati niyang trucking business? Nag ooperate pa rin to hanggang ngayon."
"That's insane! Stop operation na ang business na yun habang gumugulong ang kaso ni Jema non. Ni hindi nga sinalo yun ng mga magulang niya o mga kapatid.."
"Hindi nga nila sinalo. Pero si Felicia Cui ang operator nun ngayon.. See it yourself, kuya. Kapatid mismo ni Jema nakadiskubre non ng di sinasadya.."
"Hanggang dito ba naman, Olivia.. Tigilan mo na yan, hindi ka na abogado dito.. Stop defending, Jema! Gusto mo pa atang bumigat lalo ang kaso mo dito eh, imbes na malapit ka ng makalabas." tumaas na ang boses ni detective Vergel.
"Pero kuya.. Please.. Give this a chance... Tulungan mo siya.. Naniniwala ka ba talagang pumatay si Jema..."
"Nagkasala siya sa batas.. Sumusunod lang tayo sa batas.."
"Babalik na ko sa loob, Oli.." tumayo na ako.
Ayoko ng pakinggan pa ang mga pinagsasabi ng taong dapat nagtanggol sakin non pero hinayaan lang na madiin ako sa bagay na hindi ko naman ginawa.
Hindi ko na sila inantay sumagot. Tumalikod na ko sa kanila at naglakad palayo.
"Jema?" dinig kong tawag ni detective Vergel sakin.
Huminto ako sa paglalakad pero hindi ko siya nilingon..
"Wag mo ng aksayahin pa ang panahon mo. Pareho nating alam kung anong nangyari ng gabing yon."
At naglakad ako ulit palayo sa kanila....
BINABASA MO ANG
Yacht
FanfictionWhat really happened after that supposedly a blissful night turned nightmare?