D
"Thank you, Mafe.. Ikaw na munang bahala kay Matthew." Bea said.
Tulog na tulog na si Matthew sa loob ng kotse ng makarating kami sa isang coffee shop.
"Wala yun, ate Bea. Pamangkin ko si Matt. Ako ng bahala sa kanya." sagot nito.
"Kamusta ka na, Mafe? Hindi ba kami nakakaabala sayo?" tanong ko.
"Para sa pamangkin ko to, ate Deanna.. Basta magpagaling ka na."
Dahan dahan kong binuhat si Matthew palabas ng kotse at inilipat sa likod ng kotse ni Mafe at nilagyan ng seatbelt. Ayoko ng maistorbo pa ang tulog nito.
"Pano, Mafe.. Mauuna na kami." pagpapaalam ni Bea.
"Sige, mag iingat kayo. Ako ng maghahatid pauwi kay Matthew.."
Nagpaalam na din ako kay Mafe at saka kami umalis ni Bea.
Mahaba haba pa ang byahe namin papuntang ospital. Masyado pang mahaba ang araw na to para sakin.
"Deans, kamusta ka na? Madalas na naman bang sumasakit ang ulo mo?" basag ni Bea sa katahimikan namin.
Diretso lang ang tingin niya sa daan habang nagmamaneho. Nakaupo lang ako at tahimik na pinagmamasdan ang bawat madadaanan namin.
"Nitong mga nakaraan, dumadalas ang pag sakit ng ulo ko." sagot ko na sa labas pa din ang tingin.
Hindi na nagsalita si Bea..
"At nitong mga nakaraang gabi, may madalas akong mapanaginipan, Bei.."
"Ano naman yun?"
"Madalas kong mapanaginipan na nasa isang yate ako, madilim, wala akong makita.. Tapos bigla na lang akong magigising.."
"Y-yate? Yun lang ba?"
"Minsan naman sa panaginip ko, may maririnig akong paulit ulit na tumatawag sa pangalan ko.. Boses ng babae..."
"Magiging okay ka din, Deanna. Just trust me."
"Kailan? Nahihirapan na ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Parang may kulang sakin. Parang may nawala sakin. Parang may isang bagay ako na di maalala."
"Sa ngayon, mag focus muna tayo sa lahat ng sasabihin ng doctor mo. One at a time, buddy."
"Pakiramdam ko hindi ko nagagampanan ang pagiging mabuting magulang kay Matthew dahil sa kalagayan ko."
"Ang importante araw araw mong sinusubukan.."
"Mas mabuti na lang siguro na kina mommy na lang muna mag stay si Matthew. Mas maaalagaan siya dun."
"Sigurado ka na ba dyan?"
"Matagal ko ng pinagisipan to. Kaysa naman, sa tuwing sasakit ang ulo ko o wala ako sa sarili eh lagi nating iistorbohin si Mafe at Cui para lang bantayan si Matthew. Nahihiya na ko sa kanila."
"Kaibigan mo kami at naiintindihan namin ang kalagayan mo."
"Basta, buo na ang desisyon ko. Kina mommy muna si Matthew hanggat hindi ako magaling, hanggat hindi nasasagot lahat ng gumugulo sa isip ko."
BINABASA MO ANG
Yacht
FanfictionWhat really happened after that supposedly a blissful night turned nightmare?