9

1.9K 93 6
                                    

D

"Long time no see, Deanna.. Kamusta ka na?" tanong sa akin ni Dr. Eleazar..

Kailan ba ko huling pumunta dito? Hindi ko na maalala. Ang alam ko lang sobrang tagal na non.

"Paminsan minsan sumasakit ang ulo ko doc."

"Yun lang ba ang nararamdaman mo? Hindi ba nanlalabo ang mga mata mo o baka nahihilo ka?"

"Hindi naman po, doc.. Sumasakit lang talaga minsan ang ulo ko."

Chineck niya ang mata ko gamit ang penlight niya.

"Ang tagal na ng huling punta mo dito ah.. Kasama mo pa si Matthew non.."

Tama.. Kasama ko nga si Matthew nung huling punta ko dito. Halos isang taon na yun. Yun pa yung iyak ng iyak si Matthew pag labas ko dito. Hindi siya mapatahan ni Mafe.

Pag labas pa nga namin ng ospital nasalubong namin si Bea kasama si ate Jia.. Tinawagan na pala ni Mafe si Bea non dahil nagwawala na talaga si Matthew, saktong kasama pala ni Bea si ate Jia.

"Oo nga doc eh.. Sobrang naging abala lang ako sa business ko at kay Matthew."

"Reresetahan kita ulit ng mga gamot mo. Inumin mo lagi at wag papalya ha? Next week balik ka ulit dito for another session."

"Okay po, doc."

Nagsimula ng magsulat si Dr. Eleazar...

Teka..

Tapos na ba agad ang session namin? Wala na ba siyang ibang itatanong?

Eto na yun?

Dati naman ang dami niyang mga tanong minsan pinapadrawing niya ako at kung ano ano.

Tapos ngayon, eto lang?

"Tapos na po ba tayo, doc?" tanong ko.

"Yes, Deanna.. Balik ka next week ha? Mag iingat at tawagan mo ako pag sinumpong ka ulit ng sakit ng ulo."

Inabot niya sa akin ang isang papel, ang daming nakasulat dito..

"Okay po, doc."

Bago ako umalis ipinaliwanag niya ulit sa akin kung kailan ako iinom ng mga gamot na nireseta niya at mga dapat kong gawin sakaling sumakit ng sobra ang ulo ko.

Pagkatapos non nagpaalam na ako sa kanya at binalikan si Bea sa lobby ng ospital.

Pagkakita palang ni Bea sakin, tumayo na siya at sumalubong sakin. May bitbit na itong maliit na paper bag.

"Hey, Deans.. Kamusta? Parang ang bilis niyo naman ata ni doc?"

"Yeah, ang bilis nga. Nagtataka din ako eh. Kinamusta lang niya ko tapos ayun na, binigyan na agad ako ng reseta ng mga gamot."

"Kailan ang balik mo dito?"

"Next week.."

"Next week? Eh di ba birthday na ni Matthew yun?"

Ohhh.. Oo nga pala.. Tinignan ko pa yung phone ko para siguraduhin ang petsa ngayon..

Tama nga, next week birthday na ng anak ko. Kailangan ko ng magplano para kay Matthew.

"Help me prepare, Bei ah.."

"Oo naman.. I'll call everyone para tulong tulong tayo.. For sure matutuwa nito sila ate Jia.."

"Minsan may silbi ka pala, Bei.. Hahaha.. Sakto reunion na din nating magkakaibigan.. Don't forget to call ate Ly ha? Magtatampo yun."

"Oo naman.. Akong bahala.. Kahit dito man lang magkasilbi ako hahaha.. Tara na nga.. Oh eto, bumili ako ng maiinom natin habang nasa byahe."

Inabot niya sakin yung paper bag. Milktea pala yung laman non.

Naglakad na kami papunta sa parking.

"Ah, Bei.. Nagtext na ba si Mafe sayo? Nakauwi na ba sila ni Matthew?"

"Yes, Deans.. Nakauwi na daw sila sa inyo.. At saka pala sabi ni Mafs, nandun daw ang mommy mo.. Inaantay ka daw."

"Ha? Wala namang sinabi si mommy na dadating siya ah?"

"Yun ang sabi ni Mafs eh.. Tara uwi na muna tayo.. Baka may importanteng pakay sayo si tita.."

Ano naman kayang pakay ni mommy dito? Di man lang siya nagpasabi para nasundo ko siya.

Sigurado ako may mabigat na dahilan ang pagdating ni mommy dito. Di naman siya basta basta nagbabyahe dito ng walang dahilan eh.

YachtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon