J
A year after..
Hindi na nakialam si Deanna sa kaso. Sila ate Ly ang tumulong sakin kasama ang mga kaibigan ni Deanna. Di naman ako pinabayaan ng mga kaibigan niya, tinulungan pa din nila ako kahit hindi na kami nagkaayos ni Deanna pagkatapos naming umamin sa pagkakamali ng isa't isa.
Naiintindihan ko naman si Deanna at nirerespeto ko ang desisyon niya. Isang beses lang siya nagpakita sa hearing non, the rest puro abugado na niya. Wala na din naman siyang nacontribute sa kaso, wala talaga siyang naaalala ng gabing yun. Buti na lang talaga may cctv recording nung gabing yun.
Hinuli agad si Detective Romeo Vergel, inamin niya na siya ang may pakana lahat. Kasabwat niya yung isang kababata ko non na dapat gagawa ng plano namin non. Umamin si Romeo na nagawa niya lahat yun dahil sakin.
Hindi ako makapaniwala na nagawa niyang halos makapatay ng tao dahil lang may gusto siya sakin. Dahil sa kanya, nasira ang pamilya ko. Nasira kami. Galit na galit ako sa kanya ng malaman ko ang napakababaw na dahilan niya. Anim na taon ng buhay ko ang nasira.
Kahit nakulong na siya at nakalaya ako pakiramdam ko hanggang ngayon pinagbabayaran ko yung pagkakamali ko non. Lahat ng kasabwat niya ng gabing yun nakulong. Parang ako ang naset-up sa mismong plano ko.
Pwedeng pwede nga akong kasuhan pa rin ni Deanna pero hindi na niya ginawa, inabswelto na niya ko. Sabi ng abugado niya, ayaw na lang daw talaga ni Deanna ng gulo at ako pa rin daw ang nanay ni Matthew.
Bumalik na sa dati ang lahat. Pagkatapos ng gulo na yun. Nang tahimik na, isa isa na ding bumalik sa kanya kanyang mga buhay nila ang mga kaibigan niya, wala na nga naman yung kinatatakutan nila.
Hindi naman nilayo ni Deanna sakin ang anak ko. Pinayagan niya kong makita at makasama si Matthew kahit kailan ko gusto basta wala itong pasok at practice sa football. Madalas nga nanunuod ako ng practice niya.
Si Mafe ang nakalakihan ni Matthew na nag aalaga sa kanya, kaya kay Deanna pa din siya nakatira para sa anak ko. Parang si Mafe ang naging substitute ko
ng makulong ako, ang laki ng utang na loob ko sa kapatid ko, dahil din sa kanya kaya napalapit ulit ang loob ni Matthew sakin.Nakausap ko na din ang pamilya ni Deanna at humingi ako ng pasensya, naintindihan naman nila agad ako. Ayaw na nilang balikan ang nakaraan, ang mahalaga sa kanila yung ngayon na tahimik at payapa na ulit lahat. Umaasa pa din sila na balang araw magkakaayos din kami ni Deanna.
Sa ngayon, nakatira ako sa isang apartment di kalayuan sa village kung saan nakatira sila Deanna para madali kong mapupuntahan ang anak ko.
Wala akong trabaho. Sino ba naman ang tatanggap pa sakin. Pero meron akong pinagkakaabalahang business, isang maliit na grocery store, si Deanna ang nagbigay nun sakin para makapagsimula daw ako. Pati yung apartment kanya yung unit na yun para wala na daw akong iisipin pa kundi ang mapalapit ulit kay Matthew at maging ina ulit sa anak namin.
Kahit ganon ang nangyari samin, di niya pa din ako pinabayaan. Kaya nirespeto ko talaga yung desisyon niya tungkol saming dalawa. Siguro nga mahirap na talaga ibalik yung dati, madami na kasing nangyari.
"Mafs, thank you..."
"Ha? Para saan, ate?"
Nandito kami sa gilid ng field, nanunuod ng practice ni Matthew.
"Ikaw yung nag alaga sa anak ko nung wala ako. Anim na taon yun."
"Ano ka ba, ate. Sino pa bang magtutulungan. Saka soon ikaw na din ang titira ulit dun. Soon, sana naman makaalis na ko dun hehe ayokong tumandang dalaga."
Loka loka talaga tong si Mafe. Pero oo nga naman, may sariling buhay nga naman tong kapatid ko. Masyado siyang natali sa dapat responsibilidad ko.
"I'm sorry, Mafs.. Grabe, I owe you a lot sa lahat lahat ng ginawa mo."
BINABASA MO ANG
Yacht
FanfictionWhat really happened after that supposedly a blissful night turned nightmare?