3

2.3K 94 9
                                    

J

"Hindi ka pa rin ba pinapatulog ng mga tanong sa isip mo, Jema?" tanong sa akin ni Oli.

Hindi ko namalayan na nakalapit na siya sa akin. Pagkatapos naming maghapunan, dito muna ako sa labas dumiretso.

Madilim na at punung puno ng mga bituin ang langit. Nakakapagpagaan ng pakiramdam ko kahit papaano ang malamig na hangin at mga puno sa paligid.

"Kung ikaw ba ang nasa kalagayan ko, makakatulog ka pa ba ng mahimbing?"

Ni minsan naman simula ng makulong ako dito, hindi na ako nakatulog ng maayos.

Nawala ang asawa ko, pinagbintangan ako, inilayo sa akin ang anak ko, sino ba naman ang makakatulog ng maayos sa ganoong kalagayan.

Gabi gabi, tanging hiling at pag asa ko lamang ay ang dumating ang isang umaga na magigising ako mula sa bangungot na ito.

Na sana, panaginip lang ang lahat ng ito, isang napakasamang panaginip..

Na sa pag mulat ng mga mata ko, si Deanna ang nasa tabi ko, ginigising ako mula sa bangungot na ito at hahalikan ako sa noo para sabihing okay lang ang lahat at hindi niya ako iiwan.

Anim na taon na pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip na nangyari ang lahat ng ito...

Masaya kami non, masayang masaya at kuntento sa buhay namin. Pero sa isang iglap, nagbago ang lahat.

Naging mabuting tao naman ako, ano bang nagawa ko para mangyari ang lahat ng ito sakin?

"Naiintindihan kita, Jema.. Sana mahanap mo na ang sagot sa lahat ng tanong mo."

"Pero paano, Oli? Nandito ako, nakakulong.."

"Naniniwala ako na inosente ka at may paraan para mapatunayan mo yan. Alam kong konti na lang, makukuha mo na ang katarungan."

"Anim na taon, pero walang nangyari. Hinayaan nilang lahat na ako ang magbayad sa kasalanang wala namang matibay na patunay kung ako ang gumawa."

Bumibigat na naman ang dibdib ko..

Pag naaalala ko ang pangyayari na yun, pakiramdam ko tinraidor ako ng mundo..

Wala man lang naniwala sa akin.. Kinuha nila ang lahat sa akin, inilayo nila ang anak ko sakin..

"Ramdam kong buhay pa ang asawa ko... Siya yun, Oli. Hindi ako pwedeng magkamali. Ni minsan hindi ko naman naisip na nawala siya. Wala namang patunay, wala silang nahanap na katawan."

Tumingin sa akin si Oli..

"Gusto mo ba talagang mahanap ang asawa mo? Gusto mo ba talagang malaman ang katotohanan?" seryosong tanong niya sa akin.

"Hindi ko na kailangang sagutin yan, alam naman natin pareho ang sagot.."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Dada! Dada! Are you okay? What hurts?"

"Come on, Matty... Let your dada rest muna..."

"Matty, go to your room first.. We just need a minute.."

"All right, dada..."

YachtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon