D
"What can you say Deanna? Jema?" ate Jia asked.
Hindi ako makapaniwala sa napanuod ko. Naretrieve nila Bea yung recorded video sa laptop niya. Yung sa cd corrupted na yung laman.
Napasandal na lang ako.. Hindi ko alam ang sasabihin ko..
"Okay ka lang?" tanong sakin ni Jema.
"I'm okay.. Di lang ako makapaniwala."
"Anong gagawin natin? Malinaw na ang proof natin." Ponggay.
"Parang gusto ko siyang patayin sa ginawa niya!" nakakagalit sobra!
Ang daming nasayang na taon samin ng dahil sa kanya pero hindi ko siya kilala. Ang alam ko lang family friend siya nila Jema. Anong dahilan niya para gawin sakin yun? Ano bang ginawa ko sa kanya? Ni hindi ko nga nakasama yun o nakausap.
"Relax, Deanna.. Hindi yan ang solusyon. Ngayon may matibay na tayong ebidensya." ate Ly.
"Ano pang ginagawa natin? Bakit di pa tayo kumilos ngayon? Para naman malinis na ang pangalan ng kapatid ko." Mafe.
"Teka, bago yan.. May sasabihin pa ata si Deanna.. Di ba, Deanna?" alam ko na ang ibig sabihin ni Bea.
Pati si Ponggay nakatingin sakin. Parang sumasakit na naman ang ulo ko.
"Ah, oo.. Pero kay Jema lang.."
"What is it, Deanna?" tanong ni Jema.
Tinignan ko muna silang lahat.. Nakaramdam naman sila at isa isang nagpaalam para bigyan kami ng privacy ni Jema.
"Ano yun, Deanna? Anong sasabihin mo?"
"Okay lang ba sa labas tayo? Naiinitan ako.."
"Sige.. Okay ka lang ba talaga?"
"Yes, Jema. Okay lang ako. Tara sa labas.."
Dinala ko siya sa may garden.
"Dun tayo, upo tayo, Deanna.."
"Wag na, Jema.. Saglit lang tong sasabihin ko. Baka di mo na ko kilala pag tapos nito."
Kita sa mukha ni Jema ang pagtataka. Kailangan kong sabihin to ng mabilis. Bahala na kung magalit siya o pagsasampalin niya ko.
"Ano yun, Deanna?"
"Jema, I'm sorry. May nagawa ako non na hindi ko sinabi sayo."
"Sabihin mo ano yun, Deanna.."
"I made a deal with Cui the night before our wedding.."
"Anong deal?"
"Sorry, Jema.. Ayoko talagang mawala yung pinaghirapan kong business non, kaya tinanggap ko yung deal. Yun lang ang nakita kong paraan para masuportahan ko pa rin kayo ni Matthew. Alam kong sobrang selfish ng ginawa ko.."
"Please, Deanna.. Sabihin mo na, anong ginawa mo?"
"Di agad ako bumalik ng hotel nung gabing yun. I accepted the deal, I spent the night with Cui.. I'm sorry, Jema. I'm really really sorry..."
Pero wala akong nakitang reaksyon sa mukha ni Jema.. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano.
"Jema, please... Speak.."
"Ako din, Deanna.. May sasabihin ako sayo.."
"Ano yun, Jema?"
"Everything was a set up."
Set up? Tama ba ang rinig ko?
"Set up? Anong set up?"
"Wala na akong ibang naisip, alam kong pareho nating di kakayaning buhayin ang pamilya natin."
"What do you mean, Jema?"
"Ang plano lang talaga namin ay itago ka.. Palabasin na wala ka na, para sana sa anak natin yung pwedeng ma-claim kaso iba ang nangyari. Humingi ako ng tulong sa kilala ko. Pero hindi kay Romeo. Hindi ko alam bakit siya ang nandun at bakit ganon ang nangyari sa plano. Deanna, maniwala ka, hinding hindi ko kaya na saktan ka ng ganon."
"Jema....."
Ako pala ang dapat matakot..
BINABASA MO ANG
Yacht
FanfictionWhat really happened after that supposedly a blissful night turned nightmare?