14

1.8K 99 12
                                    

J

"Jema! Ano bang ginagawa mo?"

"Anong ginagawa mo dito, Oli? Bakit nandito ka?"

"Sinundan kita. Mali to, Jema. Hindi ito ang solusyon."

"Wala na akong pakialam, Oli. Wala akong kasalanan, mali na nakakulong ako."

"Pero Jema... May batas tayo.".

"Yang batas na yan ang dahilan bakit ako nagdudusa. Nagkamali sila."

"Tara na, Jema. Umalis na tayo dito."

"I need to call, Mafe.."

"Paano?"

"Nasaan na ang mga pulis?"

"Hindi ko alam. Nawala na sila."

"Halika... Tatawagan ko si Mafe."

"Saan at pano?"

"Basta.. Akong bahala."

Lumakad na kami ni Oli na parang normal lang. Hindi ko alam kung paano to nakapagpalit pero iba na ang suot niya. Malamang dun din sa shop kung saan ako nagpalit.

Hindi mo talagang mapagkakamalan na galing kami sa preso. Kahit si Oli wala sa itsura niya. Ang amo ng mukha niya.

Lumapit ako sa isang matandang lalaki na mag isang nakatayo sa handrail sa gilid.

Kinausap ko ito at ipinaliwanag na nawala ang phone ko at kailangan ko lang tawagan ang kapatid ko para sunduin kami dito. Syempre, ginamit ko ang charm ko at mukha namang naniwala siya.

Medyo lumayo lang ako sa kanilang dalawa ni Oli pag abot niya ng phone. Kinakausap siya ni Oli.

Nakailang dial na ako sa number ni Mafe pero ring lang ito ng ring.

Shit! Kung kailan kailangan ko saka di naman sumasagot to si Mafe.

Nasaan ka ba, Mafe... Pick up the phone pleaseeee..

Sumenyas ako kina Oli na saglit lang. Baka mainip na kasi yung lalaki pero mukhang nag eenjoy naman siyang kausap si Oli.

And, yes! Someone answered the phone..

"Hello?" this is not Mafe.

Boses ng isang babae... Mukhang matandang babae..

"Hello? Who is this?" sabi ulit sa kabilang linya.

My mind is working double time para marecognize kung kanino ang boses sa kabilang linya.

Familiar ang boses. Pero di ko maalala kung kanino.

Shit, Jema! Speak!

"I'm sorry but Mafe is not available right now. She left her phone. Who is this?"

Fuck! Wala pa si Mafe.. I need to speak..

"Oh, hi. I'm sorry.. I just need some files from Ms. Galanza. This is her boss." fuck wala na akong maisip idahilan. Iniba ko pa konti ang boses ko.

"I'm sorry. I will tell her when she gets back. She just pick up my grandson at the football field. She'll be back soon. I'm Mrs. Wong by the way and you are?"

No way!

Totoo ba tong narinig ko?

Grandson?

Mrs. Wong?

Anong nangyayari???

Napatingin ako kina Oli.

Sumenyas si Oli, parang tinatanong niya ko kung ano na..

Sumenyas ako ng saglit.

Speak again, Jema! Think!

"I'm Ms. Margarette.. Please tell her to meet me at the 'usual spot' I'll be waiting."

Good, Jema! Good!

Alam ni Mafe kung saan ang usual spot. Dun kasi ang usual spot lagi namin ni Deanna pag nandito kami sa mall na to. Alam na alam niya to dahil pag nandito kami, dun ko din siya dinadala para mag kape at mag relax.

"Usual spot?" right, kilala ko na tong boses na to.

This is Deanna's mom.

"Yes, usual spot. Alam na po ni Mafe yun. Thank you po and bye."

Tinapos ko na ang conversation namin. Mamaya makilala na niya ang boses ko.

Lumakad na ko pabalik kina Oli.

"Here's your phone, sir. Thank you very very much.."

"No problem. I have to go now. Take care, ladies.."

Yun lang at umalis na yung matandang lalaki.

"So what now, Jema?"

"Let's go. Antayin natin si Mafe."

Naglakad na kami ni Oli.

"Saan? Nakausap mo ba siya?"

"Hindi. Pero nakausap ko ang mommy ni Deanna.."

"What?! Seryoso ba Jema? Nakilala ka niya?"

"Hindi. Basta. Naguguluhan pa ko but soon malalaman ko din kung anong nangyayari."

Hindi kami umupo dun sa usual spot na tinutukoy ko dahil masyadong kitang kita yun. Nag stay kami ni Oli sa pwesto na di masyado dinadaanan ng mga tao.

"Jema, sigurado ka bang dadating si Mafe?"

"Alam kong dadating siya."

Nakaupo lang kami dito sa natatakpan ng poste pero tanaw ko ang usual spot na tinutukoy ko. Pwesto yun sa isang coffee shop na madalas namin puntahan at tambayan ni Deanna.

Kailangan mong dumating Mafe..
.
.
.
.
"Jema, dadating pa ba si Mafe? Madilim na ohh. Saka nagugutom na ko sobra.."

Haaaaay.. Ilang oras na kaming naghihintay dito. Madilim na nga at kahit ako nagugutom na din.

Napayuko ako saglit. Kailangan kong mag isip. Paano kung di nga dumating si Mafe.

Paano kami ni Oli? Hindi pwedeng pakalat kalat kami dito.

"Jema, Jema..." kalabit sakin ni Oli.

"Di ba si Mafe yun?" dagdag pa niya.

Napaangat ako agad ng ulo.

Si Mafe nga! Palingon lingon siya sa paligid. Nasa harap siya ng usual spot namin ni Deanna. May nakaupo na dun.

"Dito ka lang, Oli. Akong ang lalapit."

Dahan dahan akong naglakad palapit sa likod ni Mafe.

"Mafe..."

Lumingon si Mafe sakin.

Gulat na gulat ang itsura niya. Para tong nakakita ng multo..

"Ate Jema???"

YachtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon