J
"Eheeemmm..." sabay kaming napabitaw ni Deanna..
Si Mafe pala..
"Tawag kayo sa taas nila ate Ly..."
"Let's go, mamaya ka na magluto. I'll help you." hinawakan ni Deanna ang kamay ko at saka kami lumakad..
Si Mafe nanlaki yung mga mata pagkakita sa mga kamay namin.
"Anong meron? Ano yan?" turo niya sa magkahawak na mga kamay namin.
"Secret..." pang asar na sagot ni Deanna..
Yung mukha ni Mafe di maipinta eh..
Di na kami kinulit ni Mafe.. Umakyat na lang siya.. Pagdating namin sa 2nd floor naalala ko si Oli.
"Wait, Mafe.. Gisingin ko lang si Oli.."
"Wala na siya dyan. Tara na.."
"Anong wala na?"
"Dinispose na siya nila ate Bea..."
Haaaaaaa???
"Anong dinispose, Mafe? Ayusin mo kasi."
"Tinapon siya sa ilog, sa bangin ganon hahaha.." tas tumawa siya.
Kainissssss...
"Hey, Mafs... Sagutin mo ng maayos tanong ng ate mo.." nawala ngiti ni Mafe sa sinabi ni Deanna..
Ayan, ayan.. Sige pagtripan mo pa ko, Mafe.. My protector is back!
"We thought kasi na pampagulo lang si Olivia, so, kaninang madaling araw dinala siya nila ate Bea sa kapatid niya. Basta, wag ka na magtanong, ate Jema. Di naman nila pinatay kaibigan mo. Joke lang kasi ehhh.. Tara na.."
Naman kasi eh, bad joke.. Ganito na nga sitwasyon ganon pa joke niya..
"Okay ka lang?" tanong ni Deanna habang paakyat kami ng 3rd floor.
"I'm okay.. Nag alala lang ako sa kaibigan ko."
"Wag ka mag alala. Sure naman akong maayos siya, di naman hahayaan nila Bea na mapano ang kaibigan mo."
Nakalimot ba talaga si Deanna? Para pa din siyang yung dating Deanna, always reassuring me na okay lang ang lahat.
"Thank you..."
"Ang bobo mo naman kasi, Bea eh.. Bakit ngayon mo lang naalala yan?" yan ang unang narinig namin pag pasok namin sa loob..
Gigil na gigil pa yung itsura ni Ponggay habang sinasabi yun kay Bea eh.
Binitawan na ni Deanna ang kamay ko at nauna na siyang umupo sa tabi ni Bea. Sumunod na lang ako sa kanya, pero dahil wala ng space sa tabi niya, sa harap na ko umupo katabi si Mafe.
"Sorry, dude dyan ahh.." turo ni Bea sa mukha ni Deanna.
"Okay lang, Bea.. Sorry din."
"Tama na yan.. May sasabihin pala kami." panimula ni Jia.
"What is it, ate Ji?" tanong agad ni Deanna.
"Well, first.. Jema, sorry but we decided na ibalik yung kaibigan mo, mahirap na. Hope you understand." ate Ly.
"Okay lang, ate Ly.. Sinabi na po ni Mafe. Pero okay naman po siya di ba?" I just wanna make sure na okay si Oli.
"Of course, ang hirap akyatin ng---" hinila ni Bea si Ponggay at parang may binulong dito..
"Jema, okay lang siya promise. Don't worry.." si Bea na ang sumagot.
Ayoko na nga mag usisa... May tiwala naman ako sa mga to kahit loko loko. Kaso kasi may pagkagago minsan to si Bea tapos parang si Ponggay pa ata ang kasama niya, pag nagsasama tong dalawang to ang gulo lagi eh. Bahala na..
BINABASA MO ANG
Yacht
FanfictionWhat really happened after that supposedly a blissful night turned nightmare?