6

1.8K 96 5
                                    

J

"Last week?! Bakit di mo sinabi agad sakin?" di ko na mapigilan ang sarili ko.

Pakiramdam ko may tinatago sa akin ang kapatid ko. Siya na nga lang tong nakakausap ko, siya na nga lang ang pinagkakatiwalaan ko tapos ganito pa.

"Yes, ate. Last week ko pa nakakausap si ate Bea. Sorry kung di ko agad nasabi sayo. Gusto ko kasi sana personal sabihin sayo." mahina niyang sagot.

"Wala ka bang gustong sabihin o iparating sakin? Tungkol kay Matthew? Kay Deanna?" sinubukan kong babaan na ang boses ko.

Ayokong matakot sakin si Mafe, madami akong gustong malaman at siya lang ang ang pwedeng gumawa ng paraan para sakin.

"Wala akong balita sa kanila, ate.."

What?! Anong wala?!

Imposible! Si Bea ang pinaka malapit na kaibigan ni Deanna sa lahat. Anong wala? Wala man lang nasabi si Bea sa kanya?

"Hindi ako nakikipaglokohan sayo, Mafe.. Alam mo kung anong gusto kong malaman."

"Wala talaga akong alam, ate."

"Isang linggo mo ng nakakausap si Bea, ni minsan wala siyang nasabi? Di ka man lang nagtanong? Ha? Saka bakit nag uusap na kayo? Eh galit siya sa buong pamilya natin, lahat sila galit satin!"

"Hindi ba pwedeng lumipas na ang lahat, ate? Saka bakit ba sakin ka nagagalit?"

"Gusto kong makita ang anak ko! Gusto kong malaman ang totoong nangyari. Wala akong pinatay, Mafe! Wala!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko... Lahat ng galit at sakit bumabalik na naman. Parang sariwang sugat ulit ang lahat..

Nakita kong papalapit na ang dalawang bantay na pulis sa amin..

"Anong nangyayari dito?" tanong ng isang pulis.

Tumayo na si Mafe..

"Mauuna na ako, ate. Saka na tayo mag usap, ate Jema. Pag okay ka na.. Pasensya na." at saka siya tumalikod sa akin at diretsong naglakad palabas.

Anong ginawa ko?!

Baka pati si Mafe hindi ko na makita. Baka pati siya maniwala na ginawa ko nga ang lahat ng yun.

Baka wala na kong makuha pang pag asa para malinis ang pangalan ko.

Pakiramdam ko habang tumatagal ako dito sa loob, unti unti ding lumalayo lahat ng taong mahal ko.

Unti unti nilang nakakalimutan na nandito ako..

YachtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon