Chapter 1

147 47 105
                                    


Maria Isabelle's POV

Dr. Maria Isabelle Domingo

Sobrang saya sa pakiramdam nang mabasa ko sa Enews ang pangalan ko.

Hindi rin biro ang pinagdaan ko para mapasama sa The Outstanding Doctors of the Philippines.

" Tita Isabelle! Come here" sigaw ni Jazmin ang haliparot na pamangkin ko.

" I'm busy, if you need something ikaw ang lumapit dito"

Masunurin naman siya kaya siya na ang lumapit sa kinaroroonan ko which is in the kitchen.

" Tita, are you familiar with HER CHOICE na brand ng damit?" Tanong niya at kita sa mga mata niya na interesado siya rito.

" Yup, it's a popular local brand here in our country. Why'd you asked?" Sabi ko sakanya while my eyes are still on my phone.

"I think I should entertain this guy. He told me that his father runs that company and His looks aren't that bad. May future ako sa kanya dahil may pera sila and for sure! He will inherit that company in the future!! What do you think tita? Should I say yes to him already? As in now na??!"

I can't believe na ganyan ang pag iisip ng batang ito, for Pete's sake 15 years old palang siya!

Nagulat nga ako dahil may mga nakapilang binatilyo sa sala, mukhang nag ta-take turn sila na mag bigay ng regalo kay Jazmin.

"As for my opinion, bakit hindi mo nalang pauwiin lahat ng manliligaw mo at umakyat ka sa kwarto mo upang mag- aral. You have an exam next week and yet here you are doing an inie mini minimo to those young gentleman" I told her in a serious tone.

"Tsk! I understand kung bakit ka ganyan tita. Like hello! You are already 33 years old pero wala ka pang boyfriend. You must be very lonely these past years"

Dumila pa saakin ang impakta bago tumakbo palayo.

How there that brat !!

Wala akong boyfriend pero atleast kumikita ako ng millions in a year. Money makes the world go round you know!!



" Wala akong material na bagay na maiaabot ngunit nag handa ako ng tula para sa iyo Mahal kong Jazmin"

Natawa ako sa narinig ko. Is Jose Rizal here? Or maybe Andress Bonifacio? May makata palang manliligaw ang Brat na ito.

Sumilip ako sa Sala kung saan nagaganap ang ligawan and I saw a young man holding a piece of paper infront of Jazmin.

Maybe he's around 15 years old as well.

"Pakinggan mo sana ako ng maigi Jazmin" tumayo siya ng matuwid na para bang tutula sa stage para sa buwan ng wika.

"Mahal kong binibini,
Wala na akong iba pang maiaalay
Kundi ang puso kong nagmamahal sayo ng tunay.
Sana ay marinig mo ang pagtibok ng puso ko,
Dahil pangalan mo ang sinisigaw nito
Hayaan mo sana akong hawakan ang iyong kamay
Upang maipadama ko sayo ang pag-ibig kong tunay
Ako sana'y maging parte ng iyong buhay
Pangako sayo mamahalin kita ng tunay."

Ramdam ko ang tuloy-tuloy na pag agos ng aking luha habang naka hawak ako sa sumisikip kong puso.

That poem is very familiar.

Maria's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon