Maria Isabelle's POV
I tried to open my eyes but my eyelids are still heavy.
Pinagpapawisan ako ngunit sobrang nilalamig ang buong katawan ko.
Hinila ko pataas yung kumot upang takpan ang leeg ko nang may nahulog na bimpo mula sa aking noo.
Pinilit kong buksan ang aking mga mata at hindi ko inaasahang bubungad saakin ang napaka-among tulog na mukha ni Leonardo, naka upo siya sa sahig while his head is resting on the side of my bed.
Itinaas ko ang aking hintuturo sa hangin upang sinusundan ang bawat kurba ng mukha niya.
" Anong ginagawa mo?"
Nakaramdam ako ng hiya when I realized that I woke him up by touching his lips, akala ko kasi nasa ere pa yung kamay ko nasa labi na pala niya.
Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti which makes me feel more embarrassed.
I cleared my throat at tinaasan siya ng kilay.
"Bakit ka dito natutulog? Baka kung ano pa isipin nina Aling Rosing" kunyaring pagtataray ko
" Iyan ba ang una mong sasabihin sa taong inalagaan ka magdamag?"
Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya. Oo nga naman I shouldn't treat him that way .
" Tyaka wala si Inay at Itay, bukas o sa susunod na araw pa sila uuwi."
Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya
" So sino ang nagpalit ng damit ko?!"
Namula ang buong mukha niya at umiwas nalamang ng tingin.
"Hindi naman kita pwedeng hayaan na matulog na basa ang damit "
Ipinikit ko ng mariin ang aking mata dahil sa kahihiyan.
Muling nagtama ang paningin namin nung tumunog ng malakas ang aking tiyan. Oo nga pala I haven't eaten anything since lunch.
Natawa nalang kami ng sabay
" Ipag luluto kita ng lugaw" saad niya at inalalayan ako papuntang sala
I checked the time and it's almost 2am pero inaabala ko parin siya, kaya ko naman na ipag luto yung sarili ko but then I'm enjoying the feeling na pinag sisilbihan niya.
Inilapag niya sa maliit na mesa yung bowl ng lugaw at isang basong tubig kaya umayos ako ng upo upang simulan na ang pagkain .
Pinapanuod ko siya habang hinihipan niya yung mainit na lugaw at diko na mapigilang matawa nung akmang susubuan niya ako.
"May sakit ako pero hindi naman ako pukol" Natatawang saad ko pero napawi rin iyon ng titigan niya ako ng nakakasindak.
Nakakahiya man pero para akong bata ngayon na sinusubuan ng kanyang tatay.
Pagkatapos ligpitin ni Leonardo yung pinag kainan ko naglakad na ako pabalik sa aking kwarto. Bago pa man ako makapasok sa loob I stopped for a moment to say goodnight to him
"Good night Leonardo"
" Magandang gabi"
Isasara ko na sana yung pinto ng kwarto nang biglang may paa na humarang.
" Diba we already said goodnight to each other? May sasabihin kapa ba?" Nagtatakang tanong ko
"Baka kasi natatakot ka sa kulog at kidlat, sasamahan lang kita"
Is that his other way of saying gusto pa kitang makasama? Kyyyaaahhh!!! Kilig to the bone marrow nanaman ang lola niyo!
Kahit dinaman ako takot sa kulog at kidlat pinapasok ko siya.

BINABASA MO ANG
Maria's Diary
RomansaAng bawat paglipat ko sa pahina ng aking tala arawan ay kasabay nito ang muling pagtibok ng puso ko sa taong akala ko nakalimutan ko 15 taon na ang nakakaraan.