Chapter 2

104 46 86
                                    


Present ( 2020 )

After reading the first entry, I took that old diary of mine and went to my room.

I feel like I need to read all my entries again.

January 13, 2005

Masaya ako dahil sa warm welcome nina aling Rosing at mang Roberto sa pangalawang pagkakataon. Kaso lang parang hindi nasisiyahan sa presensya ko si Leonardo, yung lalaking anak nina aling Rosing . Mabait naman siya pero iba ang mga nakikita ko sa bawat titig niya.

- Maria Isabelle

"Leonardo"A smile automatically curved my lips upon mentioning that name.

Flashback ( January 13 2005 )

I open my eyes at pinagmasdan ang paligid. Oh gosh! nakituloy nga pala ako sa bahay nina aling Rosing.

Naiihi na ako kaya dahan dahan akong lumabas sa room dahil walang CR dito sa loob kaya nagpunta ako sa CR sa may kusina.

I did my thing at nang nasa kalagitnaan palang ako ng pag ihi, somebody opened the door.

"Goodness!!!"

Dahil sa gulat, I grab the soap beside me at ibinato ito sa kung sino mang tao na pumasok roon. At huli na nung narealize ko na hindi lang pala yung sabon yung naibato ko kasi pati pala yung patungan ng sabon na gawa sa kahoy .

Nataranta ako at nag madaling itinaas ang aking shorts.

Lumabas ako ng CR at tumambad saakin ang isang lalaki na hawak-hawak ang kanyang ulo, mukhang pinapakiramdaman niya kung may bukol ba ito.

Napansin niya ang paglabas ko.

"Sino ka?"

Hindi naman galit ang tono ng boses niya pero nakakasindak yung seryosong pagtitig niya.

Teka! baka akala niya magnanakaw ako na sadyang naiihi sa kalagitnaan ng pagnanakaw.

"Ohh Leonado, nag kita na pala kayo ni Maria. Nakikituloy muna siya dahil wala na siyang matuluyan kagabi, siya nga pala maari mo ba siyang Ihatid sa bahay-panuluyan mamaya?" Sabi ni Mang Roberto

Saglit na katahimikan ang bumalot sa aming tatlo bago nagsalita ang lalaki na nabukulan ko.

" Opo itay" Muli siyang tumingin saakin bago kami iniwan na nakatayo doon.

So siya pala yung Leonardo na tinutukoy ni mang Roberto kahapon.

"Si Leonardo nga pala ang panganay na anak ko , hindi mo siya nakita kagabi dahil maaga siyang nakatulog. Siya ang maghahatid sayo sa Bahay-panuluyan mamaya. Kumain ka muna Iha bago ka umalis" saad ni mang Roberto.

"Maraming maraming salamat po Mang Roberto".

After I ate breakfast, I went back to the room kung saan ako natulog upang ayusin ang mga gamit ko pati na rin yung higaan.

Pagkatapos ng kalahating oras, lumabas ako sa kwarto and I was surprised to see Leonardo leaning next to the door. Is he waiting for me to come out?

" Tara na, ihahatid kita sa bahay-panuluyan ".

Di ko mawari kung mabait ba siya o hindi. Okay naman yung gestures niya pero yung mga mata niya parang nagliliyab sa inis.





Maria's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon