Maria Isabelle's POV
PRESENT ( 2020 )
Napa pikit ako nung naalala ko yung gabing iyon, that's the first time that we held hands and pakiramdam ko tuloy parang kahapon lang nangyari iyon.
I turned the page at pinagpatuloy ang aking pagbabasa.
Flashback ( 2005 )
I heard a knock on the door, Pinilit kong buksan ang mga mata ko pero hindi ko talaga kayang bumangon.
"Manang Ellie mamaya nalang po ako kakain" Sigaw ko sa kasambahay namin.
I heard the knock again pero diko na pinansin.
" Kailangan mong bumangon dyan para maabutan natin ang pinaka una na biyaheng dadaan patungo sa bahay-panuluyan" upon hearing those voice I automatically opened my eyes.
Ay palaka! Oo nga pala wala ako sa bahay namin!!
Nakita ko si Leonardo na naka sandal sa pintuan ng kwarto.
Agad kong kinapa kung may muta ako at pasimple rin na inayos ang buhok ko. Baka mukha na kasi akong matsing na bagong gising.
"S-sige mag reready lang ako saglit" Saad ko. Tumango siya saakin bago siya tumalikod upang umalis.
Kinalkal ko yung kabinet sa kwarto at nanghiram ako ng towel and I went out of the room ng dahan-dahan. Tumungo ako sa CR and take a warm bath, buti nalang may heater sila dito.
Bumalik ako sa kwarto upang makapag palit ng damit. I just realized na kulang pala yung nadala kong clothes parang good for 1 week lang itong mga to, anyway labhan ko nalang yung iba when I will reach the bahay-panuluyan.
Malapit nang mag 6 am nung matapos akong mag ayos, lumabas ako sa kwarto at nakita ko si Leonardo na naka upo sa may sofa sa sala.
"Tara na"
Tumayo siya at kinuha muli ang malaking bag na dala ko.
Mga 5 minutes lang kaming nag hintay at dumating na nga yung tricycle, kailangan palang maaga para makasakay dito unlike sa Manila na anytime may masasakyan ka.
Mga 30 minutes na yung nakalipas bago namin marating yung bahay panuluyan. Grabe ang bilis magpatakbo ni mamang driver parang na alog tuloy lahat yung lamang loob ko.
Si Leonardo yung naki negotiate kasi kilala ng daddy niya yung boss nila dito.
3000 pesos yung napagkasunduan namin good for 1 month. Pagkatapos kong magbayad ay inihatid na ako ni Leonardo sa room ko kasama ng tagapamahala.
Yayayain ko pa sana si Leonardo na tumuloy muna for a cup of coffee pero isang katangahan ang magyayaya na magkape knowing na wala naman akong mai se-serve na kape.
I really have this feeling na ayaw kong paalisin si Leonardo, para kasing hindi talaga safe yung lugar.
"Sana ay maging masaya ang iyong pamamalagi dito sa Nueva Viscaya, mag iingat ka" Inilapag ni Leonardo ang mga gamit ko at naglakad na papalayo.
"W-wait!" Ayaw ko talagang maiwan dito, malakas yung kutob ko na hindi safe yung place.
Hinihintay niya ang pagbuka ng aking bibig.
Please stay...
or Take me with you...
I'm scared......
"Uhhhhmmm I just want to say th..thank you sa lahat" Sa kabila ng mga sinisigaw ng aking isipan, iba ang lumabas sa aking bibig.
"Walang anu man" Ngumiti siya saakin at tuluyan na ngang naglaho sa aking paningin.
![](https://img.wattpad.com/cover/215147366-288-k129993.jpg)
BINABASA MO ANG
Maria's Diary
RomanceAng bawat paglipat ko sa pahina ng aking tala arawan ay kasabay nito ang muling pagtibok ng puso ko sa taong akala ko nakalimutan ko 15 taon na ang nakakaraan.