Maria's POV
Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa labas, sumilip ako sa kitchen dahil doon nanggagaling ang ingay.
"Iha, pasensya na nagising ba kita sa ingay ng blender?" saad ni aling Rosing .
umiling ako at lumapit upang tulungan siya.
Parang may okasyon kasi naghahanda si aling Rosing ng marami
"Ano po ang maari kong maitulong?" tugon ko
"Tulungan mo nalamang akong magbalot ng shanghai at mag ihaw ng karne mamaya" Nakangiting tugon niya.
Tahimik lang kaming naghanda para sa kung ano mang celebration mamayang gabi, I didn't bother to ask because she is very quiet which is unusual to me.
8pm na nung natapos kaming mag luto ni aling Rosing, nakakapag taka lang kasi wala pang bisita na dumarating. Kaming apat lang yung nasa dinning table.
"Kain na tayo?" Pagbabasag ni mang Roberto sa katahimikan na bumabalot saaming apat.
Everyone is eating quietly at nabobother na talaga ako kasi hindi ako sanay.
"May mag bi-birthday po ba?" okay I didn't see that coming, lumabas nalang bigla sa bibig ko.
Napatingin si Leonardo at Mang Roberto kay Aling Rosing ng sabay which creates a big question mark on my head.
"Huwag niyo nga akong tignan ng ganyan" Saad ni aling Rosing na may ngiti sa kanyang labi ngunit hindi ito umabot sa kanyang mga mata.
" Kaarawan kasi ng anak kong si Mercedes, yung may ari ng kwartong tinutuluyan mo"
" Ahh ganon po ba, Sayang naman po at di niya matitikman tong handa ninyo. Kailan po ba siya babalik?" Tanong ko.
There was a sudden pause between all of us which makes me wonder if I said something wrong.
" Kumain na tayo, lumalamig na yung pagkain eh" Pag iiba ni Leonardo sa mood.
I get it, maybe they don't wanna share it with me. Okay lang naman kasi I respect their privacy
"M-matagal nang patay si Mercedes Iha. 3 taon na yung nakakalipas, pero nakasanayan ko kasi na maghanda parin para sa kaarawan niya"
I was so shocked to hear that.
" Sorry po"
"Ayos lang iha" she answered as she tap my shoulder.
Ohh gosh, did I just dig unto someone else's pain?
I volunteered to do the dishes after we ate, hindi ako sanay sa atmosphere ng bahay ngayon. Dumiretsyo kasi agad yung mag asawa sa kwarto nila tapos si Leonardo nasa labas umiinom ng beer by himself.
I decided to join Leonardo after I finished washing the dishes. Umupo ako sa tabi niya at kumuha ng isang can ng beer sa table but he took it away from me.
"Don't worry I'm not a minor anymore, besides I'm a good drinking buddy "
Tinignan muna niya ako saglit bago binuksan yung can ng beer and then handed it to me.
Marami akong gustong tanungin but I choose to stay quiet.
Nakatingin lang kaming dalawa sa kalangitan at pinapanood ang pagkislap ng mga bituwin.
"Salamat" he said out of no where
"Hmmm? Para saan?" sagot ko ng may pagtataka
"Kasi dumating ka saamin" he said with his eyes fixed on the stars still.
Napatingin ako sa kanya and I didn't expect to see a drop of water rolling from his cheeks.
"Muli kong nakita ang mga tunay na ngiti sa labi ni Inay dahil pinunan mo ang pangungulila niya sa aking kapatid."
" Nitong mga nagdaang taon, wala akong nagawa kundi panuorin na sisihin niya ang kanyang sarili sa pagkawala ni Mercedes" This time he is looking into my eyes while saying those words.
"Bakit naman?" I asked.
"Namana ni Mercedes ang kanyang sakit kay Inay. Malala na ito nang ipinasuri namin sa doctor kaya wala na kaming nagawa kundi hintayin na......"
"I understand" pagpuputol ko .
Pinunasan ko ang mga luha na sunod-sunod nagsisibagsakan sa kanyang pisnge.
Nagulat ako sa ginawa ko at tatanggalin kona sana yung kamay ko pero hinawakan niya ito, I tried to act natural kahit parang nakakakuryente ang palad niya.
"Ahhh sige, lumalalim na yung gabi. Don't stay up very late hah, Good night" Nag madali akong dumiretsyo sa kwarto ko at pagkasarado ko ng pinto pinakiramdaman ko yung puso ko dahil nakakabingi na ang pagtibok nito.
Siguro nadala lang siya ng emosyon na nararamdaman niya and felt like he needed comfort kaya hinawakan niya yung kamay ko kanina.
Gumuhit sa labi ko ang isang napakalaking ngiti.
" I didn't expect to fill a longing heart of other family while breaking my family's heart, talagang pasaway ako" I whispered to the air.
Present ( 2020 )
March 19 2005
Ilang buwan na rin ang nakalipas nung nakitira ako sa pamilya Madrigal, and now I'm starting to think of them as my own family. Hindi naman sa ipinag papalit ko sila daddy, it's just that I found another family in here. Pero hindi ko parin maiwasang mapa isip kung ano na kaya ang nagyayari sa Manila? Siguro naman wala nang arrange marriage na magaganap noh?
- Maria Isabelle
Napangiti ako bahang binabasa ko yung mga entries ko 15 years ago, talagang itinuring ko yung diary ko as a friend that time. Sa totoo lang that arrange marriage is not supposed to be set for me, kay ate dapat yun but then nalaman namin na buntis pala siya kay Jazmin. Dad was so furious that time pero gusto parin nilang ituloy iyon para isalba ang Hospital namin noon kaya ako ang pumalit .
I heard a knock on my door.
"Come in"
" Tita that boy from a while ago left this for you" may inabot si Jazmin na piece of paper
Nginitian ko lang si Jazmin
"That was supposed to be yours, because I have mine" pinakita ko yung poem na binigay ni Leonardo from 15 years ago.
"No way!" Nagulat si Jazmin sa nabasa niya.
"Do you wanna hear a love story from long years ago?" tugon ko
Umupo si Jazmin sa kama which means she is interested.
I showed her my diary.
"That love story is all written in this old diary sweetie, let's read it together".
Flashback ( 2005 )
We look like a happy family having a picnic sa isang bundok. Nagyaya kasi si Mang Roberto na pumunta dito, malayo din yung nilakad namin to get here but it's all worth it. Napakataas ng kinaroroonan namin ngayon and I can see the beauty of the province up here.
"Mercedes anak, tikman mo itong pinitas namin ni Leonardo na dalandan, matatamis" Saad ni Aling Rosing.
Minsan natatawag niya akong Mercedes and I just let her be, masaya kasi ako na nakikita yung ngiti niya knowing that it's because of my presence.
"Mabuti naman at naka hiram ka ng ng tolda kay pareng Loloy na maari nating gamitin na panilong " Tugon ni aling Rosing
"Oo nga ehh, sabi ko kasi na magpapalipas tayo dito ng gabi. Yung huling punta natin dito kasama pa natin si Mercedes hindi ba?" Happiness is written all over Mang Roberto's face habang inaayos ang tent.
" Pakiramdam ko nga kasama parin natin siya dahil nandito si Maria" Hinaplos ni Aling Rosing ang aking buhok .
At that moment, para bang gusto ko na talagang maging parte ng pamilyang iyon for good.

BINABASA MO ANG
Maria's Diary
RomanceAng bawat paglipat ko sa pahina ng aking tala arawan ay kasabay nito ang muling pagtibok ng puso ko sa taong akala ko nakalimutan ko 15 taon na ang nakakaraan.