Chapter 13

58 29 19
                                        

Maria’s Isaabelle’s POV

Pagkarating ko sa Manila, dumiretsyo agad ako sa hospital na pagmamay-ari ni daddy.

Mabuti nalamang at nakilala agad ako nung nurse sa information desk kaya pina escort niya ako sa guard..

Halo-halo ang nararamdaman ko, I don’t know how to face my parents. Sumasabay pa sa mga iniisip ko si Leonardo pati ang pagbabalik ni Ana

Pinihit ko yung door knob at ang unang bumungad saakin ay ang nakaratay na katawan ni ate.

Hindi ko magawang humakbang palapit sa kama niya kaya sinalubong ako ni mommy ng yakap.

Pumasok rin si daddy sa kwarto kasama ang isang doctor. Hindi siya nagsalita nang makita ako pero hindi ko inaasahan ang malakas na sampal galing sakanya.

“ That’s enough!!” sigaw ni mommy.

Hinayaan ko lang na ilabas ni daddy ang sama ng loob niya dahil makali ang kasalanan ko.

“ Sorry po” I said in almost whisper.

Pina uwi ako ni mommy upang makapag pahinga, bukas nalang daw ako bumalik sa hospital upang medyo lumamig muna yung ulo ni daddy kaya wala na akong nagawa kundi sundin iyon.

Wala namang nagbago sa mansyon namin, everything is just the same nung huli ko itong nakita but it doesn’t feel like home to me anymore.

I took a quick shower at nung ilalagay kona sana sa laundry basket yung damit na suot ko kanina may nalaglag na papel.

Ito nga pala yung binigay saakin kanina ni Leonardo.

Binuklat ko yung papel at bahagyang napangiti dahil sa nilalaman nito.

Mahal kong binibini,
Wala na akong iba pang maiaalay
Kundi ang puso kong nagmamahal sayo ng tunay.
Sana ay marinig mo ang pagtibok ng puso ko,
Dahil pangalan mo ang sinisigaw nito
Hayaan mo sana akong hawakan ang iyong kamay
Upang maipadama ko sayo ang pag-ibig kong tunay
Ako sana'y maging parte ng iyong buhay
Pangako sayo mamahalin kita ng tunay.

Ang corny pero dahil galing ito kay Leonardo nakakakilig at the same time .

“ I miss you already Leonardo”


Present ( 2020 )

“That was the time when the family is battling on who to save between me or mom, sorry tita wrong timing" saad ni Jazmin.

“ No, you don’t have to feel bad about it, tyaka hindi naman ako napilitan na umuwi noon dahil alam kong babalik ako kay Leonardo” Tinapik ko ang balikat ni Jazmin.

“ And also my gosh tita! Copy cat pala talaga yung nanligaw saakin kanina! He copied Leonardo’s poem word per word”

I almost laugh when I saw her eyes rolled.

Alam kong natuwa siya sa Poem na iyon dahil gusto niya ang mga bagay na pinaghihirapan kaso lang napawi iyon dahil hindi pala original.

“ Wait lang tita?! paano niya na kopya yung poem? Don’t tell me?!” Napatakip ng bunganga si Jazmin

“ I know what are you thinking, kasi yan din nasa isip ko ”

“ is he……”

“His son?? Probably”





Maria's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon