Chapter 14

70 30 19
                                    

Maria Isabelle's POV

" Madali naman akong kausap sweetheart, sumama ka saakin ngayon at sundin mo ang ustos ko para walang gulo na mangyayari".

Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng mga luha ko nung marinig ko iyon.

" Maria ayos ka lang ba?! sino sila?!" Nag aalalang tanong ni Leonardo.

Lalapit na sana siya subalit hinarang siya ng mga tauhan ni daddy. Kinakaladkad na rin ako papasok sa sasakyan pero nagpupumiglas ako.

" Saan mo siya dadalhin?" sigaw ni Leonardo habang nagpupumilit lumapit saakin.

" Leonardo Anak!!"

Napatingin ako sa kinaroroonan ni Leonardo nung sumigaw si Aling Rosing

Halos madurog yung puso ko nung makita ko siyang bumagsak sa sahig dahil sa isang malakas na suntok mula sa tauhan ni daddy.

Ang isa pa sa mga lalaki ay akmang sasaktan din si Mang Roberto .

" Daddy! Please stop this! Please!"

Lumuhod ako sa harapan ni daddy, niyakap ko rin ang kanyang paa na siyang ikinagulat niya.

"Just say the YES sweetheart and we're done here"

" O-okay, you win!" sigaw ko

Hinayaan ko nalamang sila na kaladkarin ako papasok sa sasakyan dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mapapahamak sakanila.






Akala ko aalis na kami subalit nilapitan pa ni daddy si Leonardo.


Hindi ko alam kung ano ang sinabi ni daddy sakanya pero sigurado ako na hindi iyon kaaya-aya dahil bakas sa mga mata ni Leonardo ang labis na kalungkutan nang muling magtama ang aming paningin.

Nais ko pang masilayan si Leonardo subalit hindi ko na nakayanan ang pagbigat ng mga talukap ko.








"How do you feel sweetheart, bigla ka daw nahilo sa dinner niyo kagabi?" tanong ni mama na puno ng pag a-alala nang imulat ko ang aking mata.

"Sobra mo kaming pinag alala sweetheart" Dagdag ni Daddy.

I never knew that my dad is such a good actor. Is he playing the role of a concern dad now?


Muling sumagi sa isipan ko ang mga makahulugang tingin ni Leonardo kagabi, bakit parang may gusto siyang iparating?


----

Lumipas ang mga araw at buwan, sadyang naghanap lang ako ng tamang tyempo upang makatakas kay daddy subalit bantay sarado ako ng mga tauhan niya.

He is making sure na tumutupad ako sa usapan.

I also tried going out with Edward just as what my dad wants me to do. Luckily, Edward is also against our marriage.


Araw ng sabado ngayon at papunta ako sa Hospital para kausapin sana si mommy.


I was heading to the Elevator when my eyes caught a familiar figure.

Hindi ako pwedeng magkamali, si Leonardo nga ang nakita ko.

Sinubukan ko silang habulin subalit nakaalis na ang sinakyan nila.

What is he doing here and why is he with my dad's men?!

Dumiretsyo agad ako sa office ni daddy. I really have a bad feeling about this.

" Dad alam kong nanggaling dito si Leonardo, what did you say to him?!" Hindi ko na mapigilan ang pagtaas ng aking boses.

Maria's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon