Chapter 7

76 38 67
                                        

Maria Isabelle's POV

The word that could describe how I feel right now is PERFECT. Kaming apat ay nasa labas ng tent, pinagmamasdan namin ang unti-unting paglubog ng araw habang humihigop ng mainit na kape.

Ipinikit ko ang aking mata at hinahayaan lang na maglaro ang aking buhok sa bawat pag ihip ng hangin.

🎶Magkahawak ang ating kamay at walang ka malay-malay, na tinuruan mo ang puso ko na umibig na tunay.🎶

Napasulyap ako kay mang Roberto nang magsimulang kumanta and I find it very cute because his eyes are fixed on Aling Rosing. Wow he is so deeply inlove with his wife.

Tumayo si Leonardo at kinuha ang gitara na dala namin mula sa loob ng tent and started strumming it.

🎶Kamukha mo si paraluman noong tayo ay bata pa. At ang galing-galing mong sumayaw Mapa boggie man o cha-cha🎶

So this man can also sing.

🎶Ngunit ang paburito, ay pagsayaw mo ng El bimbo. Nakakaindak, nakakaaliw, Nakakatindig Balahibo🎶

Hindi ko maalis yung mga mata ko kay Leonardo, ang bawat pagtibok ng puso ko ay tila ba sumasabay sa ritmo ng kanyang pagkanta.

🎶Pagka galing sa 'swkela ay didiretsyo na sainyo, at buong maghapon ay tinuturuan mo ako🎶

Inilahad ni mang Roberto ang kanyang kamay kay Aling Rosing and they spin round and round enjoying the song like they owned it.

🎶Magka hawak ang ating kamay At walang kamalay-malay na tinuruan mo ang puso ko na umibig na tunay🎶

Pati ako napasabay na rin sa pagkanta.

Napaka gaan sa pakiramdam ng ganito, hindi ko maiwasan na sumulyap kay Leonardo habang nakapikit at dinadama ang kanyang pagkanta.

He ended the song with a very clean hum.

"Napaka ganda pala ng boses mo, nakakagaan ng pakiramdam" Puri ko sa kanya.

Biglang namula yung mukha niya sabay kamot sa dulo ng kanyang matangos na ilong.

Awww he's cute, nahiya pa tuloy sa sinabi ko.

"Oo naman, nagmana siya saakin hindi lang sa pagkanta kundi pati narin sa ka gwapuhan" Natawa nalang kaming lahat sa banat ni mang Roberto.








Buti nalang at nakapagluto kami agad ng ulam na inihaw na bangus at karne bago paman balutin ng dilim ang paligid. Ang tanging nagbibigay ng liwanag saamin ay ang buwan at bonfire sa tabi ng tent.

Isa ito sa pinaka paborito kong meal in the 18 years of my existence, actually there's nothing special about the food and the place but what makes this experience perfect is the people whom I am with right now. I'm sure we are creating a picture of a happy family right now .


Pagkatapos naming kumain ng dinner nagligpit na kami ni aling Rosing at ang mag Ama naman ay nag iinuman sa harap ng bonfire.

"Mauna na tayong matulog anak, mukhang mamaya pa susunod yung dalawa" Saad ni aling Rosing.

I just give a nod at pumasok na sa tent. Medyo madilim sa loob, buti nalang at umaabot dito yung liwanag ng bonfire sa labas kaya naman kahit paano ay may nag bibigay ng liwanag at init.

Dala na rin siguro ng pagod dahil sa mahabang lakaran paakyat dito, nakatulog ako agad.








Nagising ako dahil sa sobrang lamig, halos patay na rin ang apoy na nanggagaling sa bonfire kaya madilim na at ang tanging natitirang liwanag ay ang sinag ng buwan.

Maria's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon