Chapter 8

76 37 66
                                        

Maria Isabelle's POV

Flashback( 2005 )

Mas pinili kong ibaon nalang sa limot ang nararamdaman ko para kay Leonardo, masaya ako dahil itinuturing niya akong nakababatang kapatid at wala na akong hihilingin pa bukod doon.

Besides, gusto ko rin na ma experience magkaroon ng kuya dahil ate lang ang meron ako. Kaya sa ngayon, I need to keep a distance muna para tuluyan na ngang ma-iflush itong pagtingin ko sa kanya.

Mamamalengke si Aling Rosing at pupunta naman sa Barangay Hall si mang Roberto, ayaw kong maiwan sa bahay na si Leonardo lang ang kasama kaya naman nagpumilit akong sumama kay Aling Rosing.

Nauna pa nga ako na umalis dahil balak kong lakarin nalang para tipid pamasahe at isa pa ayaw ko munang makita si Leonardo kahit ilang oras lang.

Pagkarating ko sa palengke, napansin ko na may nag bebenta ng mga alahas sa gilid kaya lumapit ako para tumingin-tingin.

Simple lang naman yung mga designs nila, may mga gawa sa beads, metals, at kung anu-ano pa. Nakakamiss din mag suot ng alahas, wala kasi akong nadala nung tumakas ako ehh.

A pair of earrings caught my attention

" Kuya magkano ho ito?" tanong ko sa tindero ng alahas sabay turo sa color pink na hoop earrings.

" Isang daan iha"

Kukuha na dapat ako ng pambayad but I just realized na wala pala akong nadala na pera dahil sa kakamadaling umalis ng bahay.

Shocks ganito pala yung feeling pag dimo mabili yung gusto mo huhu. Tinitigan ko muna yung earrings for the last time.

Magpapagawa nalang ako ng katulad nito pagbalik ko ng Manila.

"Gusto mo ba yan Maria?" Nagulat ako nung may nagsalita sa aking likuran.

" Ahhhh ikaw pala yan Leonardo, anong ginagawa mo rito?" Nagtatakang tanong ko sabay humakbang paatras dahil halos magkadikit na ang katawan namin.

" Hindi kasi makakapunta si inay kaya ako ang inutusan niya na sumama sa iyo" he answered

Tumango nalang ako bilang sagot.

"Gusto mo ba iyan?" tanong niya ulit but this time parang nag pipigil siya ng tawa habang palipat-lipat ang tingin niya sa hikaw na hawak ko and then sa mukha ko.

Teka? Nilalait niya ba yung taste ko?

"Mas babagay yata ito sa iyo" saad niya at itinuro ang butterfly earrings.

" Mas mabuti pang simulan na nating mamalengke para hindi tayo magabihan" I told him at naglakad na papalayo doon.

Tsssskk kakapalan ko na sana yung mukha ko na mangutang sakanya para mabili ko yung cute na hoop earrings pero parang gusto niya akong pagtawanan kaya wag na lang.



Mabilisan lang naman kaming namalengke, kasi mga basic needs lang ang binili namin kagaya ng shampoo, sabon, bawang, sibuyas, Karne, Isda at kung anu-ano pa.

Hindi ko talaga siya masyadong kinakausap dahil nga sa Operation: KEEP A DISTANCE PARA FEELINGS MAKALIMUTAN .

Nahuhuli siya sa paglalakad kasi pinabuhat ko lahat sa kanya yung mga nabili namin mwahaha, buti nga sakanya dahil pinagtawanan niya yung hoop earrings na pagka ganda-ganda.

Pumara ako ng masasakyan namin pauwi at dahil mabait ako tinulungan ko siya sa pag load nung mga pinamili namin sa tricycle.

"Kuya sa hilaga po tayo" sabi ko sa tricycle driver

Maria's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon