Present ( 2020 )
Maria Isabelle's POV
Naalala ko kung gaano ako pinapatay ng takot sa mga oras na iyon, akala ko talaga tuluyan nang makukuha ang aking perlas ng silanganan ng ganon lang. But the fact that he came back for me that time is really cloud 9.
Napahawak ako sa aking dibdib because my heart remembers how I fell inlove with that man. 15 years na ang nakalipas pero buhay parin pala yung pagmamahal na akala ko matagal ko nang kinalimutan.
Flashback ( 2005 )
"Umalis na tayo dito" he said and drag me out of that place.
Pumara siya agad ng tryicle.
"Manong sa hilaga po tayo"
"Pasensya na iho, hindi ako tutungo roon dahil may susunduin pa ako" Sagot ni manong
Inabutan siya ni Leonardo ng 500 pesos kaya naman agad ding pumayag si manong na ihatid kami. Aba ang swerte naman ni manong, sana ako nalang yun haha.
When we reached their house, nakita ko na nag aabang si aling Rosing sa labas.
"Leonardo anak, bakit ngayon ka lang? "
Nagulat yata siya nang makita muli ako
"Ohh, kasama mo parin pala si Maria"
"Inay, hayaan po muna natin siyang makapag pahinga." Magalang na sagot niya sa mama niya bago ako hilain papunta sa kwarto na tinutuluyan ko.
Umupo ako sa kama at inilapag niya ang mga gamit ko sa sahig.
Akala ko aalis na siya pero napansin ko na sumandal siya sa may pintuan.
"Pasensya na dahil iniwan kita doon" he break the silence between us .
"No, dapat nga na magpasalamat ako dahil binalikan mo ako" I flashed a smile.
"Kung may kailangan ka sabihan mo lang si inay" After he said those words, iniwan na niya ako doon sa kwarto.
Nag palit ako ng damit at humiga na sa kama.
Mayat-maya pa ay may kumatok sa kwarto .
" Iha?" ohh si aling Rosing pala
Umupo ako mula sa pag kakahiga at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit.
"Nai kwento saakin ni Leonardo ang nagyari sayo, dapat pala hindi na kita hinayaang umalis dito." she told me habang hinahaplos ang buhok ko.
" Dito ka nalang sa amin tumira habang nasa Nueva Viscaya ka, dahil hindi ako mapapalagay pag dadalhin ka namin sa ibang bahay-panuluyan. Isipin mo nalang na bahay mo narin ito" she added.
" Maraming salamat po talaga aling Rosing" I told her with full of sincerity.
Napaka bait ng pamilyang ito. I decided to tell her the reason why I'm here, nagulat siya dahil napaka bata ko pa daw para ikasal at mali din daw iyon dahil karapatan ko na pumili ng taong dapat kong mapapangasawa.
Naku sana ganito rin ang mentality ni daddy. Pero sa totoo lang naawa din ako sa parents ko dahil alam kong malaki ang problemang kinakaharap ng Hospital na pagmamay-ari namin ngayon. Siguro ang tanging solusyon ni daddy ay ipakasal ako upang makakuha ng connections para may mag support sa Hoslital .
" Buti nalang pala at hindi ka iniwan ni Leonardo kanina" natauhan ako sa sinabi niya.
Oo nga , akala ko umalis na si Leonardo? How come that he is still on that place ?
Third Person's POV
Nang sinamahan ni Leonardo si Maria sa kanyang kwarto sa Bahay-panuluyan, napansin niya na ang lock ng pinto ay madaling masira ngunit pinili niya na ipag sawalang bahala ito. Nakita niya sa mga mata ng dalaga na ayaw niyang ma-iwan ng mag isa sa lugar na iyon pero pinili parin niyang mag paalam at umalis nalang.
Nag nag lalakad siya palabas sa bahay-panuluyan, na pahinto siya dahil sa narinig niyang usapan ng isang grupo ng kalalakihan.
"Oo pare, mukhang taga syudad ang babaeng iyon, malamang anak mayaman din dahil ang mga binti niya ay mapuputi at makinis" sabay sabay na nag tawan ang mga lalaki.
Muli siyang nag lakad papalayo ngunit may parte sa loob niya na gustong balikan ang dalaga,
"Hihintayin ko munang umalis ang mga lalaking ito bago din ako aalis" sabi ni Leonardo sa sarili niya.
Pagkaraan ng ilang minuto, napansin ng binata na lumabas si Maria sa Bahay-panuluyan. Dinaanan din ng dalaga ang grupo ng mga kalalakihan na iyon at bakas sa kanyang mukha ang takot.
Sinundad ni Leonardo ang dalaga ng palihim mula sa kanyang pamimili hanggang sa pag takbo niya patungo sa payphone.
Aalis na sana siya ngunit napansin niya ang paglapit ng grupo ng mga kalalakihan sa dalaga.
Nakita ni Leonardo ang pambabastos ng mga lalaki sa dalaga ngunit malayo siya sa kanila, tumakbo siya papalapit sa kanilang kinaroroonan ngunit nakatakas din agad ang dalaga mula sa pagkakahawak ng isa dahil sa tulong ng isang matanda na mukhang empleyado rin sa bahay panuluyan.
Tinangkang habulin ng mga lalaki ang dalaga ngunit naharang ni Leonardo ang mga ito.
"Nakita ko ang pambabastos ninyo sa dalagang iyon at sinisiguro ko na makakarating ito sa mga pulis ng ating lugar" sabi niya sa mga lalaki sa galit na tono
" L-leonardo Madrigal, I..ikaw pala I..iiyan" pa-utal na sagot sakanya ng isang lalaki.
Dumating ang ilan sa mga tanod sa lugar na iyon kaya naman ipina ubaya na ni Leonardo sakanila ang grupo.Tumakbo siya sa may kwarto ng dalaga at kumatok ng kumatok ngunit walang nagbubukas nito. Pilit niyang pinipihit ang doorknob ngunit naka lock ito sa loob. Sinipa ni Leonardo ang pinto dahil sa pag-aalala niya sa dalaga at baka kung napano na siya kaya walang nag bubukas ng pinto.
Ramdam ng binata ang pagsisisi niya sa kanyang pag-iwan sa dalaga nang makita niya na puno ng takot ang mukha ng nasa harap niya.
Maria Isabelle's POV
"Hindi ka iniwan ni Leonardo Iha, kaya pala hindi pa siya nakakabalik dito sa bahay kahit may ipinag utos ang kanyang ama" nakangiting tugon ni aling Rosing.
" Napaka bait po ng anak ninyo"
January 14 2005
Dear Diary,
I thank God dahil walang nangyari na masama saakin. Buti nalang din at hindi ako iniwan ni Leonardo doon kundi ewan ko na. Napakabait ng Madrigal Family, parang pamilya ang turing nila saakin kaya siguro na eenjoy ko na ng masyado ang pag stay bahay nila.
- Maria Isabelle

BINABASA MO ANG
Maria's Diary
RomanceAng bawat paglipat ko sa pahina ng aking tala arawan ay kasabay nito ang muling pagtibok ng puso ko sa taong akala ko nakalimutan ko 15 taon na ang nakakaraan.