Chapter 10

59 34 56
                                    


Maria's POV

Hindi ko alam kung ilang oras na akong naka higa sa kama habang nakatingala sa kisame,

O yung pagnakaw ko sayo ng halik

O yung pagnakaw ko sayo ng halik

O yung pagnakaw ko sayo ng halik

O yung pagnakaw ko sayo ng halik

Parang sirang plaka na nag p-play sa utak ko ang mga sinabi niyang iyon!!

April 8, 2005

Dear Diary,

Akala ko nakalimutan niya yung nangyari kagabi. Hindi pala!!! Pero paano ko siya haharapin ngayon?! I wish you could talk and tell me what to do right now

- Maria Isabelle'

Muntikan na akong mapabalikwas nang may kumatok sa pinto ng kwarto kaya itinago ko agad ang aking Diary sa ilalim ng unan ko.

" Maria? Kakain na tayo"

Bakit boses niya ulit yung naririnig ko? Tyaka ang bilis naman, kakain na agad? No no no, I'm not yet ready to face him.

Nagkunwari akong natutulog nung binuksan niya ang pintuan ng kwarto.

" Kanina kapa nag kukulong dito, hindi kaba kakain?" Ramdam ko ang pag upo niya sa kama ko.

Sinagot ko siya ng kunwaring paghilik.

" Nakatulog kaba?" Leonardo said in a teasing voice.

" Hindi mo naman siguro malalaman kung pagnakawan ulit kita ng halik ngayon" Awtomatikong tumayo ako mula sa pagkakahiga at dumiretsyo sa kusina.

Umupo ako sa tabi Aling Rosing .

" Anak, masama ba ang pakiramdam mo ? bakit kanina kapa nakahiga sa iyong silid?"

Umiling lang ako at binigyan siya ng mabilis na pagngiti

Sumunod na din si Leonardo at umupo sa tabi ng kanyang ama.

Tahimik akong kumakain at halos hindi kona nginunguya yung kanin para matapos lang ako agad. Nung naubos ko yung pagkain ko, I turn my back at aalis na sana

" Anak maysasahihin ako HAAALIIIIIK..." parang nag slowmotion sa pandinig ko yung words na iyon ahh

" Wala pong halikan na nangyari !"

Napa ubo ng malakas si Leonardo at naibuga yung kung ano man ang iniinom niya.

Napansin kong biglang tumahimik yung paligid kaya nilingon ko sila para makita ang kanilang reaksyon.
Palipat lipat ang tingin ng mag asawa sa amin ni Leonardo

Parang matatawa ako sa namumulang ilong ni Leonardo dahil lumabas yung juice na iniinom niya rito.

" Anak ang ibig kong sabihin HALIKA RITO, ano bang halik ang sinasabi mo?"

Uminit yung mukha ko sa sinabi niya. NAKAKAHIYA

" ahhh ha...ha..ha.. ganon po ba" natawa nalang ako ng pilit to ease the tense inside me.

" May seminar kasing gaganapin bukas sa kabilang baryo at mga kababaihan ang dadalo, may darating na galing sa Maynila upang mag bigay kaalaman sa pag didisenyo ng damit. Baka interesado ka anak" Thank God, she changed the topic.

" S-sige po dadalo ako" I answered quickly then went back to my room.

Kinaumagahan, siniguro ko na naka alis na ng bahay si Leonardo bago lumabas sa lungga ko. Isinama kasi siya ni Mang Roberto sa Baranggay hall may gagawin daw sila.

Maria's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon