Chapter 12

54 31 25
                                        


Maria's Isabelle's POV

Flashback ( 2005 )

Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Aling Rosing, nahihiya parin ako sakanya ng sobra.

Inipon ko lahat ng lakas ng loob na meron ako upang lumabas sa kwarto.

Naabutan ko ang mag-asawa sa kusina at nung napansin nila ang presensya ko, para silang na 'statwa.

" Good morning po"

"M-magandang umaga Iha"

base sa mukha ni mang Roberto, mukhang naikwento na sakanya ni aling Rosing ang nakita niya kanina.

" Anak pasensya na pumasok ako kanina sa kwarto mo na hindi manlang kumatok"

Naku si aling Rosing pa talaga ang nagpasensya eh ako nga itong sobrang nahihiya.

" Okay lang po iyon" Sagot ko

" Ahh oo nga pala, tungkol doon sa gusto kong sabihin sayo kanina, ipapakiusap ko sana kung pwedeng ikaw na ang mag hatid nung niluto kong ulam sa mga naiwan na kasamahan namin sa Baranggay hall, magpapahinga na kasi sana ako" saad ni Aling Rosing

"Sige po " ito talaga ang gusto ko kay aling Rosing, laging iniibahan niya ang topic kapag nakakahiya na ito.




Tinulungan ko si Aling Rosing na mag pack ng ulam, at inayos ko na rin ang aking sarili upang maihatid ko na yung pagkain.

Sasamahan dapat ako ni Leonardo ngunit tumanggi ako, may ipinag utos rin kasi si mang Roberto sakanya sa bayan.

Hinatid nalamang niya ako sa hintayan ng tricycle.

Habang naghihintay kami ng masasakyan ko, napansin ko na parang hindi mapakali si Leonardo.

" Ayos ka lang ba Leonardo?"

Tumango lamang siya bilang sagot.

Dumating na yung trycicle at tinulungan niya muna ako sa pagloload nung mga dala ko. Sasakay na sana ako subalit hinawakan niya ang aking kamay at may inilagay roon na naka tuping papel.

Tinignan ko siya saglit, napansin ko rin na may hawak siyang maliit na kahong gawa sa kahoy subalit ibinalik niya iyon sa kanyang bulsa.

" Tyaka na ito" saad niya bago tumalikod at umalis.


Gustong-gusto kong buklatin yung papel na iyon kaso hindi ko magawa dahil marami akong hawak kaya inilagay ko muna sa bulsa ko, mamaya ko nalang siguro basahin ang nilalaman.

Naglalakad ako ngayon papunta sa Baranggay Hall and I just realized na dapat pala nagpasama nalang ako kay Leonardo dahil ang bigat ng dala ko.

Medyo naligaw pa ako kasi wala akong matanungan na tao dito.

May huminto na magarang sasakyan sa tapat ko at
dumungaw sa bintana nito ang napaka gandang babae.

Hindi ko maiwasang ma patulala sa mukha niya, her eyebrows are in perfectly shape which matches her browneyes, matangos ang kanyang ilong at kita ko ang mala rosas na labi niya dahil lipgloss lamang ang gamit nito.

Siguro mga nasa mid 20's siya at mukhang galing pa sa ibang bansa.

" Nahihirapan ka yata dahil sa dala mo, gusto mo bang ihatid na kita sa pupuntahan mo?" saad niya ng may ngiti sa labi.

I have this feeling na mabait siya kasi pareho kaming maganda, kaya nag pahatid na ako.

Mukhang taga rito ang pretty face na ito kasi she knows the place very well.

Maria's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon