"MAHAL MO PA BA SI PRECIOUS?"
Natulala ako sa naging tanong ng aking mga kaibigan. Precious is my first girlfriend, long distance relationship kaming dalawa at sa loob ng pitong buwan ay masasabi kong minahal ko siya at naging mahalaga siya sa akin.
"Hindi na. Okay na ako sa pitong buwan na naging kami saka masaya na 'yon sa bago niyang jowa." may bago na kasi itong jowa kaya nakapagmoveon nadin ako ng mga dalawang buwan. Syempre, nandoon ang guilt at kagustuhan mo na balikan siya kaso life is to short. Kailangan mong mag-enjoy habang nabubuhay ka at pakihanap nalang ang connect sa sinasabi ko. "Pero namimiss ko siya."
"Sabe na eh. Dapat kase binalikan mo na siya noon na wala pang jowa, teka nga. Bakit ba kayo naghiwalay?"
Nagsalin ako ng alak sa baso at agad ko ding ininom. "Feel ko toxic na."
"Eh, bakit mo nasabe?"
"Kase pakiramdam ko noon na nagsisinungaling na siya sa akin. Ipinagseselos ako sa kaibigan niyang malapit sa kanya. Ewan, masyadong magulo ang isip ko noong mga panahon na 'yon." muli akong nagsalin at uminom. Hindi ko naman siguro masisise sarili ko kung bakit ko naramdaman ang ganoon.
"Sira ka pala, eh. Dapat pinakinggan mo ang side niya as a person. Tinanong mo dapat siya, --" sinenyasan ko siyang manahimik, nakakapagod siyang pakinggan. Ramdam ko na din ang hilo, dalawang bote palang pero lasing na ata ako.
"Huwag na natin siyang pag-usapan."
"Okay."
Habang nag-iinom kami umiikot sa isipan ko ang mga bagay-bagay na ikinalungkot ko. Panahon na wala pa akong muwang sa mundo, hindi ko pa alam kung paano magmahal ng totoo maski naman ngayon ay may pag-aalinlangan ako sa nararamdaman ko para sa kanila.
Mabilis kase akong manawa. Hindi naman ako gwapo pero ako ang nakikipaghiwalay sa mga babae. Masyado ba akong feeling gwapo, "Gwapo ba ako, Rio?"
"Lasing kana, Chase!" Hindi niya sinagot ang tanong ko, loko-loko talag ang isang ito. Kung hindi ko lang siya kaibigan baka sinuntok ko na ito sa mukha. "Halika, iuuwe na kita. Malalagot tayo nito kay tita."
"Hey, gusto ko pa!" kinuha ko ang kamay ko at lumagok ulit, "Ano ba, bitawan mo nga ako!"
"Uuwe na nga tayo. Sa susunod 'di na kita yayain mag-inom para kang bata!" sinuntok ko siya ng mahina dahil sa sinabe niya, ako parang bata hindi kaya masakit lang talaga ang puso ko dahil namimiss ko ang mga taong naging parte sa buhay ko. "Oh, huy. Bakit ka umiiyak?"
Inalalayan niya ako at muling iniupo, "Mahal ko pa siya dude, ang gago gago ko!" tinakpan ko ang mukha ko gamit ng kamay ko. "Nasasaktan ako, siya ang unang naging girlfriend ko at siya ang unang babaeng iniyakan ko. Pusang gala naman,o. Ang tanga ko!" Sinuntok-suntok ko ang mesa, pagod na akong umiyak.
"Chase, tama na. Halika na iuuwe na kita." nagpatinuod na ako sa kanya, kahit nahihilo ako alam ko ang nangyayari. Alam kong bukas pagkagising ko, mas makakaramdam ako ng sakit pero itinatago ko ito.
----
"OKAY KA NA NGAYON, CHASE?"Maagang nambulabog ang kaibigan kong si Rio, nandito kami sa kwarto ko at kanina pa niya ako tinatawanan. "Gago ka! Lumabas ka nga muna ang aga mong mang-inis."
"Ang aga mo namang magmura, crying boy." sinamaan ko siya ng tingin, siraulo talaga. Kailangan pa bang ipaalala 'yon, eh. Alam na alam ko ang nangyari. "Oh, may dala akong tsaa. Inumin mo para mawala hangover mo. Inom pa ba tayo?"
Naibato ko sa kanya ang unan dahil sa inis. Ito nanaman siya tumatawa na parang siraulo. "Lumabas ka na, Prince Rio Tan!"
"Gago. Rio lang." ako naman ang natawa, palibhasa ayaw niya ang 'prince' dahil hindi naman daw siya prinsepeng tignan. Ang katwiran niya pa, mahirap lamang kami para maging prinsepe siya. "Makalabas na nga!"
BINABASA MO ANG
Ikaw nga, Reyn
RomanceReyn D'amelia / Chase Planner Love Story~ Book cover by: Francis Jeremiah