"GUSTO MO BA AKO?"
Hindi ko alam sasabihin ko kaya ilang minuto akong nakatulala sa tanong niya. Bakante ang araw namin dahil sabado na ngayon, maayos namin nairaos ang buong research at ready na kaming humarap sa wenesday. "Anong tinutunganga mo d'yan?"
Wala na ata akong matatago sa kaibigan kong ito dahil lahat ata ng nangyayari sa buhay ko ay alam niya, maski ang tunog ng paglakad ko at baho ng utot ko. "Reyn." pangalan lang ang nabanggit ko pero kung makangiti siya ay akala mo siya ang nanalo sa lotto.
"Kalat na sa WRA ang anumalyang nararamdaman niyo sa isa't-isa, Chase. Kung ako sa iyo, ipagtapat mo na sa kanya." napaisip ako sa sinabi niya kase may punto ito. Paano hindi malalaman ng ibang members, eh kung tuksuin kami ng ibang kakilala namin. "Kahit na nagseselos ako, okay lang 'yon."
"Hindi ko pa alam ang isasagot ko. Natatakot pa ako, Rio." nakatanggap ako ng isang malutong na sapok kaya napaurong ako. "Gago ka kamo!"
Sinamaan ko siya ng tingin at umalis sa harapan niya. Pumasok ako sa kwarto ko at nilock iyon. Naupo ako at tinignan ang chat ni Reyn. Paano ko ba sasagutin ito.
Bumuntong hininga ako at muling nagtipa, "Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ito." panimula ko, pinagtaasan naman ako ng balahibo. "Gusto kita. Oo kaso natatakot pa akong makipagcommit sa isang relasyon na hindi ko naman alam kung kaya kong panindigan hanggang dulo."
"So ako lang pala itong umaasa na mas lalalim pa ang pagkagusto natin sa isa't-isa?" napanganga ako sa nabasa ko. Hindi ganoon ang ibig kong sabihin, nagkamali siya ng pagkaintindi.
"Wala sayo ang mali. Nasa akin ang problema."
"Huwag mo na akong ichat, nakakawalang gana ka. Nagsayang lang pala ako ng kilig at ngiti sa'yo!" Pwede pala 'yon, ang paghinayang ang kilig at ngiti na naibigay sayo ng taong inasahan mo.
"Sorry."
Hindi ko gustong manakit pero nakasakit na ako. Hindi naman kasi ganoon, eh. Umaabante pa ako sa kung anong dapat sabihin. "Nakakainis ka, Chase!" bulyaw ko sa sarili ko, pinatay ko ang cellphone ko at lumabas ng kwarto.
Si Rio agad ang nabungaran ko na abalang pumapapak ng milo. Lumapit ako sa kanya at sumandal sa likod siya. "Galit siya sa akin."
"Bakit?"
"Sinabi ko na baka 'di ko mapanindigan hanggang dulo. Alam mo naman ako, mabilis manawa. Ayako lang makasakit ng puso kung papairalin ko ang kapusukan ko."
"Siraulo ka." nakakawalang lakas talaga kapag may ganitong agam-agam kang nararamdaman. Buong araw akong aligaga at hindi makausap, maski sina mama ay hindi ko kinausap.
Ikinulong ko lang sarili ko sa kwarto habang nakaharap sa litrato ni Reyn na nasa laptop. "Sorry. Pinakawalan pa kita. Hindi na nga ata pagkagusto itong nararamdaman ko sa'yo kundi pagmamahal na."
"Bakit kase ganito ako. Bakit ako pa ang makaranas ng ganitong bagay, marami namang iba dyan na kayang umunawa sa sitwasyon ko." pinunasan ko ng ilang butil ng luha sa aking mata at humarap sa salamin. "Itong mukhang ito akala mo gwapo pero walang kuwentang tao talaga."
Sinita ko ang sarili ko sa naging asta ng isipin ko. Nakakabaliw palang magmahal. Pakiramdam ko na pasan-pasan ko ang mundo sa bigat ng dibdib ko ngayon. "Chase, gusto mo bang gumala?"
"Ililibre kita." hindi ko siya sinagot, tinatamad pa akong lumabas para magliwaliw. Saka may ibang araw pa naman para maggala.
"Chase. Para kang siraulo d'yan. Basted bastedin mo tapos ikaw itong nagmumokmok r'yan. Parang ginagago mo ata sarili mo."
Totoo ang sinasabe niya. Si Reyn nga ang dapat masaktan dahil sa ako ang sumira sa pantasya niya tapos ako itong akala mo babae na nag-iinarte na wala namang korte.
BINABASA MO ANG
Ikaw nga, Reyn
RomanceReyn D'amelia / Chase Planner Love Story~ Book cover by: Francis Jeremiah