"TUTULUNGAN kita basta mag-iingat ka."
Tinignan ko kung seryoso ba siya sa sinabe niya pero mukhang seryoso nga siyang tulungan ako. Pumayag nalang ako kung anong palusot ang gagawin niya para makatakas ako dito. Gusto kong malaman ang nangyayari sa loob.
Mamamatay ako dito sa pag-aalala. Maselan pa naman ang pagbubuntis ni Reyn, kailangan nitong marescue agad. "Aray!" tinignan ko si Rio ng dumaing ito, sinenyasan niya ako kaya umarte na din ako. "Tang na, ang sakit pare!"
"Boss. Boss, sumasakit tiyan ng kaibigan ko!" binuksan ng pulis ang pinto kaya lumabas ako para alalayan si Rio, "Baka may appendix na siya." paggagatong ko para effective, nung nakalingat na ang dalawang pulis ay tumakbo ja ako paalis na walang ginawang ingay.
"Hoy!"
Tumakbo ako ng makita ako ng dalawang pulis, hinabol tuloy nila ako kaya nagpaliko-liko ako sa kung saan ako pwedeng lumusot. "Hindi naman siguro papatayin ni boss yung babae."
Napahinto ako ng may marinig na nag-uusap, pasimple ko silang sinilip. "Gago, kapag ikaw narinig ni boss patay ka."
"Sinama-sama mo 'ko dito, ganito pa gagawin. Konsensiya ako tol!"
"Huwag ka na nga maingay, halika na." lumabas na ako ng umalis ang dalawang lalaki, ito ang reyalidad kahit na anong ginagawa ng isang tao na mali kabutihan padin ito sa puso nila.
Sumunod ako sa nilakaran ng dalawa, ang pinagtataka ko ay dalawa palang ang taong nakita ko. Hindi siguro afford ni tanda na magbayad ng maraming kakampi. "Banyo muna ako, lalabas na talaga."
Ang efic naman ng usapan ng mga tauhan ni tanda parang mga baguhan lang sa ganitong gawain. Kaunting umpog lang ng mga 'to, sira agad buhay ng mga ito. "Panay ka banyo, ano ba ginagawa mo sa banyo?"
"Malamang nagbabanyo. Bongol ka."
"Dalian mo!"
"Mauna kana sa kwar-" nabigla ako ng biglang may pumutok ng baril kaya itong lalaki ay nauna ng umalis hawak ang baril niya. At sumunod naman ang isa.
Sa kabilang parte ako lumusot dahil ayakong makigulo sa operasyon ng mga pulis. Hinanap ko ang kwartong pinaglalagyan ni Reyn. Sa may bandang gitna na ako ng makita ako ni tanda at pinutukan ng baril kaya napatago ako sa gilid.
"Hindi niyo makukuha sa akin si Reyn, mamamatay muna ako bago mangyari 'yon!" galit ito, at hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit nito sa amin.
"Ano bang gusto mong mangyari!" tanong ko dito, baka sakaling may maintindihan ako sa dahilan niya.
"Gusto kong mawala kayo sa mundong ito!" mulo siyang nagpaputok kaya napatakip ako sa ulo, masakit sa taenga ang putok ng baril. "Kunin niyo ang babae at itakas niyo!"
"Pag-usapan natin ito, tanda. Please, huwag si Reyn. Mapapahamak ang baby sa tiyan niya!" pakiusap ko dito pero tumawa lang ito ng nakakaloko, may sapak na ata itong si tanda sa ulo.
"Wala akong pakealam sa anak niyo! Mamamatay din naman siya." narinig ko ang daing ng isang babae kaya sumilip ako, shit si Reyn! Hawak sa buhok ni tanda. "Papatayin ko siya, hintayin mo lang." ngumisi sa akin ang matanda at hinila na paalis si Reyn. Tumingin sa akin si Reyn at bakas sa mukha nito ang pagod.
Akmang susunod ako ng muling bumaril si tanda, muntik na akong matamaan mabuti nalang mabilis kilos ko. "Bakit nandito ka!"
"Eh boss!"
"Mamaya na tayo mag-usap. Ipapahamak mo asawa mo!" ani ng pulis sa akin, umalis na ito kasama ang mga kasamahan niya. Ako, hindi ko alam bigla akong natuod sa kinatatayuan ko.
"Huy!" nabalik lang ako sa reyalidad ng tapikin ako ni Rio, "Ano na, nasaan si Reyn?"
Shit. Tumakbo ako pasunod sa mga pulis, sa kanan ako lumiko para mag - shortcut. Kasunod ko naman si Rio sa paghahanap.
Nakarinig kami ng ilang putok ng baril kaya iyon ang sinundan ko. Sana walang mangyaring masama kay Reyn. Sisisihin ko sarili ko kung ganoon ang mangyayari. "Bro, dito."
Sa damuhan kami dumaan at nakita namin sila tanda tangay-tangay si Reyn. "Tanda!" tawag ko dito kaya lumingon ito sa amin kaya mas nagmadali pa ito sa pagtakas.
Tumakbo ako para umabot at sa bandang dulo ng damuhan ay naabutan namin sila, tinutukan niya ng baril si Reyn sa ulo. "Lumapit ka mamamatay mag-ina mo."
"Please, ano bang nangyayari sa'yo tita. Parang anak mo na si Reyn."
Tumawa ito, malademonyo. Nakakapangilabot, parang ibang tao talaga siya. "Hindi pa kase kayo namatay, lahat ng naging plano ko palpak. Kating-kati na ako na ako ang pumatay sa inyo!"
"Ikaw ang may pakana ng lahat?"
"Hindi ba halata." ngumisi ito sa amin, masama siyang tao. Hindi niya na inisip ang anak niya. "Hindi dapat ang anak ko ang namatay! Hindi dapat siya kundi itong babaeng ito."
"P-please tita, tama na."
"Manahimik kang babae ka. Ikaw dapat ang namatay, eh! Ikaw dapat 'yon, bakit ang anak ko pa. Bakit anak ko pa ang namatay hindi ikaw!"
"What do you mean?" tanong ko dito, hindi ko alam saang lupalop ko nakuha ang tanong na 'yon pero pagtawa ang nakuha kong sagot dito, nababaliw na nga siya.
"Siya dapat ang narape hindi ang anak ko, siya dapat ang namatay at hindi ang anak ko." napapikit ito. "Lubog ako sa utang, ginipit nila ako kaya wala akong maisip na solusyon para bayaran iyon kaya nung nakita ko si Reyn, pangalan niya ang ibinigay ko sa inutangan ko! Siya ang ginawa kong pambayad, kaso anak ko ang nakuha nila." tinulak niya si Reyn kaya napaluhod ito, nanatiling nakatutok ang baril kay Reyn.
"Ginahasa nila ang anak ko na parang hayop, hindi pa sila nakuntento at pinatay pa nila. Hindi dapat siya 'yon, hindi dapat siya." lalapit ako ng itutok nito sa akin ang baril, "Subukan mong lumapit ikaw uunahin ko."
"Itigil mo na ito tita." nagulat ako sa ginawa ni Reyn, sinigawan ko ito na tumigil pero patuloy pa din itong nakipag-agawan ng baril.
"Lumalaban ka na ngayon sa akin Reyn." nakangisi si tita ng sabihin niya 'yon kaya lumapit na ako sa kanila para pigilan sila pero hinarangan ako ng lalaki.
"Itigil mo na ito, hindi matutuwa si Yen kapag nakita ka niyang ganito. Please, t-tita."
"Huwag mo akong utusan sa kung anong gagawin ko, Reyn! Wala kang alam." nagulat ako ng itulak nito si Reyn sa damuhan at napadaing ito sa sakit.
"Shit. Papatayin kita kapag may nangyaring masama sa asawa ko. Mapapatay kita!"
"A-ang b-baby ko." sinamaan ko ng tingin ko si tanda.
"Unahin na kita. Masyado kang maingay, masakit sa taenga." itinutok nito sa akin ang baril at walang pag-aalinlangan nitong iputok sa akin ang baril.
Nagulat ako, hindi pwede. Hindi ito kailangan mangyari, kailangan kong lumaban. "Shit, Reyn!"
Sigaw ko ng humarang ito sa pagbaril sa akin, siya ang natamaan. Naguluhan ako, sumakit bigla ang ulo ko. Sandali, bakit niya iniharang sarili niya. Tumulo ang luha ko, tumulo siya ng sobra. "Reeeeeeyn!"
Lumapit ako. Nilapitan ko siya. Sapo nito ang tiyan niya, sa tiyan siya natamaan. Ang anak namin, nakakabaliw. "C-chase, ang b-bata."
"B-bakit ka humarang, bakit mo iniharang sarili mo. Ang baby, ikaw bakit mo naisipan 'yon." inihiga ko ito sa binti, hindi ko nakayanan ang dugo. Maraming dugo, hindi ako ano sa dugo. "Bakit kase humarang ka!"
"M-mahal na mahal kita, alam mo naman 'yon diba. Aalagaan mo sarili mo, Chase. Huwag mong papabayaan ang sarili mo."
"Huwag kang magsalita ng ganiyan, huwag mong sasabihin 'yan. Lalaban ka, parehas tayong lalaban." tulo nang tulo ang luha ko, masakit. Sobrang sakit nito sa akin, hindi ko kayang mawala sa akin ang nag-iisang babaeng inalalayan ko ng buhay. "Lalaban ka."
"Hindi ko na kaya, Chase. I love you!"
"No. No. Please. Reyn, wake up!"
Mas lalo akong naiyak, umiyak ako nang umiyak. Hindi ko kayang nawala siya sa akin. Tinignan ko si tita, nakatulala ito sa amin. "Bakit, bakit mo ito ginagawa sa amin. Ano, masaya kana. Masaya ka na ba!"
"Oo."
BINABASA MO ANG
Ikaw nga, Reyn
RomanceReyn D'amelia / Chase Planner Love Story~ Book cover by: Francis Jeremiah