Chapter 6

25 17 0
                                    

KANINA pa masama ang tingin sa kanya ni Rio, hindi naman niya masise ito dahil iniwanan niya ba naman ito kahapon at ang mas malala tumakas siya dito. "Hindi ka naman ganyan dati pero ito ka ngayon naglilihim kana sa akin at hindi mo na ako sinasama sa pinupuntahan mo!"

"Kanina pa ako nagsosory, Rio. Akala ko naman maiintindihan mo ako."  isang kamalian pala ang nangyari dahil ito ang kaibigan niya ngayon naglalabas ng hinanaing.

"Ipagpapalit mo na nga lang ako sa babaeng pang 'yon!" nagpanting ang taenga ko sa sinabe niya kaya lumapit ako dito at mata sa mata ko siyang tinignan.

"Ang babaw naman ng dahilan mo para hamakin nalang ng ganoon si Reyn. Inaano ka ba niya saka ano bang hinihimutok mo dyan, porke 'di ka lang sinama kahapon gumaganyan ka na! Ang babaw mo dude." umiwas ako ng tingin sa kanya, kanina naiintindihan ko pa ang pagtatampo niya pero ngayon ewan nalang. "Umalis ka na muna dito, Rio!"

"Aalis talaga ako. At huwag mo akong asahan na makikipag-ayos ako sa'yo!" humarap ako sa pinaglabasan niya, mabigat ang loob ko ngayon dahil nagkakaganito sila ngayon ni Rio. Pero kasalanan niya naman ito dahil masyado siyang nagpadala sa emosyon niya.

Minsan na nga lang ako makaalis na mag-isa tapos magtatampo pa siya. Ang mali ko lang naman ay hindi ako nagpaalam at nakampante ako. "Chase, ano itong naririnig ko na nag-aaway kayo ni Rio. Aba naman, sa tagal niyong magkaibigan ngayon ko lang kayo nakitang magkasagutan."

"Ano bang nangyari?" dugtong pa ni mama, naupo ako at nahilamos ko ang mukha ko. "Chase?"

"Hindi naman malala mama magiging okay din kami agad nito." Ewan niya nalang lalo na't nagsalita si Rio na hindi siya nito susuyuin. Nakakasakit ng ulo ang kaibigan niya.

"Pag-usapan niyo 'yan." iniwan na ako ni mama dito sa kusina. Masyadong minasama ni Rio ang 'di ko pagpapaalam. Naging isip bata nanaman ang siraulo na'yon.

Kinuha ko ang cellphone ko para tignan kung may message si Reyn. Alam niya sa sarili na mawawala ang inis niya kapag nakausap ito.

Pero walang ni isang message ito sa kanya siguro ay abala pa ito sa school.

Hindi kase ako pumasok dahil medyo masama ang pakiramdam ko dahil naabutan ako ng ulan kagabi.

Pinatay niya ang cellphone at tumulala nalang sa harap ng bintana. Mabuti pa mga bata sa kanila walang iniintinding problema. Paglalaro pa ang nasa isip nila samantalang kami kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip.

Marami ng gustong gawain o subukan. Nakakamiss maging bata mga panahon na sugat lang iniiyakan at laruan lang pinaglalaruan.

Noon na okay pa ang samahan nila ni Rio pero ngayon nagkaroon na ng problema. Ito pa naman ang ayaw ko kay Rio, mataas ang pride nito. Gustong siya ang aamuhin kahit na ito naman ang may kasalanan. Pero ngayon, hindi niya alam kung hahayaan niya ba muna ang kaibigan.

Siguro intayin niya nalang na lumamig ang ulo nito. Pero mahirap gumalaw kapag alam mong may isang tao sa loob ng classroom ang galit sa'yo.

Bakit nga ba parehas kami ng strand ni Rio?

Gusto talagang kunin ni Rio ang strand ng ABM dahil business minded ang pamilya nila at gusto niyang magpatayo ng sarili niyang kompanya, bukod pa doon ay gusto ng nanay niya na magpagawa ng restaurant kaya ABM talaga ng first choice nito. May karinderya kase si Tita Neneth samantalang si Tito Mario ay nagtitinda ng mga house equipment, utensils etc.

At ako naghikayat sa kanya na mag FBS, pumayag siya sa akin. Dahil may kunektado naman ito sa business. Alam niyo bang mahilig magluto-luto si Rio kapag wala kaming pasok. Dinadalhan niya ako ng mga eksperemento niyang putahe.

Ikaw nga, ReynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon