Chapter 8

25 18 0
                                    

ITINUON ko ang sarili ko sa pag-aaral at trabaho para makaiwasan ang sakit ng kahapon. Mas pinili ko na schedule sa trabaho ay half day, pumayag naman ang manager kahit na may pag-aalinlangan.

Saka may limitasyon din naman kaya kailangan ko talagang ontime pumasok. Sa ilang araw na nagdaan ganoon ang sistema ko, pero nahihirapan ako kapag umuuwe ako sa bahay at kapag nakakakita ako ng mga magjowa.

"Chase, pasuyo ako sa stock room ng mushroom at turmeric powder." hindi ako nakapasa sa JCO kaya sa malapit na cafe restaurant ako sumubok then natanggap ako. Okay naman ang sahod nila bilang panimula, saka mababait ang mga katrabaho ko. "Pati na din pala mayonnaise, salamat."

Sa tabi ng kitchen ang stock room kaya tumungo na ako doon at kumuha ng mga ipinapakuha sa akin. All around talaga kaming lahat dito, except sa cook namin na hindi pwedeng maghugas.

Pizza maker ang trabaho ko dito, madali lang siya dahil may guidelines naman na nakapaskil sa tapat ng gawaan. Minsan ay hindi ko na ginagamit para matuto ako. "Ate ito na po."

"Pakilagay nalang dyan, Chase. Salamat ulit." inilapag ko ang mga kinuha ko at naghanap ng ilang gagawin, ilang oras nalang din kase ay mag-uuwian na kami. Ala una ng madaling araw ang gawas namin sa trabaho kaya iilang oras lang ang nagiging tulog ko.

Lalo na't palapit na ang exam at performance sa oral. Gusto kong magreklamo pero ito ang ginusto ko, ayako namang tumunganga ako sa wala.

"Isang order ng meat lovers, chase. 18inches." pagkarinig no'n ay agad kong ginawa, pinatutong ko muna ang ilalim ng dough at habang ginagawa ko 'yon ay inilabas ko na ang mga kakailanganin ko.

Ilang minuto lamang ay inilabas ko na ang dough at sinimulan ng lagyan ng pang-ibabaw. Ang huli kong nilagay ay cheese bago ko ilagay sa loob ng oven.

"Gusto niyong kumain sa tapsilugan mamaya?" Kahit na may pag-aalinlangan ako ngayon ay umuoo na din ako, bonding na kase naming kitchen staff ang kumain kapag uwian. Sa ilang araw ko dito natutunan ko ang makibagay dahil isa kaming pamilya dito.

Pinindot ko na ang bell para kunin na ng crew ang pizza na inorder sa labas. "Ang bango talaga nitong meat lovers." ngumiti nalang ako sa papuri ni kuya Sherwin. Habulin ng babae si kuya  kahit na may jowa na ito.

Mabilis tumakbo ang oras kaya nagsimula na kaming maglinis para makauwe na. Lahat ng kailangan patayin ay pinatay namin, isinara na din ang kitchen kaya inantay na namin ang dining lumabas. "Mga pogi, magtapsilog kami ngayon. Gusto niyong sumama?"

"Panay ka kain, nini." natatawang puna ni manager kay ate nini. "Kaya ang taba mo, eh!"

"Bastos talaga bunganga mo, manager!" hindi na naman sila pinilit ni ate nini kaya lumabas na kami at naglakad sa tapsilugan.

Apat lang kami ngayon; ate nini, ate jan, Prince at ako. Dayoff nung dalawa kaya credits nalang sa kanina ang araw na ito. Mabilis lamang kaming natapos dahil kailangan pa naming magpahinga, iisang jeep lang ang sinakyan namin dahil iisang way lang naman. Mas mauuna nga lang ako dahil mas malapit sa amin.

"Ingat kayo, ate!" bumaba na ako at naglakad patawid. Sumakay ako ng cab para papasok naman sa amin.

Hindi muna ako umuwe sa bahay dahil naupo muna ako sa labas, nagmuni-muni ako para din bumaba ang kinain ko. Binuksan ko ang cellphone ko at nagscroll sa facebook, gusto ko man na bisitahin ang wall niya pinigilan ko nalang ang sarili ko.

Walang dahilan para itanggi ko na hindi pa ako nakamove-one, ganoon talaga siguro kapag sobra mong minahal ang tao. She still my girl, kahit na sinaktan niya ako. May puwang pa rin siya sa puso ko.

Mahal ko kase, eh. Mahal na mahal.

Tumayo na ako para pumasok sa loob ng marinig ko ang pamilyar na boses ni Rio, gising pa pala ang loko. Gusto niyang lingunin ito kaso hindi pa naman sila okay, napangiti ako ng mapait.

Ikaw nga, ReynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon