Chapter 13

24 14 0
                                    

"CHASE, magbakasyon naman tayong dalawa. May nakita ako online na magandang pasyalan. Gusto mo Makita?"

"Hindi ako pwede. Kailangan pa ako sa restaurant." umalis ito sa tabi niya at lumabas ng kwarto dala ang laptop niya. Dito kase siya tumuloy ulit ngayon sa bahay dahil gusto niya raw makasama ako. Pero sa inaasta niya parang wala siya dito, hindi ko nga siya maramdaman.

Hinayaan ko nalang ito. Siguro stress lang sa trabaho lalo na't pinuntahan niya kanina ang limang branches ng restaurant nila para abisuhan sila ng tungkol sa valentine.

Napasinghap na laang ako, "Miss ko na ang dating ikaw, Chase." humiga na ako at nagisip-isip. Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin kaya hindi ako gumalaw at nagtulog-tulogan nalang.

Namimiss ko ang ginagawa niya ngayon, hinahaplos-haplos niya ang aking pisnge. "Sorry, loves." gusto kong imulat ang mata ko para makapag-usap kaming dalawa, kung ano ba ang problema sa aming dalawa. Kaso, natatakot ako na baka ganoon padin ang dahilan niya. "Mahal na mahal kita. Sorry kung pinipilit kita sa isang bagay na hindi ka pa handa."

Naiintindihan ko. At gusto ko din humingi ng sorry dahil hindi ko pa kaya. Gusto ko munang makasal tayong dalawa. Gusto kong isatinig 'yon para malaman niya.

Sorry, Chase.

Sa ngayon kailangan ko munang makuntento sa kanya at mas iparamdan sa kanya na mahal ko siya. Sapat naman na iyon siguro para 'di niya muna maisip ang magkaanak.

Kumislot siya upang tumalikod kase hindi niya makayanan ang mga titig ni Chase, nahihiya siya dito. Sa loob ng apat na taon nilang magkasama ay marami na silang nalaman sa isa't-isa.

Talagang marami silang pagkakatulad na dalawa at may iilang bagay naman silang hindi nakakapag-unawaan. Matampuhin lang talaga itong lalaking minahal niya at wala namang kaso ang bagay na iyon.

Naramdaman ko ang pagyapos niya at ang pagsiksik ng ulo nito sa aking batok. Tumaas ang balahibo ko dahil sa paghinga niya. Hinayaan niya nalang ito at pumikit na, maaga pa sila bukas para sa thanks giving sa bahay nila Chase.

---
Maaga akong nagising para mag-asikaso, dahil kikitain ko ngayon ang artistang bumili ng design na ginawa ko, gagamitin niya ito sa event nila. 

Si Yen ang isinama ko samantalang si Chase ang maghahatid sa amin, dadaan kase siya sa cake shop ngayon para mamaya. Request ng kaibigan niyang mahilig sa chocolate cakes, bakit kaya hindi nauumay ang lalaking 'yon.

"Salamat sa paghatid, loves." humalik ako sa labi nito at bumaba na.

"Tawagan mo ako para masundo ko kayo." tumango ako bago ko isinara ang pinto, ganoon din si Yen na nakangisi na parang bruha. Isyu nanaman ito para sa kanya.

Kanina pa nakaalis si Chase pero itong kaibigan niya panay pa din ang tanong. "Manahimik ka na nga lang d'yan bes."

"Kill joy mo kamo. Palibhasa 'di ka nadidiligan." pinalo ko siya sa hita niya para suwayin, kapag may nakarinig sa kanila mas nakakahiya 'yon. Andito na kase sila sa loob at inaantay nalang dumating yung artista. "Hindi kayo nagsese x dalawa?"

"Kapag may nakarinig sa'yo, iiwanan talaga kita."  Siya ang nahihiya sa mga lumalabas sa bibig ng kaibigan niya. Lumabi naman ito kaya umiwas nalang ako ng tingin.

"Ang tagal naman nung client mo." bulong sa akin ni Yen. Sumang-ayon ako kase trenta minutos na itong wala. Hindi man lang tumawag para sabihan ako. "Hindi mahalaga sa artistang 'yon ang oras. Dapat on time siya, naturingang artista."

Lumalabas na naman ang pagiging maldita ng isang ito. Ito pa naman ang ayaw niya dahil harap-harapan nitong sinasabe ang saloobin niya sa kinaiinisan. "Siguro natraffic lang."

Ikaw nga, ReynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon