Chapter 5

26 17 0
                                    

PAGKATAPOS ng klase namin ay agad akong nagtungo sa banyo para makapagpalit ng maayos na damit na para komportable.

Sa tanang buhay niya ngayon lang niya hindi isasama si Rio at alam ko namang naiintindihan niya ako. Lumabas na ako ng school at nag-abang ng masasakyan sa waiting area, pinara ko ang natanaw kong plaka na patungo sa pupuntahan ko. "Kuya, SM."

Kinuha ko ang cellphone at tsinek kung may chat o message ba si Reyn at mayroon nga. Pagawas naraw sila at kailangan kong mauna sa meeting place namin, hindi niya kase ako pinayagan na pumunta sa oras ng pag-aaral niya at baka 'di niya ako maharap.

Pumayag naman ako na magkita nalang kami kaysa nga naman na gulatin ko siya tapos mauuwi lang sa wala.

"Papunta na ako sa SM." napangiti ako sa naging sagot nito, oo mag-iingat ako dahil ihaharap pa kita sa harap ng altar. Para tuloy akong sinisilihan sa katawan dahil 'di ako mapakali. Bukod sa ito ang unang byahe ko na mag-isa ay panay ang tingin ko sa cellphone ko.

Sobrang excited lang siguro ako kaya ako nagkakaganito. Gustong-gusto ko na siyang makita, ilang araw ba naman kaming 'di nagkita dahil parehas kaming busy. Sumabay pa ang last day ng OJT namin.

Nagpasa pa kami ng resumé sa JCO na malapit sa bahay ng isa naming kaklase, kumbaga nirecommend lang sa amin ng jowa niya.

Kailangan na din naming magkaroon ng work lalo na't nagkasabay-sabay ang mga bayarin sa school.

Kakayanin namin ni Rio na maging working student, sa palagay ko mahirap pero kailangan talagang kayanin namin. Para may maibigay ako sa aking iniirog, shit ang korni nung mais na niluto sa cafeteria.

Tumunog ang cellphone ko kaya ngali-ngali ko itong kinuha. Si Reyn ang tumatawag, "Hello, malapit na ako."

"Kakalabas lang namin. Ingat ka."

"Ikaw din po, I love you."

"Sus. I love you din planner ko." planner. "Biro lang, Chase!" hindi ko kase siya pinayagan na tawagin ako sa ganoon dahil masyadong pormal saka napakaunique ng surname ni papa.

Speaking of my dad, wala na siya. I mean sumakabilang bahay na. Okay naman para sa amin kase iwas gulo, magkasama nga sila ni mama hindi naman sila masaya tapos panay pa lagi silang nag-aaway.

Kasama ni papa ang isa kong kapatid pero bihira lamang bumisita sa bahay. Siguro busy sa pag-aaral, namimiss ko sila pero wala akong magagawa. "Anong gusto mong kainin?"

"Pwede bang ikaw." narinig ko ang mahina niyang pagtawa, napakamatured naman ng magiging asawa niya soon. "Charot."

"Huwag mo na ulitin 'yon. Lalaki ako at marupok minsan baka kumagat ako sa sinasabe mong 'yan. Saan ba gusto mong unahin?" maski ako ay natawa sa sarili kong kalokohan, parehas pa kaming nagsisihin sa huli.

"Pilyo ka kamo." pasaway talaga. "Mag-ingat ka sa pagtawid, Chase. Magi- I do pa ako sayo."

"I do, myloves." maganda pakinggan ang mga myloves kaysa sa pangalan lang, mas may sweet impact kapag may callsign kahit na 'di naman makakain. "Ikaw din po mag-ingat."

Natapos ang usapan namin sa pagpalitan ng 'I love you'.  Nailang naman tuloy ako dahil napansin kong pasimple akong tinitignan nung highschool student na sa tingin ko ay Grade 10 palang. 

May isang pasahero pa na nagvi-video sa sarili at alam ko na 'yon. Ang usong-uso ngayon na pampawala ng kalungkutan ito ay TIKTOK application na pwede mong gawain lahat.

"Para po." bumaba na ako sa baba ng over pass dahil 'di naman talaga ako tatawid kase takot akong masagasaan. Bata pa ako nung maranasan kong mabunggo ng motor, mabuti nalang talaga di halata kaya naglakad nalang ako ng hindi ako mahahalata.

Ikaw nga, ReynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon