"SI CHASE yung lalaking nasa coffee shop diba, akala ko nasa restaurant siya ngayon?" maagang umalis si Chase sa bahay dahil may kikitain daw itong client na magi-invest sa restaurant.
"Client niya 'yan. Don't worry, hindi siya gagawa ng ikakasakit ng ulo ko. Saka engaged na kami, diba?" ipinakita ko sa kanya ang kamay ko na may singsing kase baka nakalimutan niya na engaged na ako.
"Pero masyadong close 'yong dalawa." tinignan ko ang sinasabe niya, wala naman akong nakikitang mali. Saka kliyente lang naman nila ang taong 'yon. "Masyadong sweet."
"Tumigil ka nga, masyado kang issue. Halika na, umalis na tayo." nandito kase sila ngayon sa mall para bumili ng groceries. Paubos na kase ang stock nila.
"Hindi naman sa gumagawa ako ng issue pero tignan mo yung babae, kung makahimas sa braso ni Chase ay akala mo linta." pinagmasdan ko ng mabuti ang dalawa, kung titignan mo naman sila parang nag-uusap tungkol sa business. Saka, hindi ko kailangan mangamba. May tiwala ako sa kanya at kailangan kong panindigan 'yon. "Wala ka bang gagawin kundi ang tignan lang sila?"
"Tara na." nauna na akong maglakad sa kanya, ayaw kong marinig pa ang sasabihin niyang kasiraan sa mapapangasawa ko.
"Sandali nga," tumigil ako ng hawakan nito ang kamay ko. "Magiging tanga ka ba sa nakita mo ngayon. Umayos ka, hindi porke sinabe sayong client lang 'yon ay kliyente nga talaga."
"Teka nga, ano bang problema mo. Naranasan mo na ba ang magmahal para sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawain?" kinalag ko ang kamay niya, umiwas ito ng tingin sa akin. Gusto kong bawiin ang sinabe ko dahil alam kong nasaktan ko siya pero mali naman talaga siya, hindi porke may kasamang babae ay nagloloko na.
"Sabagay, ang papel ko lang naman sa buhay mo ay maging supportive friend. Okay," humarap ito sa akin, lumuluha ang kanyang mga mata. "Oo nga naman, hindi ko pa nga talaga naranasan na magmahal kaya bakit ako nangingialam sa'yo."
"I'm just friend." pagkasabi niya noon ay umalis siya, gustong habulin ng isip ko si Yen pero ayaw kumilos ng katawan ko. Kumirot ng sobra ang dibdib ko hindi ko alam kung bakit humantong pa kami sa ganito ni Yen.
Pinatatag niya ang sarili bago sundan ang kaibigan, hinanap niya ito pero hindi na niya nakita. Pumunta nalang siya sa parking lot para kunin ang sasakyan niya, inilagay niya muna sa confartment ang mga groceries bago sumakay at paandarin ang kotse. Kailangan niyang kausapin ang kaibigan.
Pagkadating niya sa bahay ay wala pa ang kaibigan, hinayaan niya nalang muna para makapag-isip. Upang malibang iniluto niya ang paboritong pagkain ng kaibigan.
Inihanda niya ito sa lamesa at naupo muna sa sofa, binuksan niya ang TV para manuod. Hindi siya sanay na wala sa paningin ang kaibigan, kahit na maingay ang TV ay iniisip niya pa din ang kaibigan.
Kinuha niya ang kanyang cellphone upang tawagan na ito pero ni isa sa tawag niya ay hindi sinagot ng kaibigan. "Sagutin mo naman, Yen. Please, nag-aalala ako sayo."
Ilang oras ang lumipas pero wala pa din si Yen, kanina pa siya paikot-ikot sa sala. Ni hindi ito umuwe sa bahay ng mama nito, "Saan ka ba pumunta, Yen."
"Oh, bakit gising ka pa." nilingon ko si Chase na nag-aalis na ng coat. Lumapit ito sa akin para bigyan ako ng halik. "May iniisip ka ba?"
"Don't mind me, kumain ka na ba. Ipagluluto kita, sandali." pinigilan ako nito, "Baket?"
"I'm full. Dinner meeting ang nangyari kanina, kasama ko ang supervisor namin at ang client." natigilan ako, supervisor. Wala siyang namention sa akin na may kasama silang iba. "I'm gonna go bed na, loves. I'm tired."
"Mauna ka na at susunod na ako." napaisip ako bigla, ayako sanang mag-isip ng ano pero natatakot ako sa maaaring malaman ko. Niloloko ba ako nito, pero bakit kailangan nitong magsinungaling.
Umupo ako sa lamesa at nakagat ang sariling kuko, mukhang nagkamali ako ng sinabe kay Yen. Sinaktan ko agad siya, kasalanan ko ito. Hindi ko siya inintindi kanina, masyado akong nagpadalos-dalos kanina. "Where are you, Julienne."
-------
"CHASE, hindi pa umuuwe ang kaibigan ko. Nag-aalala na ako, baka mapano na siya." ito agad ang sinabi ko ng gisingin ko si Chase, kinakabahan talaga ako, hindi ito ang unang away naming dalawa pero kahit ganoon hindi pa humantong sa ganitong late siyang umuwe.Kase pinag-uusapan agad namin ang nagiging away namin, hindi namin pinapalipas at hindi no'n ugali na magliwaliw kasama ang mga fling niya. "Hanapin natin siya, Chase!"
"Baka naman umuwe kina tita, hayaan mo muna siya." umalis ako sa harap niya, "Matulog ka na dito."
"Hihingi ba ako ng tulong sa'yo kung alam kong safe ang kaibigan ko, mag-isip ka naman please." natataranta na ako baka may masamang nangyari sa kaibigan niya. "Kung ayaw mong maghanap 'di wag!" lumabas ako ng kwarto, papatulong lang naman akong maghanap ayaw pang sumama. Hahayaan niya talaga akong maghanap mag-isa, nakakainis ka Chase. Ikaw ang dahilan kung bakit kami nag-away na dalawa.
Narinig ko pa ang pagtawag nito sa akin pero hindi ko na siya nilingon. Kung ayaw niyang maghanap ako ang maghahanap mag-isa.
Napaupo ako ng ni isang lugar wala akong ideya na maaari niyang puntahan. "Bes, please. Umuwe ka na."
"Mabuti nalang naabutan kita." nilingon ko si Chase na hinihingan, hindi ko siya inimik. Bahala siya sa buhay niya, susunod din naman pala nag-iinarte pa. "Saan ba siya madalas pumunta?"
"Hindi kase umaalis ng mag-isa 'yon lalo na kapag nag-aaway kami. Uuwe agad yon para makipag-ayos."
"Maraming unexpected happenings sa mundo, loves. Baka nagpapalipas oras lang y-"
"Alam mo umuwe ka nalang para maintindihan mo ang sinasabe ko. Sige na, kaya kong mag-isa na maghanap."
"Bakit ba ang sungit mo?" sinamaan ko siya tingin, sa dami-daming pwedeng tanungin ganoon pa talaga. Nakakaasar kausap itong lalaking ito, nakakaubos ng lakas.
"Mind your own business."
"I'm your husband, soon." hindi na siya sumagot dahil nawalan siya ng amor para kausapin ang lalaki sa tabi niya. Ang mahalaga ngayon ay makauwe na ang kaibigan ko para maibsan itong pag-aalala ko. Gustong-gusto ko na siyang mayakap agad para humingi ng tawad. "Ipabukas mo nalang ang paghahanap."
"Sasapakin talaga kita kapag hindi ka nanahimik d'yan. Sige, ano iimik ka pa ba?" tumaas ang mga kamay nito na tanda ng pagkasuko, nakakainis talaga siya ngayon. Ewan, masyadong magulo ang isip ko.
"I love you, loves."
BINABASA MO ANG
Ikaw nga, Reyn
RomanceReyn D'amelia / Chase Planner Love Story~ Book cover by: Francis Jeremiah