Chapter 2

48 21 0
                                    

"SELOS NAMAN AKO SA INYO!"

Ginagago ata ako nitong kaibigan ko. May nalalaman pang selos-selos, eh. Wala naman sila ni Reyn. Saka kakakilala pa naman namin nung tao, "Itsura mo, Rio!"

"Para kang siraulo!" dugtong ko pa, napayuko nalang siya sa sinabe ko. "Ano bang kinaseselos mo d'yan?"

"Huwag mo ng alamin." bakas sa boses nito ang kalungkutan, hindi bagay sa kanya parang ewan na natatae. "Dyan ka na sa Reyn mo!" nagulat ako sa padabog nitong pag-alis at sinipa pa nito ang lata na nadaanan niya.

"Rio?" sinundan ko siya at inakbayan. Ayako namang sumama ang loob nitong kaibigan ko dahil sa hindi ko malamang dahilan kaya pinisil ko ang pisnge nito. "Okay ka lang?"

Umiwas siya ng tingin sa akin at pilit na inaalis ang pagkaakbay ko sa kanya pero ibinabalik ko din naman agad. "Hindi na ako admin ng group, bumaba na ako." nagulat ako sa sinabe niya pero hindi ko na inusisa pa 'yon dahil masyadong madamdamin itong kaibigan ko.

"Tara sa transport libre kita." pagyaya ko dito baka sakaling mabawasan ang hinuhimutok ng kalamnan niya. "Ano gusto mo?"

"Kahit ano." natawa ako dahil may nabibili bang kahit ano, depende nalang siguro kung assorted ang bibilhin kaso hindi, eh. Nakakadala ang lungkot nitong kaibigan ko.

"Pumili ka ng gusto mo at ako ang magbabayad." iniwan ko muna siya dahil may gusto akong bilhin para mawala ang inaarte ng mokong. "Ate, isa nga nitong chocolate cake." Isa ito sa paborito ni Rio, napapagaan ng matamis ang mood niya. Para kaseng babae ang kaibigan niya kapag naghihimutok, daig pa ang babae.

Bitbit ko ang cake na nabili ko pabalik sa pinag-iwanan ko kay Rio. At nadatnan ko siyang tahimik na nagtitipa sa cellphone niya. Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya. "Binili kita ng cake na gusto mo."

Pinatay niya agad ang cellphone at nakangiting tumingin sa akin. "Seryoso, gago ka. Saan ka kumuha ng pera?" inabot ko sa kanya ang box ng cake at kapansin-pansin ang pagbabago ng mood niya. Para talagang babae kung umasta.

"May ipon ako. Alam mo na, kapag gwapo ka kailangan mong mag-ipon." ito nanaman akong nangangarap na talagang guwapo ako. Susulit-sulitin ko na habang 'di din ako tinotopak.

"Talaga lang, ah. Salamat dito. Alam na alam mo talaga ang nagpapawala ng kalungkutan ko." ngumiti nalang ako sa kanya, syempre as a good friend kailangan kong maging mapagmahal at maging maalaga. Sounds gay pero ganoon talaga ako bilang kaibigan. Saka parang kapatid ko na ang lalaking ito. Sabay pa nga kaming tinuli nung grade 6.

"Kamusta kayo ni Reyn?" napatingin ako sa dako ng mga estudyante na masayang kumakain ng street foods.

"Okay naman. Getting to know each other kami." totoo kong sagot, kahit naman na crush at first chat ako sa kanya ay alam ko ang limitasyon ko bilang tao. Saka hindi na uso ngayon ang binibigla dapat dinadahan-dahan na.

"Gusto mo mameet siya?" gusto ko pero wala pa akong lakas ng loob para humarap sa kanya. Hindi pa ako handang makipagcommit ulit, takot pa akong masaktan.

"Hindi na muna." Pinagsigla ko ang sarili ko dahil ayakong ako naman lumungkot ang gabi ko. Niyaya ko na siyang umuwe para makagawa na kami ng assignment sa entrepreneur at economics. May research paper pa kaming ginagawa, by twos 'yon.

Sa bahay namin kami gumawa, nagpaalam na din naman siya sa mama niya kaya okay lang na magtagal siya dito sa bahay. Pinaghanda pa kami ni mama ng tinapay at maiinom. "Nakakatuwa talaga kayong dalawa, ibang-iba kayo sa kabataan ngayon."

Parehas kaming natawa ni Rio, ganito talaga si mama kapag nakikita niya kaming ganito. Akala mo talaga napakaperpekto naming mga anak dahil walang kapintasan ang makikita nila sa samahan namin. "Osha maiwan ko na kayo."

Ikaw nga, ReynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon