Chapter 10

24 17 1
                                    

"Hindi ka talaga niya iniwan, Chase. Lagi siyang nakamasid sa'yo." natigilan ako sa sinabe ni Rio ngayon, gusto kong paniwalaan pero ang hirap. Hindi ko kayang paniwalaan. Masyado akong nasaktan noong nakipaghiwalay siya tapos ito ang malalaman ko. "Mahal na mahal ka niya, Chase."

"Kung mahal niya ako bakit kailangan niyang makipaghiwalay sa akin! Anong dahilan niya para gawain sa akin 'yon. Rio, sobrang sakit na halos magmukha na akong katawa-tawa sa harapan ng iba maipakita lang na okay ako!"

"Gusto kong sabihin sa'yo ang dahilan pero ayako siyang pangunahan. Chase, makinig ka sa kanya." nakatanga ako sa labas, naubusan ako ng sasabihin. Naghihilom na ang sugat pero nanumbalik agad ang sakit sa isang sandali lang.

"Pinuntahan ka niya dito noong nakaraan, hindi mo siya napansin. Lutang ka ng gabing iyon." napatingin ako sa kanya dahil sa sinabe niya, nandito siya noon. Bumalik ang ala-ala noong umuwe ako galing sa trabaho na may nabunggo akong babae dahil sa nakatungo akong maglakad, siya ang babaeng 'yon. Kaya pala pamilyar ang boses nito, bakit hindi ko siya nilingon.

"Siya din ang kausap ko noon na dumaan kami sa inyo, nasa pinto ka noon." mas lalo akong nanlumo sa narinig, hindi ko man lang nagawang makausap siya. Nasayang ang gabi na dumaan na sana'y opurtunidad niya na para makausap at magkaliwanagan sila. "Alam mo bang lagi siyang umiiyak dahil sa naging desisyon niya. Sobrang sakit para sa kanya na pakawalan ka kahit na mahal na mahal ka niya."

"Nasaan siya ngayon?" ito ang lumabas sa bibig ko dahil gusto kong malaman kung nasaan ito, gustong-gusto niya itong mayakap ngayon. Miss na miss niya na ang babaeng ito. Na hindi niya pala kayang kalimutan dahil mahal niya pa ito.

"Anong tanong ba 'yan, Chase. Malamang nasa kanina at natutulog na. Hello, alas dos na ng madaling araw." itong mokong na kaibigan niya masasapak niya na talaga, napakasarap kausap.

"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, Rio. Masasapak talaga kita. Ano nasaan siya!?" Tumaas ang kamay nito bilang pagsuko, pinapatagal pa nito ang oras. "Ano na!"

"Kalma. Nasa bahay niyo siya, puntahan mo na at baka nakatulog na iyon sa kwarto mo!" wala na akong pinalampas na oras kaya nanakbo akong pauwe sa bahay. "Ang condom huwag kalimutan!"

Hindi niya pinansin ang sinabi ng kaibigan, sa ngayon ang babaeng minamahal niya ang mahalagang importante ngayon. Damn, masyado akong nangulila sa kanya at hindi ko sasayangin ang oras na ito.

Pagkabukas ko sa bahay ay tahimik na. Sa kwarto agad ako pumasok at doon ko siya nadatnan. Mahimbing na itong natutulog kaya marahan siyang lumapit dito at naupo sa tabi nito.

Kinuha niya ang kamay nito at idinikit sa pisnge niya, gustong-gusto niyang gisingin ang dalaga para makausap ito pero hinayaan niya muna. May oras pa naman mamaya para mag-usap sila, ang mahalaga ngayon ay malaman niyang mahal pa din siya nito at ngayon ay nasa harapan niya.

"Miss na miss kita, Reyn." tumulo ang luha ko, napakaiyakin ko talaga. Simula ng dumating sa akin si Reyn malaki ang nagbago sa akin. Binago ako ng pagmamahal ko para sa kanya. "Hindi na kita papakawalan." tinuyo ko ang luha ko at hinalikan sa noo ang babaeng mahimbing na natutulog.

Ito ang pinakamasayang regalo na natanggap ko ngayong birthday ko. Pinagpapasalamat ko ito nang sobra-sobra. Tinabihan ko siya at dahan-dahang nilagay ang ulo nito sa siko ko.

Gumalaw ito kaya nakaharap na ito sa dibdib ko, natawa naman ako kaya niyakap ko nalang siya. "Masaya ako dahil ibinigay niyo siya sa akin. Pangako po, hinding-hindi ko siya sasaktan."

MALIWANAG na ng magising ako, tumingin ako sa gawi ni Reyn pero wala na siya, napabalikwas ako at nagmadaling lumabas. Iniwan nanaman ba niya ako, bakit hindi nanaman siya nagpaalam.

Ikaw nga, ReynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon