Chapter 23

18 13 0
                                    

"GUMISING KA NA LOVES."

Ginalaw-galaw ko ito para magising, nakaluto na kasi ako ng pagkain naming dalawa. Ngayon ang huling araw ni Yen, hindi naman kami nakakapunta nung mga nakaraang araw dahil sa pinagpahinga muna ako ni tita.

Mamaya pa namang ala una sila aalis kaya nagluto muna siya ng makakain, "Uy, loves." kumislot naman ito kaya pinagpatuloy ko pa ang paggalawa dito. "Uhm."

"Gumising ka na."

"Five minutes." hinayaan ko nalang itong matulog pa at imbes na kulitin ito ay lumabas nalang siya ng kuwarto at pumunta nalang sa maliit niyang hardin sa likod bahay. Bihira kong bisitahin ang lugar na ito, abala kase ako sa mga bagay-bagay, lumapit ako sa isang bulaklak na talagang inalagaan ko noon.

Sa ilang araw na nagdaan, patuyot na ang mga dahon ng bulaklak ng sampaguita. Hindi ko nabantayan ng maayos ang mga ito. Kinuha ko sa gardening tools ang gunting upang tanggalin ang mga nalantang dahol, iniayos ko din ito pagkatapos ay diniligan.

Ang gandang pagmasdan nitong mga bulaklak, bukod sa maaliwalas itong tignan ay gumagaan pa ang pakiramdam ko. Binibigyan nila ako ng karagdagang lakas, at talaga namang makatulong.

Dahil sa pagod ay umupo muna ako sa upuan na nakapwesto sa ilalim ng puno. Pinagmasdan ko lang ang mga ito, sa susunod siguro ay ipapaayos ko ang lugar na ito. "Kanina pa ako naghahanap nandito ka lang pala." tumayo ako para salubungin si Chase na halatang kakagising lang, nakakunot ang noo nito kaya hinalikan ko ito sa pisnge.

"Sorry, hindi ka kase agad nagising kanina kaya napunta ako dito. Inayos ko itong garden." tinuro ko ang mga inayos ko kanina at nagulat naman ako ng yapusin ako nito patalikod.

"Sa susunod huwag kang aalis ng hindi nagpapaalam sa akin." dumampi ang labi nito sa aking buhok kaya napangiti ako.

"Magiging asawa mo na ako, iiwan pa ba kita." humarap niya ako sa kanya at pinagdikit ang aming mga ilong, nakiliti naman ako sa ginawa niyang iyon. "Baket ganyan ka makatingin."

"I'm so happy to have you, loves."

"I'm also thankful, Chase." hinimas ko ang braso nito para yayain ng kumain sa loob. Nakaramdam nadin kase ako ng gutom dahil sa paglilinis ng garden. Magkawak kamay kaming dalawa ng pumasok sa loob, sinamahan pa ako nitong maglinis ng kamay.

At napapansin ko ang panay pagtingin nito sa akin, at kapag tinatanong ko naman ay laging ngingiti na parang hindi maintindihan. Isa lang sinisigurado niya, nanlalamig ang asawa niya.

"Ikaw panay ka tingin, kapag ako natunaw wala ka ng magiging asawa." biro ko dito na tinawanan niya naman. Gumagana nanaman ang pagkabaliw ng lalaking ito, pabago-bago talaga ng timpla ang isang ito. "Tumigil ka na nga dyan, kumain kana."

"Sorry, i love you."

"I love you too."

Inubos nila ang oras na natitira nilang dalawa sa paglalambingan, biruan at asaran. May pagkakataon pang naghabulan sila sa sala at nagbasaan sa banyo. Ginawa nila ang ginagawa nila noon, nakakamiss din pala.

Sa dami ng nangyari ito kaming dalawa ni Chase na masaya, masaya kahit na may lungkot na nadarama. Hindi ko kailangang matakot dahil alam kong gagabayan ako ni Chase hanggang sa makakaya nito. May tiwala ako sa kanya at hindi mababago 'yon kahit na may ibang babae pa na dumikit dito. Akin ka lang, Chase.

--
"Oh iha, mabuti nalang nakarating kayong dalawa. Kamusta kayo, nabalitaan ko ang nangyari sa inyo."

"Una hindi maiwasang matakot pero nung nahuli din sa araw na 'yon ang nagtakha sa buhay namin ay masasabi kong nabunutan na kami ng tinik."  tumango tango ang ginang at iginiya na kami sa upuang nakalaan sa amin.

"Thank you, tita." naupo kaming dalawa ni Chase at nagpaalam naman sa amin si tita para kausapin ang pari. "Okay ka lang?"

"Oo naman. Ikaw?" napailing nalang ako sa tanong na ibinato namin sa isa't-isa parang nababaliw kaming dalawa. Hinawakan nalang nito ang kamay ko kaya tahimik nalang ako humarap sa unahan ng pwumesto doon ang pari.

Nagsalita ito ng ilang minuto ang pari at nagbigay ng ilang aral, may binasa din si tita tungkol sa yumao hanggang sa lahat kami ay tumayo upang kumanta.

May sinabe lamang ang pari bago isa-isa kaming pumila para tanggapin ang katawan ng maylikha, sunod ay pagbibigay mensahe sa namatay.

Unang lumapit si tita para ilabas ang kanyang saloobin. Hawak palang ni tita ang remote pero yong pakiramdam masakit. Naramdaman ko ang paghigpit ng kamay ni Chase, tumingin ako dito at tinanguhan niya ako.

"Hindi mahirap maging magulang, ang mahirap ay mawalan ng anak. Hindi ako perpektong magulang pero lahat ng makakabuti sa anak ko ay ginawa ko." ramdam ko ang emosyon na nararamdaman ngayon ni tita, kahit karalgal ang boses nito sa pag-iyak ay nagpatuloy lamang ito na magsalita.

"Nakakapanlumo lang na bakit ang anak ko pa, sa dami ng taong masama bakit ang anak ko pa."

"M-masakit, sobrang sakit para sa akin na tanggapin na w-wala na talaga. Wala na talaga ang nag-iisa kong anak." lumapit ito sa kabaong ni Yen at inilagay doon ang bulaklak. Ganoon din ang ginawa ng iba hanggang sa ako na ang nagbigay ng message.

"Kaya mo ba?" tinanguhan ko si tita bago pumunta sa unahan, pinunasan ko ang luha ko gamit ng bimpo. "Sa ilang taon na lumipas, marami akong natutunan sa kaibigan kong si Yen. Sa kanya ko natutunan kung paano maging matapang at maging malakas sa bawat hamon na dumadating sa buhay ko. Siya ang naging kakampi ko sa lahat ng bagay."

"Pero ngayon, wala na. Kailangan ko naming tanggapin na wala na siya, ang magagawa nalang namin ay maging kampante at huwag kalimutan ang mga ala-alang binuo niya kasama tayo."

Naglakad ako palapit sa coffin at pinagmasdan ang mukha nito, salamat sa memories, bes. Inihagis ko ang bulaklak at bumalik na sa upuan, may sinabi pa ang pari bago saraduhan ang coffin. Binasbasan niya din ito bago lumapit ang mga lalaki para ilagay sa huling destinasyon ng kaibigan niya.

Unti-unti nading nagsialisan ang mga bisita at iilan nalang kaming naiwan dito, nilapitan ko si tita na hinihimas ang puntod ni Yen. Lumuluha padin ito kaya yumakap ako dito upang kahit papaano ay maibsan ang lungkot na nararamdaman nito. "I know, masaya na siya sa kinalalagyan niya ngayon."

"Opo tita. Makakayanan natin na lampasan ito, magtiwala lamang tayo."

"Oo ng-" Hindi natapos ni tita ang sasabihin ng may isang putok ng baril ang pumagitna sa aming pagdadalamhati. Hinila ako ni Chase palapit sa kanya at inalalayan si tita papunta sa kotse, muling pumutok ang baril nakarinig ako ng pagkabasag ng isang bagay at ng tignan ko ito, ang salamin ng kotse namin.

"Shit."

"Iha pumasok ka na dito!" Ani ni tita, sumunod na akong pumasok.

"Chase, pumasok kana!" hindi nakapasok si Chase agad ng makaramdam ako ng panghihina, bakas sa mukha ni Chase ang pag-aalala at takot pero hindi ko na nagawang kumalag ng mawalan na ako ng malay.

"Reeeeeeyn!"

Ikaw nga, ReynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon