"CHASE, wala ka bang balita sa kaibigan mo. Ilang araw na siyang absent. Hinahanap na siya ng mga prof natin." wala akong ideya kung bakit ito absent, ni hindi ko nga nakakausap si tita. Ano kayang nagyayari sa lalaking 'yon, mukhang okay naman ito noong kinagabihan base sa boses nito.
"Alam mo namang hindi pa kami nagkakaayos," pinatay ko ang cellphone, "Puntahan ko nalang siya mamaya sa kanila." kumalumbaba ako upang pagtuunan ng pansin ang katabi.
"Sa tagal niyong pagkakaibigan saka pa kayo naging ganito, parang ang babaw naman ng pinanggalingan para humantong sa ganito. Ang tataas kase ng pride niyo, ni walang kahit isang balak sumuko." pinasadahan ko ng tingin ang babae, alam kong nag-aalala lamang ito sa aming dalawa kaya lubos ko siyang naiintindihan. Maliit nga naman na bagay ang pinag-ugatan nitong 'di pagkakaunawaan namin ni Rio. "Ilang beses kong sinabe na ikaw na sumuyo, panay ka naman dinadaga. Buset ka talalaga!"
"At bakit parang ako ang may kasalanan?" gusto kong matawa sa sinasabe ni Milan, parang nababaliw na siya kay Rio, eh. Hindi nga sila nag-uusap na dalawa at kung manermon siya akala mo sasabak sa world war 3. "Sa susunod nga siya ang kausapin mo at nang magkaunawaan na kayong dalawa."
"Huwag mo nga ibahin ang usapan, nakakainis ka. Bahala ka nga diyan!" nagwalk-out ang dalaga, hindi mo talaga mabasa minsan ang babaeng iyon. Parang araw-araw may shimmering splendid ang ugali.
Pero may punto talaga ito. Lagi kase akong dinadaga kapag malapit na sa bahay ni Rio. Naturingang kapit-bahay saka naman nahiyang magpakita dito. At baket kase napakaarte ng kaibigan niya.
Isang subject lang kami ngayon kaya maaga din kaming uuwe, ang kaso may pasok ako sa trabaho kaya kailangan ko ding pumunta agad doon. Friday naman kaya kaunti lang ang dami ng customers ngayon, normal na ang araw na ito para sa aming mga staff. "Milan, mauna na ako. Huwag ka ng bumusangot diyan. Mas lalong hindi ka magugustuhan ni Rio."
Nanakbo ako bigla dahil nagbalak itong sabunutan ako. Gigil na gigil itong nagdirty finger. "Buset ka! Ang panget mo talaga."
"Rio. Rio. Rio." pang-aasar ko pa lalo, halos umusok ang butas ng ilong nito dahil sa inis. Mabuti nalang talaga nakasakay na agad ako, kumaway pa ako dito at nakatanggap lang naman ako ng dalawang dirty finger. Ang lupet talaga.
Tumahimik na ako dahil medyo seryoso ang ilang pasahero pero may isang lalaki na agaw pansin. Sa jeep nagtiktok, hindi naman na niya pinansin dahil sa palagay ko may libre silang pass para gawain ito in public.
Hindi naman masama sa makatuwid ay nakakahikayat nga ito na maging libangan. "Para po!"
Bumaba na ako dahil ilang minuto na ang lumipas at late na ako. Mabuti nalang talaga buo padin ang sahod ko kahit na half day ako. May kaltas nga lang kapag late pero bawi sa over time.
Sa banyo agad ako pumunta para magpalit ng uniform, andito kase ngayon ang anak ng may-ari. Siya ang tumatayong tagahalili nitong cafe restaurant. "Chase." palabas na ako ng dining ng tawagin ako ni madam. Pumihit ako paharap dito at nakita ko itong abala sa laptop.
"Bakit po?"
Humarap ito sa akin at may inilabas sa bag niya, isang keychain ang kinuha niya na pahaba. "This is for you, I hope na magustuhan mo." lumapit ako para abutin ito. Pangalan ko ang pagkakaukit nitong keychain. "Maganda ba?"
"Opo. Maraming salamat po." masaya akong makatanggap ng ganito lalo na sa boss pa nanggaling. First time niyang makatanggap ng regalo muna sa ibang tao. "Sige na, go back to your work na."
Masaya akong lumabas sa pintuan, hindi lamang kasi ito pangalan ko dahil para sa akin may meaning ito. "Magandang hapon!" bati ko sa kitchen staff, kumpleto na kami ngayon. Baliktad 'no, kase dapat kapag ganitong 'di matao dapat may day off. Ang kaso tuwing friday ang araw ng paglilinis pero may kapalit ito, double pay kaming lahat.
BINABASA MO ANG
Ikaw nga, Reyn
RomanceReyn D'amelia / Chase Planner Love Story~ Book cover by: Francis Jeremiah