SA buwan ng marso gaganapin ang aming kasal, ito ay nakatapat sa araw ng kaarawan ko. Si Chase ang pumili ng buwan at araw at ang napili niya nga araw ng aking birthday. Masaya ako dahil sa dahilan niya, nais nitong bigyan ng panibagong ala-ala ang araw na iyon.
"Sa tingin mo, mas lalong lalabas ang ganda mo sa gown na ginagawa mo. It's a very unique. Hindi na ako makapag-antay sa araw ng iyong kasal." ngumiti ako habang ginagawa ang aking gown, hindi sa ayaw ko sa iba pero mas gusto kong ako ang gagawa para mas mafeel ko ang feeling na magsuot ng sarili kong pinaghirapan.
"Pinadala mo ba ang invitation card sa staff ng shop?" tanong ko dito, gusto kong lahat ng mahalaga sa buhay namin ay nandoon. Kahit dalawang buwan na ang shop ay pamilya niya na ang turing sa mga ito. "Sina tita Rosalinda pinadalhan mo?"
"Of course, si mama pa ba ang mawawala sa araw ng kasal mo. Eh, mas excited pa nga 'yon nung nalaman niyang engaged kana." si tita Rosalinda nalang ang kasama sa buhay ni Yen, abala ito si tita sa petshop na iniregalo ng kaibigan, or should we say manliligaw. "Bibigyan niya raw kayo ng isang puppy na aalagaan niyo. Wedding gift niya para sa inyong dalawa."
"Talaga. Gustong-gusto ko na tuloy makilala ang puppy na 'yan." hindi ako mahilig sa alagang hayop, pero kung parehas silang mag-aalalaga ni Chase ay hindi siya dapat mag-alala. May trauma kase siya, muntik na siyang makagat ng aso at makalmot ng pusa ng kapitbahay. Sobrang likot niya kase dati kaya pati alagang hayop ay stress sa kanya.
"Ang hubby mo nandito na." ibinaba ko ang bahagi na ilalagay sa aking damit pangkasal. Sinalubong ko si Chase na may dalang bulaklak, hinalikan niya ako sa labi bago iabot ang hawak niyang bulaklak. "Flowers to my wife."
Inamoy ko ang bulaklak ang bango bango nito, "Ikaw talaga, baka magpatayo na ako ng flowershop niyan kapag araw-araw kang magdala ng bulaklak." nag-iinarte pa siya, eh gustong-gusto niya naman ang bulaklak.
"Sinabi ko sayo na liligawan kita araw-araw, dahil gusto ko araw-araw mo ding maramdaman na mahal na mahal kita at ikaw lang babae sa buhay ko." muli nito akong hinalikan sa labi, hindi ko alam kung anong kabutihan ang nagawa ko sa mundo para biyayaan ako ng ganitong klaseng lalaki. Binuo niya ang pagkatao ko.
"Thank you." yumakap ako sa kanya at naramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo. "I love you, Chase!"
"I love you more, loves."
"Excuse me. Single po ako para sa kaalaman niyo, pwedeng huwag sa harapan ko. God, naiinggit ako." nagbitiw kami ni Chase at sabay na natawa, ito ang problema sa kaibigan niya panay lagi ang inggit nito pero hindi maghanap ng pwedeng boyfriend. Panay chill sa buhay palibhasa choosy, gusto mahanap ang perpect guy para sa kanya.
"Maghanap ka na kase."
"Tse, makaalis na nga at maghahanap na ng pwedeng maging boyfriend." kung hindi lang boyfriend ang binanggit nito siguro iisipin ko na babae ang hanap nito kaya never pang nagkaboyfriend. "Good bye lovers."
"Keep safe, bes!" sigaw ko, itinaas lamang nito ang kamay bilang tugon. Hinarap na niya si Chase, nakatitig lamang ito sa kanya. "What?"
"Ang ganda mo." pabiro niya itong hinampas, lagi naman siyang maganda. "..sobra."
"May gusto ka nanamang iparating, 'no?" sa mga ganitong hirit niya basa ko na ang gusto niyang mangyari. Gusto niyang gumawa ng milagro. "You want me, uh?" kinagat ko ang labi ko para akitin siya, wala na akong pakealam sa itsura ko.
"Stop teasing me, loves." sinuway ako nito at imbes na siilin ng halik ay hinila nito ako sa sofa at iniupo sa tabi niya sabay yapos. Sumimangot ako, "Are you mad?"
"N-no." oo, kung kailan gusto kong makasama siya sa kwarto kasama naman siya naging ganito kabait ngayon. Hindi na ba ako kaakit-akit sa paningin niya, God. Bakit ko naiisip ang ganitong bagay.
"Gusto mong kumain sa labas, loves. May alam akong bagong bukas na restaurant malapit dito." speaking of foods, hindi pa ako naghahapunan pati ang tanghalian ay nakaligtaan ko na. Masyado akong nagpokus sa pagtatahi, "Ano deal?"
"Masarap ba pagkain nila, baka naman pangit ang ambiance?"
"I swear na hindi ka magsisise, masasarap mga putahe nila doon." paninigurado ni Chase kaya tumayo na ako para pumunta doon, kaso ng lingunin ko si Chase ay nakaupo pa ito at nagpipigil ng tawa. "A-ano ba!?"
"Ito na nga po." tumayo na din ito at ipinagdaop ang mga kamay namin. "Hindi ka pa siguro kumakain kase mukhang excited ka pumunta."
"Hindi kaya ako kumain nung tanghali maski ngayong hapunan. You know, busy sa susuotin natin."
"Ipagawa mo nalang sa iba ang mga susuotin ng guest. Mapapagod ka niyan." umiling ako dahil masaya ako sa ginagawa ko, saka gasino lang naman na magtahi ng ganoon. Isa sa rason ko ay ayakong maiba ang designs ko, kase kapag ako ang gumawa alam ko ang bawal detalye.
"Matatapos na din naman." huminto ako kase nilampasan namin ang kotse, "Hindi tayo sasakay?"
Umiling ito at binulsa ang isang kamay, "Gusto kong masolo ka at makapag-usap tayo ng matagal."
"Makakapag-usap naman tayo habang nasa kotse, ah?" malamig kase ang panahon, simple na dress lang ang suot ko at masyadong bulgar ang likuran ko. Bumitaw ito sa akin akala ko kung ano ang gagawin niya iyon pala ay ipapasuot sa akin ng suot niya leather jacket. "Thanks."
Sa paglalakad nila nag-usap sila tungkol sa ganap ng kanilang kasal, saan gustong ganapin ang kasal at iba pa. Pinili ko ang garden wedding dahil bagay sa gown na ginagawa ko, halo kase ang timpla noon sa mga hilig ko sa halaman.
Saka pwede naman silang magpakasal sa simbahan sa pangalawang pagkakataon, ang importante naman ay maging totoo sila sa sarili nila sa araw ng kanilang kasal at magsumpaan sa harap ng Diyos. "Perpect place."
Tama nga siya hindi ako magsisise dahil napakaganda ng restuarant na ito, punong-puno ito ng bulaklak sa paligid. Parang bumalik ako sa nakaraang panahon, sobrang ganda. "Welcome to SulU Restaurant."
Mahalimuyak ang amoy ng loob, mga gawa sa kahoy ang kanilang mga gamit. Bilugan ang mga lamesa at sa gitna nito may bulaklak na lily. Sa bawat gilid naman ay may nakatanim na sunflower, sa kabilang parte ay iba't-iba. "Let be sitted."
Nasa mukha ko pa din ang pagkamangha, "I like this place." unique ang pagkaisip ng concept ng restaurant na ito, bilib na siya sa nag-isip nito.
Hindi ako makapili sa pagkain dahil sa tingin ko sa lahat ito masarap, tinignan ko si Chase at nakuha niya naman ang gusto ko. Siya na ang umorder sa aming dalawa. "Ang bango."
"Eat well, loves."
Tahimik kaming kumain na dalawa pero 'di mawala ang pagsulyap sa akin ni Chase. Hindi ko sana ito papansin kaso naiilang ako, "Chase naiilang ako."
"Sorry, I love you."
BINABASA MO ANG
Ikaw nga, Reyn
RomanceReyn D'amelia / Chase Planner Love Story~ Book cover by: Francis Jeremiah