ALL TOO WELL

5.6K 60 1
                                    

"Bakit ang tagal mo?" masungit na sabi mo sa akin. Ilang buwan na ba tayong hindi nagkita? Ay mali, palagi kitang nakikita pero ako di mo nakikita. Namiss kita pero ang bungad mo sa akin.

Napakamot ako ng ulo saka ngumiti.
"Traffic eh." sagot ko nalang saka umupo.

Inirapan mo ako. Grabe naman to. Parang hindi ako namiss?

"Ah.. Jennie.. for you." sabi ko sabay abot ng bouquet ng daisies na binili ko. Actually kaya ako na late dahil naghanap pa ako nito.

Hindi mo ito inabot at tinitigan lang. Ibinaling mo ulit ang tingin sa menu.
"Para saan naman yan?" cold na tanong mo.

"Ummm, wala lang. I just thought.. ahm, napadaan kasi ako sa flowershop on my way here then I saw this.. wala lang to." paliwanag ko.

"Okay. Thanks." sagot mo naman.

Pinagmasdan kita habang namimili ka ng oorderin. Hindi ka pa rin nagbago, napakaganda mo pa rin. Well? Ikaw lang naman ang pinakamagandang babae sa paningin ko.

"So bakit mo binebenta yung bahay?" tanong mo sa akin habang kumakain tayo.

"Masyadong malaki for me, saka wala akong kasama doon. Naisip ko lilipat nalang ako sa condo ko." paliwanag ko.

"Ganon kadali sayo yon?"
"Naririnig mo ba sarili mo Jen?"

Things started to heat up, sasagot ka sana pero biglang dumating yung waiter.

"Anything else Ma'am?" tanong nito.
"Wala na, thank you." nakangiting sabi mo.

"Huwag ka mag-alala, hati naman tayo sa mapagbibilhan. Hindi naman ganon kasama ang ugali ko." sabi ko.

"I am not after the money."
"Then for what?"

"Lisa sayang yung bahay."
"Mas sayang kapag walang tumira doon Jen. Maluluma lang, baka mamaya pamahayan pa yon ng multo."

"Bakit kasi hindi ka nalang doon magstay?" inis na tanong mo.

"You know I hate being alone."
"As if you are not alone sa condo mo??"

"At least sa condo ko walang memories natin, well meron pero hindi tulad sa bahay. I'm having nightmares doon, imagine waking up every single day and hoping na pag gising ko andoon ka."

Napahinto ka sa pagkain at tinitigan ako.
"As if it's my fault that we are in this situation now." cold na sabi mo.

Napayuko ako at pumikit. Ano nga bang nangyari? Bakit tayo andito ngayon?

ALL TOO WELL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon