Chapter 4 - 8 years later

2K 36 1
                                    

"Wait wait! Bibili akong drinks!" sigaw ko. Halos hindi na kami magkarinigan sa sobrang lakas ng tugtog at hiyawan. Ang sarap ng ganitong buhay, trabaho sa weekdays tapos party sa weekend.

"Lasing ka na eh, tama na uuwi na tayo maya maya." inis na sabi ni Jisoo.
"Gags, hindi kasi. Drinks on me!" sigaw ko.

"WOOOOOOOOH!!!" sigaw naman ng ibang kasama ko.

Lumapit si Seul sa akin at bumulong. "Kaya mo pa ba?" tanong nito. Bahagya ko siyang itinulak, hindi naman talaga ako lasing. Ilang bottle palang ang nainom namin. "Gago oo naman." sabi ko.

Lumakad ako papalayo sa crowd, nasa gilid kasi ang mga booth na nagtitinda ng drinks. Medyo madilim, binilisan ko ang paglalakad. Biglang nagsigawan ang mga tao dahil pinatugtog ang Kill This Love by Blackpink, putangina this is such a mood. Napalingon ako at napangiti habang naglalakad, hindi ko na napansin na may tao pala sa harap ko at nabunggo ko ito.

"Ouch!" sabi nito nang matapakan ko ang maliit niyang paa. Tinulungan ko siya tumayo at nagulat ako dahil parang familiar siya sa akin.

Padabog niyang binitawan ang kamay ko saka naglakad papalayo. "Miss teka." sigaw ko pero hindi na siya lumingon. Nanatili akong nakatayo sa pwesto ko, hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko. It's been what? 8 years?

"Miss nalaglag wallet mo." sabi ng isang babae na dumaan. Napatingin ako sa daan at may wallet nga.. Pinulot ko ito at tinignan. May litrato ng isang babae. Napalingon ulit ako sa direksyon kung saan tumakbo papalayo ang babaeng nabunggo ko kanina.

"Jennie.."


Pagbalik ko sa pwesto namin nina Seul, iniabot ko agad ang alak na binili ko.

"Oh bat parang ang tahimik mo? Nahihilo ka na hano?" pang aasar ni Seul habang sinasayawan ako.

"Tanga hindi, huwag mo nga ako sayawan ang laswa. Nakakadiri ka." inis na sabi ko.
"De anong problema?" tanong ni Jisoo.

"N-Nakita ko si Jennie."
"HAAA? Tangina, tagaaaay!! Lasing ka na nga gago!!!"
"Tangina mo, di mo malimot limot yang puppy love mo e no." sabi ni Seulgi.

"Kala niyo naman kasi nagjojoke ako."

"Paano naman mapupunta dito yon e ang tagal na non wala sa Pinas, at isa pa pati nga Tatay niya wala ka na balita." sabi ni Jisoo.

"Hindi ako pwedeng magkamali. Nabunggo ko siya kanina, she accidentally dropped her wallet pa nga." agad kong kinuha ang wallet sa bag ko at ipinakita yon sa kanila.

"WOOOOAH, PUTANGINA??????!!!!!" Sigaw ni Seulgi.

"GAGO TADHANA BA THIS????!!!" Sigaw naman ni Jisoo.


"Oh saan ka na naman ba galing kagabi?" tanong ni Mama. Nakadukdok ako sa mesa at hinihintay maluto ang agahan. Kahit antok na antok pa ay pinilit kong bumangon para makasabay sila ni Papa sa agahan.

"Ma, dyan lang sa may tabi." bulong ko.
"May tabi? hanggang ngayon amoy alak ka, pambihira naman Lalisa e pangarap mo pala maging lasinggera di mo naman sinabi."

"Mama, ang aga aga naman nito." bati ni Papa. Naramdaman kong lumapit ito sa akin at niyakap ako mula sa likod. "Good morning Lasengga." natatawang bati nito.

"Papa naman eh." ingit ko.
"Nako yang anak mo kasi kinukunsinti mo palagi."

"Ma, hayaan mo siyang ienjoy ang kabataan niya, para naman hindi ka nagdaan sa ganyang edad. Parang hindi ka tumatakas noong araw para magdisco tayo sa gabi ah." pang aasar ni Papa.

"Hay nako magtigil nga kayong mag-ama, parehas kayong wala sa hulog."
"Kala mo naman di mo ako napikot sa pa gimik gimik na yan." sagot ni Papa.

Bigla akong natawa, they're always like this. Kahit naman ang nagger ni Mama, alam ko naman na wala naman itong gusto kundi mapabuti ako.

"Ang kapal mo, ikaw ang nangpikot sa akin!" sigaw ni Mama.

"Ay weh, kaya pala nung sinundo kita dinakma mo agad ako sa sasakyan." natatawang sabi ni Papa. Lumapit si Mama sa akin at tinakpan ang dalawang tenga ko.

"Ikaw kung ano anong sinasabi mo marinig ka nitong bata." gigil na sabi nito.
"Ma, hindi na ako bata ano ba."

"Eh totoo naman." sagot ni Papa.
"Siya sige manahimik ka na at kumain na tayo."

Bigla kong naalala ang nangyari kagabi, si Jennie.. "Pa, nga pala matagal ko na hindi nakikita si Tito Arthur, okay lang ba siya? Nasaan na kaya siya?" pasimpleng tanong ko.

"Hindi ko alam anak eh, ang alam ko sinundan niya yung mag-ina niya sa abroad. Wala akong balita kung naging ayos ba o ano." kwento ni Papa.

"Ahhhhh. Sana naman okay lang siya." sabi ko.
"Bakit bigla mong tinanong?"

"Wala naman Pa, naalala ko lang."
"Sige, subukan kong imessage siya para kumustahin."

ALL TOO WELL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon