Chapter 24

1.8K 46 1
                                    

Hindi ko naman akalain na ganon kabilis magpapakasal si Jennie sa boyfriend niya, that soon? Parang wala pa naman sila 1 year na magkasama.

Ang funny lang kase bakit naisipan niya na ako ang gawin na photographer. Maybe she's thinking na it's fine with me, na there won't be a problem.

Naniniwala ba kayo sa first love never dies? Hindi ko gets, sa whole span ng relationship namin ni Irene alam kong mahal ko siya. Masaya kami sa kung anong meron kami pero tulad ng isang usual na relasyon meron din mga issue, wala naman perfect eh. Kaso lang one day bigla nalang siya naging cold, tapos bigla na ayaw na niya.

Gusto ko siyang habulin, I want to save what we have but later on I found out na she's dating someone aside from me.

Alam mo yung naramdaman ko? Actually wala ba eh, parang ah okay sige good luck nalang. Hindi sa manhid ka na, hindi sa wala kang choice pero inisip ko nalang kung anong dapat gawin.

Acceptance. Yun lang talaga, every decisions in life you have to accept na mag pros and cons. Hindi palaging aayon sa gusto mo yung nangyayari, just like me and Jennie. Me and Irene, it was just a series of lessons. Hindi ako magmamalinis kasi alam kong may kasalanan din ako sa mga nangyari.

Dumating ang team ko sa meet up place na sinabi ni Jennie, nagtataka ako kasi wala naman special sa lugar na to?

"Hi." bati ko sa kanya at kay V, I'm trying to be Professional kasi nakakahiya naman. Napatingin ako sayo, still beautiful as ever. Well I admit, you two look cute together.

"Hindi ba kayo na traffic?" tanong mo.
"Uh, not really.. so.. dito tayo magshoot??" tanong ko.

"Ah, no.. sa isang Island resort."
"Seryoso ba?"

"Yes, kaya nga sinabi ko sayo magdala kayo extra clothes."
"Kala ko somewhere lang, but okay lang no problem naman."

Sumakay tayo sa isang bangka papunta sa resort, todo ingat ako sa gamit ko dahil baka swertehin ako at mashoot sa ilalim ng tubig to habang sumasakay ako. Hindi ko napansin na kasunod pala kita.

"Oh gosh." nataranta ako dahil napasigaw ka, paglingon ko hindi ka naman nadulas nakahawak ka naman sa tali ng bangka. Lalapitan sana kita pero biglang kasunod mo na ang boyfriend mo.

"Baby.. are you okay? I told you to wait for me. May masakit ba sayo?"
"Wala baby I'm okay."

I saw how he kissed your forehead. Napatingin nalang ako sa inyo habang inaalalayan ka nya. Pota bakit ba ganito itong pinasok ko. Umakyat ako at pumwesto sa bangka, I need to take vids din kasi ng dagat.. Hindi ko matiis ang ganda at ang linaw ng tubig.

Pagdating sa Isla naglunch muna tayo, you accomodate us kung saan kami mag stay.
"Thanks Jen, what time kayo pwede para sa shoot?" tanong ko sayo.

"Bukas nalang, let's take a rest nalang medyo nahilo ako sa byahe." bigla akong nag alala, naalala ko madali ka nga pala mahilo.

"Did you take meds? meron ako dito." sabi ko.
"No it's okay, you take a rest na. See you tomorrow."

****
Nakatulog ako dahil sa pagod, nagising ako around 4pm na. Naalala ko maganda siguro kung manood ako ng sunset. Agad akong nagbihis para lumabas, bitbit ko ang camera ko habang naglalakad sa pinong pinong buhangin.

Naghanap ako ng magandang pwesto saka naupo. Sineset up ko ang camera ko at ang tripod nang mapansin kong may naliligo sa dagat na familiar, hindi pa ganon kadilim dahil past 4 pm palang naman.

I saw Jennie and V sa di kalayuan habang naliligo sa dagat. Naghaharutan sila at nagsasabuyan ng tubig. "Putangina namang view to." bulong ko.

Umahon ka at naupo sa shore, nakasuot ka ng maiksing swim suit at bakat lahat ng pwedeng bumakat. "Lorde Jisoos, bakit ka pinayagan ng boyfriend mo magsuot niyan." bulong ko habang nakatitig sayo.

ALL TOO WELL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon