CHAPTER 3

1.6K 36 3
                                    

"Good morning Tito." bati ko kay Tito Arthur, marahan itong ngumiti. May problema ba? Parang wala sa mood si Tito?

"Tito nasaan si Jennie?" tanong ko.
"Sinundo na ng Mommy niya eh.. bumalik na sa abroad." malungkot na sabi nito.

Ha? Bumalik sa abroad? So nasa abroad pal yung Mommy ni Jennie? Tahimik ang buong byahe papuntang school, yung dating Tito Arthur na madaming kwento seryoso ngayon. Siguro nalulungkot, napaisip din tuloy ako.

Ilang buwan din andito si Jennie, nakakalungkot din pala kapag wala siya. Bakit kaya biglaan naman yata? Bakit hindi nalang isinama si Tito? Napatingin ako dito, gusto ko siyang tanungin about sa mga bagay kaso baka lalo lang siya malungkot.

Dumaan ang buong maghapon na iniisip ko pa rin si Jennie. Parang may kulang, kahit na nga ba palagi masungit yon. Sayang naman kung kailan magiging magkaibigan na yata kami saka pa siya umalis.

"Hoy Lisa, malungkot ka yata?" tanong ni Seulgi. "Okay ka lang ba?"

"Oo naman." sagot ko saka ngumiti.
"Weh, bakit parang hindi. Bakit hindi ko nakikita si power ranger pink?"

"Wala na sya."
"Hala namatay na?"

Gusto ko sapukin si Seulgi, masyadong nililiteral yung mga bagay bagay parang tanga.

"Kung ikaw kaya patayin ko?"

"Ahhhh, oh nasaan nga kase ayaw mo naman ayusin sagot mo. Sabi mo wala na edi akala ko patay na." sabi nito.

"Di kase, umalis na.. sabi ni Tito bumalik na sa ibang bansa." malungkot na sabi ko.

"Awww.. sad ka? Ayieeeee kaya ka sad no??"
"Syempre, nalulungkot ako para kay Tito."

Lumapit ito saka ako inasar.
"Para kay Tito o para sayo? Di pa man nagstart love story natapos na agad."

"Tangina para kay Tito nga!!!" giit ko.
"Kailan mo aaminin sa sarili mong may gusto ka naman talaga doon kay power ranger pink."

"Hindi ko aaminin kasi wala naman talaga."

ALL TOO WELL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon